Kabanata 19 (this episode is not edited. beware of grammatical errors)

3265 Words
KABANATA 19 SAVE HER Lara Nagising ako sa narinig kong kaluskos kaya nanlalata na bumangon ako. Napahawak ako sa katawan ko at napansin ko na nakasuot na ako ng pares na pantulog na binili pa namin ni Deo rito sa isla. Kinapa ko ang kabilang side ng kama at wala akong makapa. Nasaan na naman kaya si Deo? Hindi kaya umalis sya at pinatulog lang nya ako para makaalis? Napasimangot ako dahil nakakainis sya! Sabi ko ay sasama ako dahil wala naman akong kasama rito. Aist! Binaba ko ang paa ko sa sahig at kinapa ko ang tsinelas ko. Nang maisuot ko ang tsinelas ay tumayo na ako at nag-unat. Napakuno't noo ako dahil nakarinig ako ng kaluskos sa labas kaya kinapa ko ang stick ko at nang mahawakan ko ito ay naglakad ako habang nakangiti. Baka nandyan na si Deo. "Deo?" Tinawag ko sya ng makarating ako sa sala. Saan kaya yung kaluskos? Bigla nalang nawala. "Hija." napaidtad ako ng may humawak sa akin mula sa likod, at nang may nagsalita na boses matanda. "Sino po kayo?" humarap ako sa kanya habang kinakapa ng stick ko ang sahig. "Ah, ako si Manang Fe. Ako ang pinabantay sayo ni Deo." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi naman pala ibang tao ang nasa harap ko. "Ako naman po si Lara. Anong oras na po ba? Bakit wala pa po si Deo?" "Alas sais na ng umaga, Hija. Wala pa si Ales rito, pero siguro ay pauwi na iyon." Napatango ako at ngumiti habang iniisip ko kung saan kaya nagpunta si Deo? "Ang ganda mo naman, Hija. Kaya pala mahal na mahal ka ng alaga ko." Napahawi naman ako sa buhok ko at napayuko habang hindi ko mapigilan na mapangiti at mamula sa papuri nya. "Hindi naman po masyado." "Hindi, maganda ka nga.. At alam mo, ikaw lang ang babaeng pinatawag pa ako ng alaga ko para bantayan. At pansin ko rin na tila may pagbabago na sa ugali ni Ales." Napangiti ako lalo dahil nakakuha ako ng iba pang impormasyon sa mga nakapaligid kay Deo. "Manang Fe, tingin nyo po, mahal po talaga ako ni Deo?" Naramdaman ko ang paghawak nya sa akin sa braso at inakay ako kaya sumabay ako sa paglalakad nya. "Kung hindi ka nya mahal, edi sana hindi mo suot-suot ang singsing na bigay nya. Ang alaga ko ang may bigay nya'n." Napahawak ako bigla sa kamay ko at naramdaman ko na may singsing nga. Hindi ko napansin na suot-suot ko pala ito. "Si Deo po ang may bigay nito, Manang? At bakit alam nyo po na dahil rito ay mahal nya po ako?" "Kasi, nung nakaraang araw ay pinakita nya sa akin iyan. Katulong pa nga nya ako na inayos ang surpresa para sa'yo, pero hindi natuloy." Napakuno't-noo ako at napalunok dahil curious talaga ako sa surpresa ni Deo. "Ano po ba ang dapat na surpresa nya sa akin, Manang?" "Balak nya sana na magkaroon kayo ng romantic date malapit sa dagat. Tapos balak nya sana na magpropose sa'yo. Ang kulit nga ng batang iyon, paulit-ulit na tinatanong kung maganda ba ang singsing na binili nya. Tapos kinukulit rin ako na bilisan ang pagluluto dahil baka mapurnada daw ang surpresa nya." Nakonsensya naman ako sa sinabi ni Manang Fe sa surpresa sa akin ni Deo. Hindi ko akalain na iyon pala ang surpresang sinasabi nya. Kung alam ko lang na iyon ay baka bumangon ako kahit pa inaantok ako ng araw na iyon. Pero tapos na, wala na. "Pinagluto na kita ng kakainin mo ngayong umaga.. Halika na at maupo ka na rito, masarap ito kapag mainit pa." aniya at inalalayan akong maupo. Naamoy ko ang pritong itlog, at siguro ay puro pang