KABANATA 17
BANAS
Lara
NARITO KAMI NI Deo sa sala nila ng makapagbihis kami para sa kasal ng kuya niya. Nahihiya ako dahil binigyan pa ako ni Tita Beatrice ng isusuot na dress. Kasi naman itong si Deo, kalimutan pang dalhan ako ng damit. Tuloy, wala akong maisuot. Tanging 'yung suot ko lamang na papunta rito ang dala ko. Pero sa underwear ay nagpunta pa sa isang shop si Deo rito sa isla para ibili ako.
Nakaupo kami rito sa sofa nila habang hinihintay ang pamilya niya na gumagayak para sa kasal ng Kuya ni Deo na si Duke. Narinig ko kung gaano din ka-busy ang mga kasambahay, habang kami ni Deo ay nakaupo lang at naghihintay.
"Gosh, Benj, you ruined my hair! Aist!" nakarinig ako ng maarte ngunit mala-anghel na tinig na naiirita kay Benj.
"Haha.. Kahit kailan, napakaarte talaga nitong si Bettina." napalahalakhak si Deo tila tuwang-tuwa sa nakikita niya.
"Sino si Bettina?" tanong ko.
"Kapatid ko. Nag-iisang babae." napatango ako at napapisil ako ng daliri ko dahil kinakabahan ako na baka tarayan din ako nito.
"God, Diko, mabuti narito ka. Sa 'yo nga muna itong si Benj. Kailangan ko tuloy na mag-retouch ulit. God. Piling ko ang panget ko na."
"Iwan mo na lang d'yan, may binabantayan pa ako." parang wala lang na sabi ni Deo habang inaamoy ang balikat kong expose habang pisil-pisil ang baywang ko.
"Omg. Ito na ba ang girlfriend mo?" napayuko ako dahil hindi ko alam kung ano ang expression sa akin ni Bettina.
"Yes. Her name is Lara." pakilala sa akin ni Deo.
"Oh! Hi, Ate Lara. I'm Bettina, but you can call me 'Tina'. You're so pretty. I love your bangs."
Napangiti ako na nahihiya at napahawak ako sa bangs ko na pinuri niya. Naglahad ako ng kamay para makipag-shake hands.
"It's nice to meet you, Tina."
Narinig ko ang pagsinghap niya pero inabot niya ang kamay ko na nasa gilid ko pala kaya napahiya tuloy ako at doon na tumingin.
"Sorry for this question, but are you blind?"
Tumango ako at ngumiti dahil sa klase ng tanong niya ay para bang maingat siya sa pagtanong upang hindi ako ma-offend.
"Yes, I am."
"Ah, kaya pala nagustuhan mo si Diko. Alam mo ba na marami nang nakama si Diko? Naku, playboy na, panget pa."
"What the! 'Wag mo nga akong siraan kay Lara. Makakatikim ka sa akin!" naramdaman ko ang pagkainis ni Deo dulot ng paggalaw niya upang tumayo para sugurin ang kapatid niya, ngunit pinigilan ko siya.
"Alam kong babaero siya, pero alam kong gwapo siya. Kung panget siya, edi panget ka rin?"
"What? I'm not ugly, no... Argh. Okay, gwapo siya."
Napangiti ako dahil tila ngayon lang napagsabihan si Bettina na kinawala ng postura niya.
"Hahaha! Ayan, nakahanap ka ng katapat mo, maldita Tina."
"What ever... I like you na, Ate Lara."
"Like mo parin ako?" hindi ako makapaniwala. Akala ko ay maiinis siya o 'di kaya ay aayawan na ako para sa kapatid niya.
"Of course, gusto ko ang pagkapranka mo. Hindi plastick, lalo't palaban."
Napangiti ako dahil tila magkakasundo kami nitong si Bettina. Hindi pala siya katulad ng iniisip ko na bratinella na may magaspang na ugali. Siya ay brat pero sweet at charming.
"Oh, tila nagkakatuwaan kayo."
Narinig ko ang boses ni Tita Beatrice kaya umayos ako ng upo habang nakapulupot parin sa akin si Deo na halos wala ng halos space sa pagitan namin.
