AIDAN SHO CULLEN P.O.V
Pinagmamasdan ko lamang si Austin at Sofia habang nagbabangayan na parang aso at pusa,
"Alam mo kasalanan mo ito Austin!" hindi tayo mapupunta dito kung inalam mo lang ng maayos iyong pupuntahan natin!" Paninisi ni Sofia kay Austin.
"Ako pa ngayon ang mali Sofia!" Hindi ba ikaw dapat ang gumagawa noon na masiguro na ligtas ang lugar na pupuntahan natin." Si Austin na tila naiinis na din kaya naisipan ko na lapitan na sila at sumakay muli sa aking kotse na hindi man nila napansin na nandito na Ako sa area na sinabi nila sa akin. Inihinto ko mismo sa harapan nila ang aking kotse Lumabas Ako at agad naman lumapit sa akin si Sofia na napayakap.pa nga.
"Sho!" buti nalang dumating ka!" Si Sofia na parang nakakita ng savior niya.Habang si Austin naman ay alam ko na nagseselos kaya inilayo ko na sa akin si Sofia.
"Buti naman nahanap mo kami Bro!" Kung bakit kasi ngayon pa nagkaproblema ang kotse ko."Si Austin na nakapamulsa at nakatingin sa amin.
"Halika na kayo dahil lumalalim na ang gabi!" Pagyaya ko sa kanila dahil parang magbabangayan na naman sila.Napapailing na lamang Ako sa sitwasyon nilang dalawa .Kung bakit ayaw pa nilang umamin na mahal pa din nila ang isa't-isa.
Sumakay na nga sila sa kotse.Hanggang sa loob ng aking kotse ay muli na naman sila na nagbabangayan.
"Alam mo Austin sana man lang bago ginamit ng kotse mo ay chine-check mo muna para hindi tayo nakakaabala sa ibang tao!' Si Sofia na hanggang ngayon ay sinisisi pa din si Austin.
"Pwede ba manahimik ka na Sofia " Nagsorry na Ako kanina pa diba!" Hindi pa ba sapat iyong paghingi ko ng sorry sayo?"Si Austin na hindi na napigilan ang sarili dahil napipikon na talaga ito.
'Hindi kahit na anong gawin mo na sorry malabong mapatawad pa kita Austin!" Si Sofia naman na may namumuo ng mga luha sa mga mata na tila iiyak na kaya naman sumabat na Ako sa usapan nilang dalawa.
"Tama na yan guys!" Mga pagod na kayo kaya magpahinga na lamang kayo okay!" At Sofia huwag mo isipin na nakakaabala kayo sa akin. Dahil wala naman akong schedule ngayon kaya okay lang na puntahan ko kayo dito at sunduin."Paliwanag ko kay Sofia at tiningnan ko na din si Austin na naglagay na ng headphones sa tenga niya.
Bumalik na Ako sa aking pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa bahay nila Austin.Bumaba na kaming lahat dahil dito din nagstay ngayon si Sofia.
Hindi ko na din na maintindihan ang dalawang ito.Pumasok kami sa loob at sinalubong naman kami ni Tita Gemma na niyakap agad si Austin at lumapit din dito si Sofia kaya parehas na silang niyakap ni Tita na parang anak na din ang turing niya kay Sofia.
"Naiinggit naman po ako Tita!" Biro ko dito na lumingon sa akin.
"Nandiyan ka din pala Sho!" Bati.nito sa akin.
"Opo sinunod ko kasi ang dalawa na iyan.Dahil nasiraan po sila sa daan!" Sagot ko kay tita Gemma na napalingon kay Austin.
"What nasiraan kayo Austin?" Bakit hindi mo Ako tinawagan?" tanong ni Tita kay Austin.
"Hindi ko na po sinabi sayo Mommy dahil ayaw ko mag-alala ka sa amin ni Sofia!" Sagot dito ni Austin.
"Sige na maghahain muna Ako para makakain ka din Sho bago umalis."Paalam sa amin ni Tita na pumunta na sa kusina.
Sila Austin at Sofia naman ay pumasok na muna sa kaniya kaniyang kwarto nila para magpalit ng damit.
Habang Ako naman ay naghintay lamang na tawagin ni Tita.
"Sho halika na! Nasaan na iyong dalawa na parang aso at pusa kung mag-away!" Natawa.na lamang Ako sa tinuran ni Tita maging siya ay nastress na din sa dalawa.
"Opo Tita!"pumasok muna iyong dalawa sa kwarto nila para magpalit ng damit." Sagot ko kay Tita.
Pumunta na nga kami sa dining area at ilang sandali lang ay magkasunod na din na dumating sila Sofia at Austin.
Habang kumakain kami ay nagulat kami
parehas ni Tita Gemma ng bigla na naman na nag-aaway sila Austin at Sofia dahil lamang sa fried chicken na pinag-aagawan nila.