almusal ang nakahanda dahil iyon agad ang naamoy ko. Tinabi ko sa gilid ko ang stick at pagkatapos ay kinapa ko ang lamesa, nahawakan ko ang kutsara't tinidor kaya hinawakan ko pareho ito. Kinapa ko ang kanin gamit ang tinidor, maging ang itlog. "Hija, mahirap siguro sa'yo ang walang makita, no? Hindi mo ba nais na magpaopera?" Napatigil ako sa pagsubo dahil sa tanong na iyon. Pero pinagpatuloy ko muli ang pagsubo at dahan-dahan kong nginuya habang nag-iisip ng sasabihin. "Pasensya na sa tanong ko, Hija. Wag mo ng sagutin, hindi ko sinasadyang maitanong iyon." Umiling-iling ako at nilunok ang kinakain ko. Huminga ako ng malalim at binaba ang kutsara't tinidor sa plato. "Hindi po, ayos lang po.. Marami na rin pong nagsabi nya'n, wala naman pong masama.." sumandal ako sa upuan at napahawak sa tiyan ko, "Hindi ko po talaga gustong magpa-opera, dahil po sa nagawa kong kasalanan noon sa babaeng nasagasaan ko." "Kaya ka ba nabulag ay dahil sa aksidenteng iyon?" Napatango ako at napahinga ng malalim dahil nanunuot parin sa aking isipan ang pangyayaring iyon. "Opo. At ang babaeng nasagasaan ko ay ang dating nobya ni Deo." "Nobya ni Ales? Parang wala naman akong nalalamang nagkaroon ng nobya ang alaga ko bukod sa'yo." Humarap ako kung saan alam ko ang kinatatayuan ni Manang. "Hindi nyo po alam na nagka-nobya ang alaga nyo bukod sa akin?" "Hindi. Ikaw lang naman ang pinakilala sa akin ng alaga ko. Siguro kung tatanungin din ang mga kapatid nya, baka hindi rin nila kilala..." Napatango naman ako at napaisip, pero kalaunan ay hindi ko mapigilan na sumaya dahil mas lamang pa pala ako sa dating nobya nya. "Dahil ba sa kanya kaya ayaw mo ng magpa-opera?" "Opo, noon po. Pero ng malaman ko pong buhay po pala ito ay iba na po ang pananaw ko. Gusto ko pong magpaopera kapag naipanganak ko na po ang anak namin ni Deo." Napangiti ako at napahawak muli sa tiyan ko habang hinahaplos-haplos ito. "Magkakaanak na kayo ni Ales, hija? Tama ba ang narinig ko?" Tumango ako at napangiti. Narinig ko ang pagsinghap ni Manang kaya lalo akong napangiti. "Nasabi mo na ba ito sa alaga ko? Naku, tiyak na tuwang-tuwa iyon." "Hindi ko pa po nasasabi. Dapat nga po ay kanina, pero kasi may tumawag po sa kanya kaya naudlot po. Pero pag-uwi po nya ay sasabihin ko na po." "Tama iyan.. Tiyak akong mag-uumapaw ang saya sa batang iyon. Alam ko naman na kahit malikot sa babae iyon, hindi parin maaalis sa batang iyon na loyal sa minamahal nito." "Talaga po? Tingin nyo po ay ako nalang po ang babaeng iibigin nya?" Naramdaman ko ang paghawak nya sa balikat ko kaya naman ay napahawak ako sa kamay nya. "Oo naman.. Alam mo ba na pinalaki ng maayos nila Beatrice at Dimitri ang mga anak nila.. Kapag nagmahal ang mga Ford, iisang babae lang dapat. At ang swerte mo dahil minahal ka ng alaga ko. Napakasweet no'n at kahit ganung pilyo iyon ay alam kong seryoso sya sa'yo." Napangiti ako lalo dahil lalong sumaya ang damdamin ko sa narinig ko. Kilalang-kilala talaga ni Manang si Deo. At ang makarinig ng ganun sa taong malapit kay Deo ay isang patunay na hindi ako nagkamaling mahalin si Deo. Napatigil si Manang, maging ako sa pag-uusap dahil sa isang katok mula sa pinto. "Sino kaya iyon?" tanong ni Manang. "Baka po si Deo na iyon." napangiti ako at naexcite sa naisip kong baka si Deo na nga ang kumakatok. "Imposible naman, hindi naman gawain ng batang iyon na kumatok.. Pero baka tama ka.. Tignan ko lang, ipagpatuloy mo na ang pagkain mo at