"Mom, nakilala niyo na ang girlfriend ni Diko?"
"Yes."
"Ang daya! Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin?"
"Naku, tigilan mo ako sa kaartehan mo, Bettina. Puro ka kasi cellphone, kaya wala ka tuloy nalalaman sa paligid mo."
Napangiti ako dahil para silang magkapatid lang kung mag-usap. Nakaka-good vibes pala ang pamilya nila.
"Mom, may boyfriend na siguro kaya puro cellphone."
"Duh! 'Wag ka nga, Diko. Marinig ka pa ni Kuya."
Natawa si Deo kaya napangiti ako dahil masyado pala siyang madaldal kapag kaharap niya ang pamilya niya.
"Hija, maayos ba ang naging byahe mo papunta rito? Tulog ka kasi ng dalhin ka ng anak ko."
Tila naman ako namula dahil sa kahihiyan na tila nakita pa nila kung gaano ako katulog mantika.
"Mom, tinatanong niyo pa kung maayos ang byahe niya, eh, wala nga hong kagising-kagising kahit nakailang sasakyan na ang nagamit papunta rito pero tulog mantika parin." mahinang kinurot ko ang hita ni Deo sa pang-aasar niya. Lalo akong nahiya dahil nagtawanan rin si Tita at Bettina.
"Mabuti naman kung gano'n. At tamang-tama rin ang dating niyo dahil ngayon ang kasal ni Duke. Mabuti at sumama ka sa anak ko, Lara. Balak ko sana na ipasundo pa kayo para hindi ma-miss ni Deo ang kasal ng Kuya niya."
"Walang anuman po iyon. Ngayon ko lang po nalaman na ngayon ang kasal ng Kuya niya. Hindi ko nga po alam na narito na ako sa lugar niyo."
"Ah, talaga... Naku, pagpasensyahan mo na itong si Deo, wala palang permiso mo... Ikaw talagang bata ka." aniya at pinagalitan pa niya si Deo na hindi ko alam ang ginawa niya kung bakit naalis ang pagkakapulupot sa akin ni Deo at naglilikot siya.
"Argh! Mom! It's hurt!" daing ni Deo kaya natawa si Bettina.
"Go, Mom! Pingutin niyo pa, ngayon lang ulit makakatikim si Diko n'yan." tuwang-tuwa na sabi ni Bettina at dahil doon ay nalaman ko kung bakit napabitaw sa akin si Deo.
"Mom, may permiso ako ng ama niya, kaya kahit walang permiso niya ay ayos lang."
"Ayos lang po, Tita. Gusto ko rin naman pong makapunta sa ibang lugar, gaya po nitong lugar niyo."
Nagsumiksik sa akin si Deo tila binitawan na ng Mom niya ang tenga niya. Kinuha niya ang kamay ko at naramdaman kong pinahawak niya ako sa tenga niya, kaya hinaplos ko iyon gaya ng pinapahiwatig niyang gawin ko.
"Mabuti naman kung gano'n.. Hayaan mo, kapag natapos ang kasal ay magpapakain ako malapit sa beach. Masaya rito at sisiguraduhin kong mag-e-enjoy ka."
Napangiti ako habang hinahaplos ang tenga ni Deo.
"Oh, nakabihis na pala kayo." narinig ko naman ang tinig ni Sir Dimitri. Kaya aalisin ko sana ang pagkakahawak ko sa tenga ni Deo ngunit pinigil niya ako at pinahawak muli.
"Haplusin mo. Ang sakit talaga, babe." sumbong niya ng parang bata na ngayon ko lang nasaksihan.. Nahihiya ako dahil nand'yan na ang Dad niya, pero mapilit siya kaya pinagpatuloy ko ang paghaplos.
"Ayan na pala ang groom natin!" tili ni Tita kaya binitawan ko na talaga ang tenga ni Deo dahil nakakahiya na.
Inakbayan ako ni Deo habang nakapatong ang baba ntya sa balikat ko.
"Ayos na ba ang porma ko, Mom?" rinig ko ang boses na napaka-manly at may pagkabarito.
