KABANATA 3
AWA
Lara
NAPAHAWAK AKO SA leeg ko dahil para akong kinilabutan sa klase ng paghawak sa akin ni Deo kanina. Para bang nais niya akong sakalin ngunit mali naman pala ang akala ko. Pero basta, parang pakiramdam ko ay may kakaiba sa pagdampi ng kamay niya.
"Hey, Lara. Ayos ka lang?"
Tumango ako kay Gian na hinawakan ako sa balikat. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya dahil sa pagkalutang ng isip ko.
"Bakit panay ang hawak mo sa leeg mo? May masakit ba d'yan?"
"Wala.. Ah, Gian, pasensya na kung kakabigay mo palang sa akin kay sexy, e, na disgrasya ko na agad siya." pagkakaila at pag-iiba ko ng usapan.
"Wala iyon. Na-testing ko na siya at wala namang naging damage. Pero dapat ang sarili mo ang inaalala mo. Kamuntikan ka na kamong masagasaan kung hindi ka lang tinulungan ng nakakita sa 'yo."
"Ayos lang naman ako. Hayaan mo sa susunod ay mag-iingat na ako."
Napabuntong-hininga siya at kinuha ang kamay ko. Pinahawak niya sa akin si sexy kaya agad kong hinawakan iyon.
"Lara, 'wag ka na munang magpunta rito..."
Napakuno't-noo ako sa sinabi niya. Tumagilid ako para makaharap siya na nakaupo sa tabi ko.
"Huh? Pero bakit?"
Napabuntong-hininga siya at ginulo ang buhok ko.
"May big break kasi na naghihintay sa akin para sa international music na sinalihan ko. Mga ilang buwan siguro ako magtatagal sa ibang bansa kaya ilang buwan rin na sarado itong studio."
Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. Umayos ako ng upo at napayuko ako habang napapabuntong-hininga.
"'Wag kang malungkot.. Saglit lang ako na mawawala at kapag nakabalik na ako ay may aaminin ako sa 'yo, Lara."
Nag-angat ako ng mukha at naguluhan ako sa sinabi niya.
"Ano 'yung aaminin mo sa akin?"
Natawa siya at mas lalong ginulo ang buhok ko.
"Sa pagbalik ko nga, 'di ba?"
Napanguso ako at nahiya na napatango dahil parang ang bobo ko dahil hindi ko pa naunawaan ang sinabi niya.
"Sige, hihintayin ko 'yang aaminin mo... Hay, ngayon palang ay kinakabahan na ako."
Napahalakhak siya at tinigilan ang buhok ko. Naramdaman ko ang pagtayo niya.
"O, sige. Tumugtog ka muna at igagawa kita ng meryendang paborito mo. Ito na ang huli at matagal ka uli makakain ng luto kong siopao kaya dapat ay sulitin mo na."
Natawa ako at napatango sa kanya. Napakabait niya talaga. At alam ko na may angking kagwapuhan din itong si Gian gaya ng naririnig ko sa mga costumer niya kapag pinupuri siya. Napaka-swerte ng babaeng iibigin niya.
Hinaplos ko si sexy at mabuti na lang ay hindi binawi sa akin ni Gian ito. Kundi ay mas lalo lamang akong mababagot oras na umalis na si Gian.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan at ginalaw ko ang tali ni Saver upang lumakad ito. Umakyat uli kami sa rooftop at doon ako uli pumuwesto sa gilid ng pader kung saan ay tumatama ang hangin at kung saan ang malilim na bahagi.
Nagpatugtog uli ako sa nais kong kanta. Pero habang nagpapatugtog ako ay naalala ko ang lahat ng sinabi ni Deo sa akin na masasakit.
Kahit na nag-sorry siya ay masakit pa rin sa akin ang sinabi niya na para bang hindi ko dapat na pilitin na maging normal ako sa paningin ng iba.
Masama bang maging normal kahit ganito ang kondisyon ko? Kung hindi ko tutulungan ang sarili ko na bumangon at kung magmu-mukmok lamang ako sa bahay dahil wala ng kwenta ang buhay ko ay saan na lang kaya ako pupulutin?
Kasalanan ko naman kung bakit ako naging ganito. Kung nakinig lamang ako kay Daddy noon, edi sana hindi ganito ngayon ang buhay ko. Edi naging normal pa rin ako.
"Lara, meryenda ka muna."
Tumigil ako sa pagkumpas ng master stick peace ko at binigay ko kay Gian si sexy ng kunin niya sa akin ito at ipalit ang bagong luto nyayng siopao na may wrapper pa.