"Ako ang nauna Austin sa manok kaya bitawan muna!" Si Sofia na medyo malakas na ang boses.
"Ako ang nauna Sofia!" Kahit tingnan pa natin sa CCTV dito sa kusina.!" si Sho na sinagot si Sofia.
"Magsitigil na nga kayong dalawa!" Hanggang sa pagkain ba naman may issue pa din kayo!Pwede niyo naman paghatian yang manok" Bakit kailangan mag-away pa kayo!" Nakakawalang gana kayo.!" Si Tita Gemma na napikon na sa dalawa kaya nagpaalam na ito sa akin at nawalan na daw ito ng ganang kumain.
Habang natameme naman iyong dalawa na nag-aagawan sa manok.
"Sayo na iyan Austin!" si Sofia na inilapag na Ang manok na pinag-aagawan nila kanina.
"Sayo na Sofia!" Nawalan na din Ako ng gana!" Sagot naman dito ni Austin.
Inawat ko na sila agad dahil parang mag-aaway na naman sila kaya Ako na ang kumain ng manok na kanina pa nila pinagaawayan na naging dahilan kung bakit nagalit si Tita Gemma.
Pagkatapos namin na kumain ay nagpaalam na din ako sa kanila dahil past 11pm na pala ng gabi .
"Salamat ulit Bro!"si Austin na hinatid pa Ako sa gate ng bahay nila.
"Wala iyon Bro! Alam mo din naman na malaki ang utang na loob ko sayo mula pa noong nag-uumpisa palang tayo sa training ay madalas Ikaw pa ang nagbibiro ng pagkain sa akin dahil walang wala Ako noong mga panahon na iyon."Kaya maliit na bagay lamang ito kumpara sa naitulong mo sa akin Austin." pero paalala ko din sayo Bro na habang nakakasama mo pa siya ay magtapat ka na ulit dahil baka maunahan ka pa ng iba kay Sofia."
"Salamat Bro! pero paano Ako aamin kung wala atang Araw na hindi kami magbabangayan ni Sofia lalo na s mga simpleng bagay!"
"Subukan mo kaya na maging sweet at caring sa kaniya Austin!" Malay mo iyon ang gusto niya kesa lagi mo siyang pinapatulan sa mga walang kakwenta kwentang bagay."
"Sige susubukan ko na gawin ang mga sinabi mo sakin Sho." Sagot sa akin ni Austin.
"Sige Bro!" aalis na Ako muling paalam ko dito.
Pumasok na ako sa aking kotse at umuwi na sa condo ko.
Lumipas ang halos dalawang linggo na halos sunod-sunod ang schedule ko.Mamayang gabi nga ay may pupuntahan pa Ako na business meeting mula sa mga potential na investor.Dahil bukod sa pagiging member ng MAHARLIKA ay isa na akong business man na nagtayo ng sarili kong kompanya maliban sa kompanya na itinayo namin magkakaibigan MZ ENTERTAINMENT ay may sarili din akong kompanya na ko mismo ang nagtatag at unti unti na itong lumalago.
Lumipas ang maghapon at papunta na Ako ngayon sa club kung saan nagyaya ang mga Japanese na ka-meeting
ko.Pagparking ko pa lang ay tila pamilyar sa akin ang lugar na ito.Nang pumasok Ako ay malakas na tugtog Ang sumalubong sa akin.Kaya naman tinanong ko agad ang isang staff at dinala naman nila Ako sa manager ng club na ito na mga malalaking tao at personalidad lamang ang nakakapasok. Sinabi lang ng manager nila na samahan Ako sa vip room kung saan naroroon Ang mga ka-meeting ko.Pero bago pa Ako makarating sa vip room na sinasabi nila ay nakita ko ang isang babaeng hinahabol ng dalawang lalaki at sa pagkakaalam ko ay ito ang mga Japanese na dapat ay makakameeting ko ngayon. Nagulat Ako dahil ang babaeng hinahanap nila ay walang iba kundi ang EX girlfriend ko na niloko at pinaglaruan lamang Ako.
Lumapit ito sa akin na hindi man tinitingnan kung sino ang nilapitan at humihingi ito ng tulong sa akin.Itinago ko sa aking likuran at Ako ang humarap sa mga gagong humahabol.dito na tila mga hayok sa laman.
"Tumigil kayo!" Ayaw sa inyo ng babae kaya tigilan niyo siya!" Maawtoridad na utos ko sa mga lalaking humahabol kay Bea.
"Amin ang babaeng iyan! kung gusto mo maghanap ka ng sa iyo!" Sagot pa.ng isa na muntik ko ng masuntok kung hindi lang dumating ang mga bouncer at security ng club na ito.