"Tsss. 'Wag kang ngumiti, mas gwapo parin ako d'yan." bulong sa akin ni Deo kaya napangiti ako at ginalaw ko ang balikat ko para alisin ang baba niya pero hindi ko magawa.
"Tumigil ka nga, nand'yan lang ang kapatid mo, oh."
"I don't care. Sanay na kami na hindi nagbubulungan kahit pa laitin ko 'yan. Eh, sa mas gwapo naman talaga ako."
Napailing ako at tinaas ko ang kanang kamay ko upang maabot ang mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinahawak sa mukha niya kaya hinaplos ko ang makinis niyang mukha.
"Oh, siya na ba ang girlfriend mo, Playboy?"
"Yes, she is. She's gorgeous, right? Oh, mag-a-asawa ka na kaya 'wag ka nang tumitig sa babe ko."
"Ulol! Para kang timang. Anyways, nice to meet you, Miss."
"Her name is Lara, Kuya." singit ni Bettina.
"Oh, nice to meet you, Lara. Sana ay habaan mo ang pasensya mo dahil tiyak na sasakit ang ulo mo sa dami ng babae n'yan."
Napayuko naman ako dahil lahat sila sinasabi kung gaano kababaero si Deo. Paano kung masaktan nga lang ako at hindi ko maalis ang ugali niyang iyon?
"Hey! I'm not a playboy anymore. Loyal na 'to, no."
"Sabi mo, e.."
Tahimik na ako habang masaya sila na hinihintay pa ang iba. Nang makilala ko na lahat ng kapatid ni Deo ay tumulak na kaming lahat upang magpunta ng church. Sakay kami ni Deo ng kotse niya rito sa isla. Hanggang ngayon ay tahimik parin ako na napansin niya.
"Tahimik ka? May problema ba?" hinawakan niya ang kaliwang hita ko at pinahinga niya ang kamay doon habang nagmamaneho siya.
"Wala, naiinis lang ako dahil lahat sila sinasabing babaero ka. Iniisip ko tuloy kung dapat bang pagkatiwalaan kita."
"Babaero ako noon, pero loyal na ako sa 'yo ngayon. Hindi porket gano'n ang sinasabi nila ay masama na ako. Kung gusto mo ay itali mo pa ako sa 'yo..."
"Baka naman puro salita ka lang. Sabihin mo na agad sa akin kapag may babae ka. Ayoko ng niloloko ako, Deo."
"Hindi nga... Hindi kita lolokohin dahil takot akong mawala ka. Nagising ako kanina na ikaw ang nasilayan ko. Alam mo ba na sobra ang tuwa ko kapag pala ang mahal ko ang nakikita ko kaagad sa pagbukas ng mga mata ko."
Napayuko ako at lihim na napangiti sa sinabi niya. Kahit naman isipin ng iba na masyado akong nauuto ay wala akong pakialam. Ramdam ko kasi sa isang tao kung totoo siya sa sinasabi niya o hindi. Sa sinasabi ni Deo, alam kong totoo dahil seryoso siya.
"Mabuti naman at gano'n. Oras na mambabae ka, iiwanan talaga kita. Hindi naman ako martyr para manatili pa kung lolokohin mo lang ako."
Naramdaman kong huminto na ang sinasakyan namin. Narinig ko ang pagbaklas niya ng seat belt. Pinaling ni Deo ang mukha ko kung nasaan siya.
"'Wag gano'n. Hndi ko gagawin na mambabae, pero alam ko na magkakaproblema parin tayo sa relasyon natin. Kaya sana ay bago ka magdesisyon, dapat na pakinggan mo muna ako, ha?"
Napahinga ako ng malalim at tumango sa kanya. Napapikit ako ng halikan niya ako sa labi ng mariin. Saglit lang iyon at bumitaw na siya habang hinahaplos-haplos ang pisngi ko.
"Good."
Masaya siya kaya napangiti ako. Binitawan na niya ang mukha ko at narinig ko ang pagbukas ng pinto, maging ang pagbaba niya. Sinara niya muli ang pinto kaya inayos ko ang dress ko at saglit lang din ay binuksan niya na ang pinto sa side ko.