baka makita pa no'n na hindi kita pinapakain." Natawa ako at napailing. Pinakiramdaman ko sya na umalis sa tabi ko, at narinig ko ang palayo nyang yabag. Hinawakan ko na muli ang kutsara't tinidor para magpatuloy na sa pagkain habang pinapakiramdaman ko ang paligid kung sakaling palapit na sila rito. Nakakailang subo na ako ng pagkain ko ngunit hindi parin bumabalik si Manang. Kaya naman ay kinapa ko ang stick at tumayo ako. Narinig ko rin ang pagtahol ni Saver kaya naman ay sinundan ko kung saan ito. "Manang? Nariyan na po ba si Deo?" Napakuno't noo ako dahil hindi sumasagot si Manang. Nawala rin ang pagtahol ni Saver. Naglakad pa ako at nakarinig ako ng pag-ungot tila natatakpan ng ano mang bagay ang bibig ng umuungot. "Manang?" Napatili ako ng may biglang pumunta sa likod ko at takpan ang bibig ko ng kung ano. Nagpumiglas ako at nabitawan ko ang stick. Unti-unting nanghina ang pagpupumiglas ko ng may malanghap akong kakaibang amoy sa panyong tumakip sa bibig at ilong ko. - Deo Malakas na tinulak ko ang pintong bakal ng red basement kung saan ko sinabing dalhin si Jonson. Agad na napatayo ang mga tauhan ni Dad at tumango ako sa mga ito bago lumipat ang tingin ko kay Jonson na nakangisi na nakatingin sa akin habang nakatali sya sa upuang bakal. "Jonson Reyes. Anak ni Carol Reyes na pinakulong ni Dad dahil sa sobrang kasamaan ng ina mo. Alam ko naman na kaya mo pinagdidiskitahan ang mag-ama dahil hindi tumupad si Mr. Evangelista. Pero niloko mo si Mr. Evangelista na ihahanap mo sya ng donor para kay Lara, tapos ngayon ay balak mong saktan ang mag-ama dahil hindi mo lang nakuha ang gusto mo sa kanila?" ngumisi parin sya tila ba natutuwa pa sa sinabi ko, "At alam ko na kaya ako ang balak mong targetin dahil alam mong ako ang madali mong matatarget, tama ba?" "Bingo!" aniya na kinakuyom ko ng kamao. "Tsss, talagang bibinggo ka." ngumisi ako at tumango kela Wilson na kasama na sila Jess. Lumapit ang mga ito kay Jonson. Sinabunutan ni Wilson si Jonson na kinatingala ng ulo nito. Humithit ng sigarilyo si Wilson at tumango kela VJ. Lumakad ako patungo sa isang upuan at naupo. Humalukipkip ako at nagde-kwatro. Napangisi ako ng pinipigil ni Jonson na matawa habang may isang machine na nilapit sa kanya na may stick na kumikiliti sa bewang at tiyan.. Tila matibay talaga ang isang ito, ha? "Next plan." sabi ko kaya naman ay binuhusan nila Jess si Jonson ng tubig. May pinagdidikit na wire si Mo na kumikislap. "Kahit takutin o patayin nyo ako, talo ka parin, Ford." Hindi ko pinansin ang sinabi nya at tumango ako kay Mo. Agad naman nitong dinikit kay Jonson ang wire kaya bumitaw na si Wilson sa buhok nito. Nanginig si Jonson.. Matapang parin ang mukha nya tila tinatiis ang kuryenteng dumadaloy sa kanya. Tumayo ako at nilabas ang baril. Tinutok ko rito ang baril at sinenyasan si Mo na tumigil. Papikit-pikit ang mata ni Jonson at kita ko ang paghingal nya. "S-Sige! P-Patayin mo na ako.. Pero sinisiguro ko na may kukunin din ako sa'yong importanteng-importante sa'yo." ngumisi sya at dinura ang laway nya habang nakatingin sa akin ang mata nyang nanlilisik sa kasamaan. Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi nya pero hindi ko inintindi iyon. Mahigpit ang hawak ko sa baril habang nakatingin sa kanya ng seryoso. "Boss! Boss!" Napatingin ako sa humahangos na si Mar. Tumingin muli ako kay Jonson at kakalabitin ko na sana ang baril ngunit napatigil ako sa sinabi ni Mar. "Boss, nakidnap si Ms. Lara at Si Manang Fe. Binalita sa akin ng nakakita na workers ng beach na patungo sana sa bakasyunan nyo para maglinis." Naibaba ko ang kamay kong hawak ang baril at napatiim-bagang ako. Agad na kinuha ko ang phone ko at agad na dinial si Dad. (Yes, Son?) "Dad, where are you? Damn." hindi ako mapakali. Paanong may nakapasok sa isla? "Narito kami ngayon sa maynila at pinuntahan namin ang Kuya mo." "f**k!" mura ko at naibaba ko ang tawag dahil naisip ko na nakatyempo ang kumidnap kay Lara at Manang habang wala ang bantay. Napatingin ako kay Jonson na tumawa at ngumisi sa akin. Agad na inilang hakbang ko ang pagitan namin at binigyan ko ito ng suntok sa pisngi na kinapaling ng ulo nya at kinadugo ng labi nya. Agad na kinuwelyuhan ko sya habang gigil na tumingin ako sa kanya. "Ikaw ang may pakana ng pangingidnap kay Lara! Magsalita ka, saan nyo sya balak dalhin, ha?!" "Bakit ko sasabihin? Ah! Tiyak ako ngayon na pinagsasawaan na iyon ng gang ko na mga drug addict. Sarap pa naman ng bulag at walang laban.". Nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa kwelyo nya. Agad na binitawan ko ang kwelyo nya at agad na kinuha ko kay Mar ang baril ko ng lumapit ito. Tinutok ko sa bungo ni Jonson ang baril. "Hayop ka talaga! Mapunta na ako sa impyerno pero sisiguraduhin kong mauuna ka!" Kasabay ng pagsigaw ko sa galit ay kinalabit ko ang gantilyo. Kita ko ang gulat sa mukha ni Jonson na akala nya ay hindi ko sya magagawang patayin. Huli na ang pagpiglas nya dahil bumaon na sa bungo nya ang bala ko na kinasanhi ng pagkamatay nya. "Boss.." "Nilinisin nyo 'yan.." Agad na tumakbo na ako palabas ng basement habang nakakuyom ang kamay ko habang hawak ng isang kamay ko ang baril. Iba ang lakas ng t***k ng puso ko habang iniisip si Lara. "Son, what's happening?" si Dad na agad na nakapunta rito. "God Dad! May nakapasok ng isla na hindi dapat nakapasok. Kinidnap si Lara at Manang Fe, hindi ko alam kung saan sila dinala." Napasabunot ako ng buhok ko at palakad-lakad ako sa harap ni Dad dahil hindi ako mapakali. "Wait. Hindi basta-basta makakalabas ng isla ang mga iyon. Dahil naiwan sila Oscar sa isla." May tinawagan sya pero agad akong naglakad dahil hindi ako mapakali kung tatayo lang ako. Kailangan kong makauwi agad ng isla. "Son!" "I'm going to Bf Island! I need to save her before it's too late!" hiyaw ko iyon at mabilis na akong tumakbo. Tinalon ko ang kotse ko at naupo sa driver seat. Agad na binuhay ko ang kotse at nang uminit na ay agad kong inatras bago ipaharurot paalis. Pinindot ko ang button para magsara ang bubong. Napapalo ako sa manibela at halos gusto kong liparin na ang isla para lamang mahanap agad si Lara. Alam ko na gagawin ng gang ang sinabi ni Jonson, dahil mga halang ang bituka ng mga iyon. Oras lang na galawin o saktan nila si Lara at si Manang, hindi ko alam pero sisiguraduhin kong dadanak ng maraming dugo sa kamay ko. Hindi ko mapigilan na mangamba sa buong buhay ko, ngayon lamang ako nakaramdam ng sobrang takot. At ngayon lang din para akong maiiyak sa pag-aalala kay Lara. Agad na prineno ko ang sasakyan ng makarating ako sa parking lot ng chopper ni Dad. Agad na nakita ako ng tauhan ng airline. "Mr. Ford the fourth." "Ihanda nyo na ang chopper, kailangan kong makabalik agad sa isla!" Agad silang nagsinunod at naglakad ako sa chopper na sinakyan ng nakita kong piloto. Binigyan ako ng safety things kaya hinablot ko lang iyon at mabilis na akong umakyat sa