Hinubad ko ang jacket ko at isinuot ito kay Bea na nakatitig na ngayon sa aking mukha, Kinausap ko ang manager nila dito at kailangan maialis ko sa lugar na ito si Bea.Hindi ko alam kung paano na ganitong trabaho ang kinasadlakan ng babaeng minahal ko noon.Isa ang pamilya nila sa may pinakamalaking kompanyang noon sa bansa.Kaya nagtataka Ako kung bakit napunta siya dito.
Habang kinakausap ko ang manager ng hotel nila ay tumawag na agad Ako sa banko para sabihin na magwiwithdraw Ako ng malaking.Dahil para mailabas ko dito si Bea ay kailangan bayaran ko ang kalayaan niya.
Hanggang sa lumabas na kami ng club ay wala pa din imik si Bea.Hinayaan ko na lamang siya at pagdating sa aking condo ay inutusan ko ito na bumaba na.
"Anong plano mo sa akin Aidan?" Bakit binili mo Ako?" Tanong nito sa akin na hindi ko naman sinagot.bagkus ay inutusan ko na siya na sumunod na sa akin.
"Sumunod ka na lamang sa akin at huwag ng magtanong Bea.!" At binili ko na din ang pagkatao mo ay susunod ka sa lahat ng kagustuhan ko.!" Dahil bayarang babae ka naman diba?" Sagot ko dito.
Nakita ko na nagpunas ito ng mga mata niya at gusto ko sana itong yakapin.Pero pinapangunahan Ako ng galit ko dito.Hanggang sa makapasok kami ng condo ay wala hindi na ito muli pa.na nagtanong sa akin.
"Doon ka sa kwarto na iyon mamalagi habang nasa poder kita at habang pinagbabayadan mo ang binayad ko sa club para makalaya ka sa basurang lugar na kung tutuusin ay tama lang din naman sayo dahil basura ka din naman.!"
"Sige wala ka na ba ibang sasabihin o ipapagawa muna sa akin bago ako pumasok sa kwarto na sinabi mo!" Tanong sa akin ni Bea.
"Wala na basura pumasok ka na sa kwarto mo at bukas maaga ka na gumising para ipaghanda Ako ng makakain.
"At huwag mo din Ako na tawagin na Aidan !" Naiintindihan mo ba?" Call me Si'r Aidan or Sho!" Utos ko dito na ikinatango lamang nito at pumasok na sa kwarto kung saan siya mamalagi habang nandito siya sa akin.
Sisiguraduhin ko na pagbabayadan niyang lahat ang mga panloloko at pananakit niya noon sa akin.Kahit pa parang gustong-gusto ko na siyang yakapin at sakupin ang mga labi niya.Ay mas nangingibaw ang pagnanais ko na maghiganti sa kaniya.
Pumasok na ako sa aking kwarto at nahiga sa aking kama hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan ay nagising Ako sa katok sa pinto ng aking kwarto at agad ko naman itong binuksan.Bumungad sa akin ang mukha ni Bea.
"Anong kailangan mo basura!" Tanong ko dito na medyo iritable pa dahil sa ginising Ako nito.
"Itatanong ko lang sana kung ano ang gusto mo na iluto ko para sayo?". Tanong nito sa akin na hindi makatingin sa akin dahil.nakahubad Ako ngayon at tanging boxer shorts lamang ang suot ko.
"Magluto ka na lamang.ng kahit ano!" Marami naman stock diyan sa refrigerator.Kaya hindi ka mahihirapan na magluto!".Sagot ko dito.
"Pwede ba na kapag kinakausap kita ay humarap ka sa akin.!"
"Opo Si'r Aidan!"Sagot nito sa akin.
"Pasensya na din po kayo sa pagstorbo ko sa pagtulog niyo."
"Sige na bumalik ka na dun sa kusina.?" Utos ko dito.
"Pero teka lang sandali!"
"Ano po iyon Si'r?" May iiutos pa po ba kayo sa akin?"
"Naiilang ka ba sa akin?" Pero sa mga costumer mo sa club ay halos wala ka ng itago pa!"
"Hindi po Ako naiilang sa inyo Si'r?" Sagot nito sa akin at umalis na sa harapan ko.
Sinundan ko na.lamang ito ng tingin.Nagshower muna Ako.Pagkatapos ay pumunta na Ako sa kusina para tingnan kung ano ang niluto ni Bea.
Paglabas ko palang ng aking kwarto ay naamoy ko na ang mabangong amoy ng niluluto ni Bea.
Mukhang natuto na din siyang magluto noon sa hacienda ay ultimo itlog ay hindi siya marunong magluto.Kaya naman lumapit Ako dito ng wala pa din pang-itaas na damit nasanay kasi Ako kapag nasa bahay lang ay ganito ang setup ko.