"Careful." aniya habang inalalayan akong bumaba. Humawak ako sa braso niya dahil hindi ko na kabisado kung nasaan kami, "May dala akong long stick para magamit mo habang naglalakad." dagdag pa niya at naramdaman kong pinahawak niya sa akin ang isang mahaba at mapayat na stick na madulas. Pinahawak nyya mismo sa akin ang dulo na may pagkakurba na hawakan ng stick.
"Salamat." ngumiti ako dahil hindi ko akalain na nag-effort pa siya na bilhan ako no'n.
"Para sa 'yo." bulong niya kaya lalo akong napangiti, "okay, subukan mo na 'yan para malaman mo kung ayos ba." nakahawak siya sa baywang ko kaya humakbang ako habang ginagamit na pangkapa ang stick. Medyo hindi ako sanay pero na-e-enganyo akong gamitin.
May mga hagdan akong naramdaman kaya mabuting kinapa ko iyon. Nang alam kong hahakbang na ako ay hinakbang ko ang mga paa ko. Napangiti ako dahil tama ang pakiramdam ko.
"Maganda siya. Bitawan mo na ako, kaya ko na."
"Yumayabang ka na, ha?" aniya kaya napangiti ako lalo sa biro niya. Binitawan niya ako kaya nagsimula muli akong humakbang. Ang galing. May pagkakalibangan ako para mahasa ko ito at nang makalakad na ako ng walang alalay ni Deo.
Mga siyam na step lang ang hagdan hanggang sa wala na akong maapakang balakid, kaya dere-deretso ang lakad ko.
"Oh, kanan ka." sabi niya na nakasunod sa akin kaya ginawa ko ang sinabi niya, pero nabigla ako ng bumangga ako. Hindi sa pader, kundi sa tao. Binayo ko ang dibdib ni Deo dahil pinaglalaruan niya ako.
"Nakakainis ka!"
Napahalakhak syay at hinawakan ako sa balikat at braso.
"Binibiro lang kita. Mamaya mo na praktisin ang paglalakad gamit n'yan, dahil baka mauna pa ang bride sa 'yo sa paglalakad bago ka makapunta sa loob."
Umirap ako dahil ang lakas talaga niyang mang-asar. Hinawakan ko ang mukha niya at hinawi ko dahil hinalikan pa niya ako sa pisngi. Napahalakhak siya at inakayan na ako kaya napangiti na lang ako.
Nasa altar na ata ang Kuya niya at maging ang mga kapatid niya na pinakilala niya ako sa mga ito. Pagkatapos ay inupo niya ako habang hinihintay ang bride.
"Deo, sabihin mo sa akin ang nangyayari, ha?"
Pinisil niya ang kamay kong hawak niya at hinalikan niya iyon.
"Oo ba. Ngayon na ba?" tumango ako at ngumiti sa tugon niya, "Wala pa naman ang bride, tapos si Kuya ay halatang tensyonado habang nasa harap at naghihintay."
Napangiti ako at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Napahikab ako at nakaramdam ng antok.
"Inaantok ka?" tanong niya kaya tumango ako at pumikit.
"Oo, gisingin mo na lang ako kapag nand'yan na ang bride."
Inayos niya ang ulo ko sa balikat niya at binitawan niya ang kamay ko para akbayan ako.
"Ang tagal mo na nga natulog kahapon, tapos ngayon ay inaantok ka parin."
Napangiti ako sa pagtataka sa boses niya. Para bang may nais siyang makuhang sagot.
Tuluyan na akong dinapuan ng antok ng haplusin niya ang buhok ko ng dahan-dahan.
-
Deo
NAKATITIG AKO KAY Lara na nakatulog na. Napangiti ako habang gandang-ganda ako sa pwesto niya sa balikat ko. Hinalikan ko ang ulo niya habang marahan kong hinahaplos ang buhok niya.
"Hi, Deo."
Napatingin ako sa mga babaeng lumapit sa akin kaya sinamaan ko ang mga ito ng tingin.
"Tsss Doon kayo, magising pa ang girlfriend ko sa inyo."