"Salamat rito, Gian.. Tiyak na nami-miss ko ito kainin."
"Hayaan mo muna na ma-miss mo 'yan kainin kesa maumay ka naman. Ilang taon mo na ba kinakain 'yan? Hindi ka pa ba nagsasawa?"
Umiling ako at ngumiti sa kanya. Kailanman ay hindi ako mauumay sa pagkain na ginawa ng iba para sa akin. Siguro ay pati ang tiyan ko at panlasa ko ay na-appreciate din ang mga bagay na pinapahalagahan at pinagpapasalamat ko.
"Kailanman ay hindi ako mauumay rito. Dahil kahit araw-araw o ilang taon ko man kainin ito ay hindi pa rin ako magsasawa. Luto mo kaya ito at masarap siya kaya the best talaga."
Napahalakhak sya at mahinang binangga ang balikat ko gamit ang balikat nya.
"Bolera ka na ngayon, Lara. Porket aalis ako ay nang-uuto ka na para pagbalik ko ay ipagluluto kita muli."
"Nahalata mo pala?"
Pareho kaming natawa sa naging tugon ko. Nakangiti na kinagatan ko muli ang siopao at tumatango-tango ako dahil masarap talaga ang luto ni Gian.
Mga hapon na nang sabihan ako ni Gian na umuwi na at baka mapahamak pa daw ulit ako. Gusto nya akong ihatid pero tumanggi muli ako dahil nakakahiya sa kanya. Baka may gawin pa sya at baka linisin pa nya ang studio bago nya isara.
Kasama si Saver at sukbit-sukbit ko sa balikat si Sexy na lumalakad na kami pauwi. Malapit na ako sa bahay ng mauntog ako sa matigas na bagay na akala ko ay pader kaya napaatras ako at napahawak sa noo ko.
Napakuno't-noo ako dahil hindi naman tumahol si Saver. At lalong hindi naman magkakamali si Saver sa tinatahak namin.
"Hinihintay kita, Lara."
Napasinghap ako ng lihim na mabosesan ko ang boses ni Deo na hindi ko alam na nasa harap ko na pala sya. Sya pala ang akala ko ay pader ang nabangga ko.
"D-Deo?"
"Yeah. It's me."
Naguguluhan ako kung bakit nya ako hinihintay?
"Bakit mo ako hinihintay?"
Amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango na nanunuot sa ilong ko. Napaka-manly at nakakahalina.
"Gusto ko kasi na bumawi sa masama kong nasabi sa 'yo. Kaya sabihin mo sa akin kung sa anong paraan ako makakabawi?"
Napailing ako at napangiti sa kanya. Marunong naman pala siyang humingi ng paumanhin. At ramdam ko na nagsisisi siya sa mga sinabi niya sa akin. Kaya ayos rin iyon bilang pagbawi niya.
"'Wag ka nang mag-abala. Ayos na sa akin iyon.. At pasensya ka na rin sa mga sinabi ko.."
"Hmmm, hindi p'wede iyon..." nabigla ako ng hawakan niya ako sa pulso ng kaliwa kong kamay, "Tara sa bahay. Dahil magkapit-bahay naman tayo ay gusto ko na ipasyal ka sa bahay ko."
Hinila niya ako pero hindi ako nagpahila. Napahinto siya at ramdam ko ang paglingon niya base sa pag-twist ng kamay ko.
"Bakit?"
"Pasensya na, pero hinihintay na kasi ako ng Tita ko.."
Naramdaman ko na lumuwag ang pagkakahawak niya hanggang sa bitawan na niya ng tuluyan.
"Gano'n ba.. Kung gano'n ay next time na lang?"
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Napaatras ako ng mukha ng hawakan niya ang mukha ko.
"I love your smile.." aniya na kinainit ng pisngi ko. Naiilangan lalo ako dahil hinaplos niya ang pisngi ko. Pero nakahinga na ako ng maluwag ng bitawan niya ang pisngi ko, "Sige na. Pumasok ka na sa inyo at baka hinihintay ka na ng tita mo."
Tumango ako sa kanya. Naramdaman ko ang yapak niya at pagkalansing ng gate hudyat na binuksan niya iyon. Kaya naman ginalaw ko ang tali ni Saver kaya lumakad na ito. Lumakad na rin ako ng ilang hakbang hanggang sa makarating ako sa gate namin. Tinulak ko ang gate para mabuksan at nang bumukas iyon ay humakbang ako papasok.
Pagsara ng pinto ay napatigil ako at naupo. Hinawakan ko si Saver para haplusin ang balahibo niya.
