PAOLO KHAI DACENA (A.K.A PINUNO) P.O.V Bilang Pinuno ng group namin at kahit may kinakaharap din ako na problema ngayon dahil sa pag-alis ni Ava ay kailangan ko na munang tulungan ang mga kagrupo ko. Tulad ng sinabi sa akin ni Vester bago pa ang world tour namin ay may gusto itong gawin na makakatulong kay Sho na ngayon ay gulong gulo na dahil sa pag-alis ni Bea sa buhay niya. Hanggang sa natapos na namin ang world tour at mag-uumpisa na din kami sa napag-usapan namin ni Vester na humanap ng mga ebidensiya para malaman kung sino sino pa ang nasa likod ng mga nangyari noon kila Bea at Sho na naging dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa nito. Ngayon nga ay naghahanda na kami para pumunta sa hacienda ni Sho na dating pagmamay-ari pala ng pamilya ni Bea. Doon kasi gusto ng management ng k

