CRYZELLE GOMEZ (A.K.A) Lysette.P.O.V Nakarating naman agad ako sa event kung saan ako na imbitahan para gawin nilang guest sa fashion show na magaganap ngayon dito ng mga baguhan na modelo na nangangarap din katulad ko noon. Naging maayos naman ang event hanggang sa matapos ito at halos past 10pm.in the evening na ito natapos. Sumakay na ako sa aking kotse at nagmaneho na pauwi sa aking condo. Pagdating ko sa aking condo ay agad na ako na nahiga at nakatulog na din dahil sa pagod. Lumipas ang mga araw at ngayon ang alis namin nila Sho papunta sa hacienda nito sa Albay na dating hacienda ng pamilya nila Bea. Si Sho pala ang nakabili nito mula sa dating nakabili nito na nalugi daw ang negosyo kaya ipinagbili nito ang hacienda muli. Nakiusap nga lang ako kay Sho na isama ako ngayon. D