"Bakit sa kanya ay hindi ka tumatahol sa galit? Bakit sa ibang lalake ay galit ka?"
Tumahol siya at naglikot kaya napangiti ako. Siguro ay gusto niya si Deo.
"Nand'yan ka na pala, Lara. Ano bang ginagawa mo d'yan?"
Napatayo ako ng marinig ang tinig ni Tita Pia. Nasa terrace siya kaya humakbang ako ng fifteen steps at nang makaapak ako sa tiles ay hudyat na nandoon na ako.
"Tita, kanina pa ho kayo rito?"
"Oo, kanina pang alas dos. Alas kwarto na at saan ka ba nagpupunta?"
Napangiti ako dahil para siyang strict parent ko.
"Kay Gian lang po, Tita. At nasalubong ko lang po ang bagong kapitbahay ko."
"Bagong kapitbahay?" tumango ako sa tanong niya, "Kaya pala parang buhay na buhay na ang kabilang bahay."
"Opo. Mukhang mabait naman po ang kapitbahay ko."
Napahinga ng malalim si Tita at hinawakan ako sa balikat bago niya hinaplos ang buhok ko.
"Kahit na mabait pa iyon, hindi ka dapat na makampante. Lalo't sa kondisyon mo ay baka niloloko ka lamang no'n at hindi mo nalalaman dahil nga hindi mo naman nakikita ang ginagawa niya. 'Wag ka pa rin mag tiwala agad, Lara."
"Hindi naman po siguro... Grabe naman kayo, Tita."
"Sinasabi ko lang ang posibleng mangyari."
Natawa na lang ako at napailing. Inaya na niya ako papasok kaya sumunod ako sa kanya habang akay niya ako. Kinuha niya ang tali ni Saver kaya hinayaan ko dahil siya na ang maglalagay sa dating kinalalagyan ng tali ni Saver.
Naupo ako sa sofa at sumandal. Pumikit ako dahil napagod rin ako sa paglalayas ko.
"Anyway, Lara.. Hindi ka pa ba dinadalaw ng dad mo?"
Napabuntong-hininga ako sa tanong ni Tita. Alam ko naman na kaya hindi nagpupunta si Dad para tignan ako ay dahil galit pa rin siya sa akin. Nauunawaan ko siya kahit na nalulungkot ako dahil matagal na panahon ang nakalipas ngunit ni presensya niya ay hindi ko pa rin nararamdaman. Alam ko lang na sinusuportahan niya lang ang mga needs ko at dinadaan sa pamamagitan ni Tita o ni Ate Lourdes.
"Hay. Sinabihan ko na ang Dad mo na dalawin ka, pero tila matigas na rin ang ulo niya. Sabi ko ay sabihan ka na magpa-opera na dahil may nakita na akong donor para sa mata mo, Lara."
Umayos ako ng upo at dumilat. Ayoko ng topic kapag patungkol sa mata ko. Nanlalata ako at sumasakit ang ulo ko kapag naririnig iyon.
"Ayoko po, Tita."
Hinawakan niya ang kamay ko na nasa kandungan ko. Pinisil niya ito tila ba pinapahiwatig niya na sumang-ayon na ako.
"Lara, para rin ito sa 'yo... Kapag naging maayos na ang paningin mo ay hindi ka na mahihirapan pa. Magagawa muna ulit ang nais mong gawin noon na naudlot."
"Tita, ayoko po. Kagustuhan ng tadhana na mangyari sa akin ito. At kung maghirap man po ako ay nararapat lang sa akin iyon. Dahil kulang pa ang paghihirap ko sa mga taong nagawan ko ng sala na ngayon ay tiyak na naghihirap din ang pamilyang naiwan. At dahil din naman sa kagustuhan ko noon na makapasok sa international music play kaya nangyari sa akin ito. Kung hindi ho siguro ako naging matigas ang ulo ay baka walang namatay... A-at hindi sana ako nabulag..."
Napabuntong-hininga siya at pinisil ang kamay ko.
"Lara, kung magbago man ang isip mo ay sabihin mo agad sa akin. Sabihin na natin na ayaw mong magpa-opera dahil sa nagawang kasalanan mo, pero lahat ng nangyari ay pawang aksidente lamang. Kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo at tutunan mong ibangon ang sarili mo sa pamamagitan ng pagpapa-opera."
"Tita, aksidente man po o hindi, hindi pa rin magbabago ang isip ko. 'Wag niyo na po akong alalahanin at ayos lamang po ako sa kalagayan ko ngayon. Tinatanggap kong pagsubok sa akin ito kaya gusto ko pong harapin ng buong tapang."