Tila sila napahiya kaya umirap ako at napatingin muli kay Lara na gumalaw kaya maingat na inayos ko muli ang ulo niya sa balikat ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya tila puyat. Ang haba na nga ng tulog niya, tapos ngayon ay tulog na naman.
"Bakit nakatulog 'yan, Anak?"
Napatingin ako kay Mommy na lumapit at naupo sa tabi ni Lara.
"Ewan ko, Mom. Pero tila masyado siyang napagod sa byahe at baka ngayon lang din nakapagpahinga ng maayos mula ng ma-ospital ang ama niya."
Napatango siya at napangiti tila siya masaya sa nakikita niya.
"Mabuti naman at tila nagbago ka na.. Mabait itong si Lara, kaya sana ay 'wag mong hahayaang mawala. Sige ka."
"Of course, Mom, I will never let her go. She's mine and I love her so much."
"Totoo ba 'yan? Si Kacey, wala na ba sa puso mo?"
"Hindi ko nga alam, Mom. Basta parang biglang wala na lang. Siguro ay dahil hindi gano'n katibay ang pagmamahal ko sa kanya. At kaya siguro gano'n ay dahil hindi pala siya karapat-dapat sa pagmamahal ko."
"Eh, si Lara? Baka gano'n lang din? Kawawa naman siya kung hindi mo naman pala siya mahal talaga."
Napailing ako at napangiti dahil nandoon parin ang pagdududa ni Mom. Iniisip ko tuloy kung sino ang mas kinakampihan niya. Ako bang anak niya o si Lara. Parang mas concern pa siya kay Lara.
"Mom, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feelings kapag kasama ko si Lara. Para bang nawalan ako ng gana sa dati kong ginagawa at ang gusto ko lang na gawin ay makasama siya. Ewan ko, ginayuma ata ako ng babaeng ito."
Natawa siya at humawak sa braso kong nasa balikat ni Lara.
"Mabuti naman at narinig ko 'yan sa 'yo. Nagbago ka na nga. Thanks to her."
Napangiti ako at tumingin kay Lara na mahimbing parin ang tulog.
"Sige, puntahan ko lang ang Kuya mo at tila tensyonado."
Tumango ako at tinignan siya na tumayo na at naglakad palayo sa amin. Kinapa ko ang cellphone ko at nang makuha ko ay binuksan ko ito. Pinindot ko ang camera at tinapat ko sa aming dalawa. Ngumiti ako at pinindot ang button upang mag-click. Tinignan ko ang kuha namin at napangiti ako. Sinet ko ito bilang wallpaper ko.
Binulsa ko na muli ang cellphone ko ng inanunsyo na nand'yan na ang bride. Dahil sa tunog ng kampana ay naalimpungatan si Lara at napaayos ng upo.
"Oh, sorry.. Napahaba ba ang tulog ko?" tanong niya kaya umiling ako kahit hindi niya nakikita.
"Hindi. Saglit palang." inayos ko ang buhok niya at napatingin ako sa side ko ng may kumalabit sa akin.
"Tayo na, Bro." si Drake kaya tumango ako at tumingin kay Lara.
"Lara, maiwan muna kita rito, ha? Maglalakad lang kami bilang groom's man ni Kuya."
"Okay lang, nanlalata na rin naman ako. Kaya dito na lang muna ako."
Nag-aalala ako sa sinabi niya. Baka mamaya ay may dinaramdam siya tapos hindi niya sinasabi. Tumayo na ako at sumunod kay Drake. Nakita ko ang asawa nitong si Joe na ngumiti sa akin kaya tumango ako at ngumiti rin na kinatikhim ni Drake.
"Akin 'yan." banta niya kaya napangisi ako at humawak sa balikat niya.
"I know. Meron akong akin." napangisi rin siya at sabay na kaming puwesto kung nasaan si Kuya.
Habang nakatayo na kami sa tabi ni Kuya upang hintayin ang bride na si Ate Nestle, hindi ko mapigilan na tignan si Lara. Tahimik lang siyang nakaupo habang pinapakiramdaman niya ang nangyayari.
Napakuno't noo ako ng may maupo sa tabi nito kaya hindi ako mapakali ng makitang kinausap ito ni Lara.
"Who's that bastard?"
"Who?" tanong ni Drake at tumingin sa tinitignan ko, "tila lapitin ang Lara mo. Mahirap 'yan." nakangising sabi niya.
Tumingin ako kung nasaan na si Ate Nestle at nakita ko na naglalakad parin ito. Gusto kong hilahin na ito para makalapit na ako kay Lara. Nakakabanas, sino ba ang lalakeng iyon?
"Bro, sino daw 'yung lalakeng iyon?" rinig kong tanong ni Drake kay Kuya.
"Ah, si JC Franco. Isa sa businessman ko ngayon. Bago lang siya sa business." tugon ni Kuya at bumaling na agad ang tingin niya kay Ate Nestle.
"Businessman pala, Deo." pang-aasar ni Drake. Bakit graduate na rin naman ako ng business course, kaya wala sa akin iyon. Tsaka pakialam ko ba profile no'n. Basta 'wag lang niyang aagawin si Lara.
Pagkatapos ng mahabang prosisyon ng paglalakad ay agad na akong naglakad patungo kay Lara na hanggang ngayon ay kausap parin ang lalakeng iyon. Napaasik ako sa isip ng makitang nagtawanan pa sila tila may sariling mundo.
"Who is he, BABE?" tanong ko ng makaupo ako sa tabi ni Lara na agad kong inakbayan habang nakatingin ng masama kay JC. Pinagdiinan ko talaga ang 'Babe' para malaman ng lalakeng ito na girlfriend ko si Lara.
Tumingin din sa akin ang lalake tila ba naguguluhan siya sa tingin ko.
"Ah, Deo, siya si John Carlo Franco. Naging kaibigan ko siya noong high school ako. Hindi ko nga akalain na dito pa kami magkikita."
Pinisil ko ang balikat ni Lara dahil nakangiti pa siya habang pinapakilala ang JC na ito.
"Hi, nice to meet you. Ikaw ang isa sa kapatid ni Duke, right?"
"It's not so nice to meet you. And yes, I'm Kuya Duke's brother. So please, go back to your seat. Kita mong nagsisimula na, nagawa mo pang makipagkwentuhan sa girlfriend ko."
Napailing ito at natawa na kinainit ng ulo ko. Aba! Nagawa pa nitong tumawa. Nakakabanas!
"Sige, Lara, sa muli." sabi niya at tumayo na bago umalis ng upuan namin. Sinundan ko pa ito ng masamang tingin para siguraduhing nakalayo na ito. Lumingon-lingon pa ito kay Lara pero nang makitang nakatingin ako ay ngumisi lang ito at napailing na naupo sa kabilang upuan.
"Deo, ano ka ba naman. Nakakahiya kay JC."
Tumingin ako kay Lara dahil sa sinabi niya. Kinuha ko ang isang kamay niya at mahigpit na hinawakan ko iyon habang akbay-akbay ko siya.
"Anong nakakahiya sa ginawa ko? Pinalayas ko lang, dahil nagsisimula na ang seremonya. Tsaka iniwan lang kita, may umaaligid na agad sa 'yo. Matulog ka na lang nga ulit." banas kong sabi sa kanya at pinapatong ko ang ulo niya sa balikat ko pero tumunghay ulit siya habang nakaharap sa akin ang mukha niya.
"Naku, nagseselos ka ba?" tanong niya habang nakangiti.
"Oo, nagseselos ako. Kaya 'wag mo akong pagseselosin dahil masama akong magselos, Lara." banta ko at kinantilan ko siya ng isang halik na kinahampas niya sa dibdib ko. Napangiti ako at muling binalik ko ang ulo niya sa balikat ko. Tumingin ako doon sa JC at masama ko itong tinignan dahil nakatingin parin ito kay Lara.
Humalukipkip lang ito at ngumisi sa akin. Hindi ko gusto ang tabas ng mukha niya. Oo, may itsura siya, pero wala siya sa kalingkingan ko. Para siyang may gusto kay Lara. Iyon ang kinakabanas ko.