Napabuntong-hininga muli siya tila suko na siya sa katigasan ng ulo ko. Inakbayan niya ako at mahinang pinalo ang balikat ko para bang inaalo niya ako.
"Malaki ka na nga at parang matanda ka na kung mag-isip. Parang dati lang ay sumasakit ang ulo ng Dad mo dahil napakatigas daw ng ulo mo at palagi ka raw tumatakas para lamang magpunta sa bawat contest."
Napangiti ako ng malungkot sa kanyang sinabi. Tama siya. Sobra ang binigay kong sakit ng ulo kay Dad. At ngayon ko lamang napagtanto iyon. Sobrang sama ko palang anak. Ngayon ay nagsisisi ako dahil huli na ang lahat.
Tumunog ang ringtone ng phone ni Tita kaya inalis niya ang kamay sa pagkakaakbay sa akin. Tila kinuha na niya ang phone niya at sinagot ang tawag.
"Yes, Anak? Oh, I-I'm sorry. I forgot. Okay, okay. Pupunta na ako d'yan. Sorry, Anak."
Binaba na tiyak ni Tita ang tawag at naramdaman ko ang paharap niya sa akin.
"Si Mirasol po ba ang tumawag, Tita?" Tanong ko.
"Oo. Nakalimutan ko na kailangan ko nga palang pumunta sa school niya dahil sa recognition program ng school niya. Pasensya ka na kung aalis na ako agad. Baka magtampo na naman si Sol, eh."
Tumango ako rito at niyakap ko siya. Naiintindihan ko siya at nahihiya ako dahil nahihirapan siya sa pagiging ina kay Mirasol tapos nakikiagaw pa ako ng oras. Baka nga wala ng pahinga si Tita dahil sa akin.
"Tita, sorry po. At pakisabi po kay Mirasol na sorry din dahil nahuli kayo sa event ng school niya."
"Wala iyon.. Importante ka rin kasi sa akin dahil hinabilin ka ni Ate. At malaki rin ang naitulong ni Ate kaya binabalik ko lang ang kabutihan niya sa pamamagitan mo."
Napangiti ako at bumitaw ng yakap. Tinapik niya ang balikat ko at naramdaman ko ang pagtayo niya.
"Lourdes!" tawag niya kay Ate Lourdes.
Narinig ko ang nagmamadaling yapak ni Ate Lourdes ng marinig ang pagtawag ni Tita.
"Ikaw na ang bahala kay Lara. At siguraduhin mong maayos siya at ang bahay bago ka umalis."
"Opo, Madam. Makakaasa po kayo."
Nang magkaintindihan na sila ay narinig ko ang yapak ng takong ni Tita na nagmamadaling umalis. Napahawak ako kay Saver ng sumampa siya sa sofa at nagsumiksik sa akin.
"Tayo na lang muli, Saver." hinaplos ko ang balahibo niya at napasandal muli ako sa sofa.
"Lara, nakaluto na ako ng kakainin mo. Gusto mo na bang kumain?" tanong ni Ate Lourdes.
"Mamaya na, Ate. Busog pa ako."
"Okay. Kung gano'n ay doon muna ako sa guest room. Napagod ako sa pagmamadali sa biglang pagdating ni Madam."
Natawa ako sa sinabi niya. Takot talaga siya kay Tita. Kasi naman ay mataray ang mukha ni Tita, pero kahit gano'n iyon ay mabait iyon.
"Sige, magpahinga ka muna at gigisingin na lang kita kapag kakain na ako."
"Okay. Basta 'wag ka nang lalabas ng bahay, ha? Baka kasi makaidlip ako ng matagal tapos baka mapahamak ka pa."
"Okay."
Narinig ko na ang yabag niya palayo kaya napangiti ako at pumikit. Pero napadilat muli ako ng maalala ko na inaaya ako ni Deo sa bahay niya. Pero nakakahiya naman kung ako ang magpunta doon.
Kaya kesa magmukmok kakaupo sofa ay tinungo ko ang kwarto ko kasama si Saver at bitbit si Sexy.
Hinayaan ko na magliwaliw si Saver sa kwarto at naglakad ako palapit sa glass sliding door na sa pagbukas no'n ay veranda ang bubungad.
Lumakad ako sa upuang bench na nilagay doon tuwing magpahangin ako. Nakaharap iyon sa bahay ni Deo.
Nilabas ko sa lalagyan niya si Sexy at kinuha ang master piece niya. Inayos ko sa balikat at leeg ko si Sexy at pumikit ako bago umpisahan na magpatugtog.
Dahil naalala ko si Dad. Kaya 'Dance with my Father' ang pinatugtog ko. Lahat ng memories namin na magkasama at pati na rin ang pagsayaw niya sa akin noong debut ko. Lahat iyon ay naalala ko.
Hindi ko mapigilan na mapaluha habang punong-puno ang puso ko ng pangungulila sa kanya.
-
DEO
NANG MAKARINIG AKO ng tunog ng isang violin ay agad akong umakyat at nagtungo sa veranda. Nakita ko si Lara na nakaupo sa bench habang tumutugtog gamit ang violin. Lumuluha siya at ramdam ko ang pagtugtog niya na punong-puno ng emosyon.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong napahawak sa puso ko. Parang may humahaplos doon at pinapalamig ang puso ko na tila ba inaalis ang puot sa dibdib ko.
Napapikit ako at dinama ang pagtugtog niya, pero agad akong napadilat ng makita ko ang mukha ni Kacey. Tila ako nagbalik sa nag-aapoy na damdamin.
Napatingin ako kay Lara na patuloy sa pag-iyak niya. Hindi ko alam kung sino ang naiisip niya at iyon ang pinatugtog niya.
Nang huminto na siya at pumikit habang nauwi sa hagulgol ang pag-iyak niya. Kinuha ko ang phone ko at lumapit ako ng kaunti sa harang ng veranda ko. Pinicturan ko siya.
Napahaplos ako sa mukha niya na nakuhanan ko. Gigil ang kamay ko na nakahawak sa phone at iniwas ko ang phone ko sa paningin ko bago lihim na napamura.
Damn! Hindi dapat ako maawa sa kanya. Dapat ay mas matuwa ako sa pag-iyak niya.
"Naaawa ka ba sa kanya, Ford?"
Bigla akong napalingon kay Cole na hindi ko namalayan ang pagdating niya. Agad ko siyang hinila paalis sa veranda dahil baka marinig ni Lara ang sinasabi niya.
"Bakit ka ba pumapasok ng walang permiso ko? Hindi porket kaibigan kita ay basta-basta ka na lang naghihimasok."
Natawa siya at tinapik ang balikat ko. Inis na hinawi ko ang kamay niya dahil nagawa pa niyang tumawa.
"Iniiba mo ang usapan. Naaawa ka ba sa kanya, Ford?" tinignan ko siya ng ngumisi siya, "Tandaan mo ang plano mo sa babaeng 'yan. At baka magalit sa 'yo si Kacey dahil tila naaawa ka sa babaeng 'yan na nagdulot kay Kacey kaya siya namatay."
"Hindi ko nakakalimutan ang plano ko, Cole. Kaya 'wag mo akong pangaralan. At hindi ako naaawa sa kanya, dahil mas natutuwa pa ako na makita siyang umiiyak."
Nakiba't-balikat siya at tinapik muli ang balikat ko ng dahan-dahan.
"Sige, aalis na ako at baka masapak mo pa ako sa pagkainis mo sa akin... Pero 'wag na 'wag kang mawawala sa plano mo, Ford. Dapat mong alalahanin si Kacey na nawala dahil sa kanya."
Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko kay Cole. Nakilala ko siya sa school ng mag-transfer siya kasama sila Gin at King. Astang siga silang tatlo noon, pero hindi p'wede sa akin ang pagiging siga nila kaya nakaharap nila ako kasama ng mga kapatid ko na nag-aaral din doon.
Pero naging kaibigan ko sila ng minsang tulungan nila ako ng magka-trouble ako. Dahil na-encounter ko ang mga gangster nung nakainom ako noon sa bar.
Kaya doon nagsimula na naging magbarkada kaming apat. Wala namang problema sa kanila, 'yung pagiging pakialamero lang nila na minsan ay hindi ko gusto.
Wala pa akong alam sa pagkatao ni Cole. Sila King at Gin ay alam ko ang background nila. Anak ang dalawa ng mga businessman at nasama sila kay Cole dahil sa dating school na pinasukan nila. Pero kay Cole ako walang mahanap.
Pumunta muli ako ng veranda at tinignan ko si Cole na palabas ng gate ko. Bumaling siya sa akin kaya tinanguan ko siya.
Tsaka ko na pagtutuunan ng pansin ang pagkatao ni Cole.
Tumingin ako kay Lara na ngayon ay nakatayo at nakapikit habang nakasandal sa pader tila dinadama niya ang hangin.
Siya muna ang pagtutunan ko ng buong pansin.