chopper. Naupo ako sa tabi ng piloto at sinuot ang ear piece device. Seryoso ako habang inip na inip na nakaupo habang hindi mapakali ang kamay ko na kanina ko pa kinukuyom. "May ibibilis pa ba ito?" "Sir, tama lang itong andar ng chopper, hindi na pwedeng bilisan dahil baka mag-over heat." Napapikit ako at piping nanalangin na sana ay nakuha agad nila Oscar si Lara.. Dahil kapag naiisip ko na nasa panganib na si Lara ay Damn!, para akong mababaliw! Dahil kailangan kong makarating agad ng deretsyo sa BF Island ay hindi na kinakailangan na sumakay ng yatch. Mabuti nalang at nagawa na ang chopper landing area, kung hindi ay aabutin pa ako ng siyam-siyam bago makabalik agad ng isla. Fourty five minutes ang naging byahe bago tuluyang lumanding ang chopper sa bagong pinagawang parking lot airline. Halos magmadali ako sa pagbaba mula sa chopper ng lumapag ito. Agad na nilabas ko ang phone ko upang tawagan si Oscar habang tumatakbo ako. "Damn! Oscar, answer the phone!" halos manggigil ako inis dahil hindi sinasagot ni Oscar ang tawag ko, kaya si Wallex naman ang tinawagan ko. "Deo.." "Nalaman nyo ba kung saan dinala si Lara?" "Narito kami sa sea side kung saan may ginawang daan ang mga kalaban para makapuslit. Yung patungo sa kabilang isla." Nang sabihin nya iyon ay binaba ko na ang tawag at tumingin ako sa paligid. May nakita akong bisikleta na nasa gilid kaya nilapitan ko agad ito at agad kong sinakyan. "Hoy! Akin 'yan!" sigaw ni Manong. "Ibabalik ko po! Pahiram lang ho saglit!" hiyaw ko at binilisan na ang pagbibiskleta patungo sa sea side. Dahil sa bilis ng pagpidal ko ay tila ilang minuto lang ay narating ko na ang sea side. Agad kong binitawan ang bisikleta sa lupa at tumakbo ako habang hinahanap ko kung nasaan sila. "Deo!!" napahinto ako sa pagtakbo at napatingin sa isang malaking bato na malapit sa dagat. Tinakbo ko ang pagitan nila Wallex habang hingal na hingal ako. "Si Lara at Manang?" Naglakad si Wallex patungo sa kabilang side ng bato na nakatalikod sa akin kaya agad na nilakad ko iyon at pagtingin ko ay nakaupo doon si Lara na walang malay at maging si Manang. Agad na lumuhod ako sa harap ni Lara at niyakap ito ng mahigpit habang hinahaplos-haplos ko ang buhok nito. "Thanks god, your safe.." hindi ko mapigilan ang manginig habang nakapikit at mahigpit na yakap si Lara. "Hmmm.." umungot sya kaya agad na inalis ko ang yakap ko sa kanya at hinawakan ko sya sa mukha. Salubong ang kilay nya habang nakapikit parin. "Babe, wake up.. I'm here now." Unti-unti syang dumilat kaya napangiti ako dahil mabuti at may malay na sya.. "D-Deo.." "Yes, it's me.." hinaplos ko ang mukha nya at hinalikan ko sya sa noo ng mariin. "D-Deo, m-may tumakip ng bibig ko.. Hindi ko na alam ang nangyari dahil wala na akong malay sa nangyayari sa paligid ko.. Si Manang, kinuha rin nila." nangilid ang luha nya at nanginig na sya tila bumalik muli ang takot nya. "Shhh.. Ligtas ka na, maging si Manang. Tahan na.." yumakap sya sa akin kaya hinaplos ko ang buhok nya at likod. "Deo, anong gagawin namin sa mga gunggong na ito?" Tumayo ako at inalalayan ko si Lara sa pagtayo. Tumingin ako sa mga lalakeng alam kong bata ni Jonson. Tumingin naman ako pagkatapos kay Oscar at Wallex. "Tapusin nyo na. At sa susunod ay siguraduhin nyo na bawat bahagi ng BF island ay secured. Tinawag ang islang ito na safe zone ng pamilya namin kaya ayusin nyo ang trabaho nyo." mariin kong sabi sa kanila na kinayuko nila.. Ayoko sanang pagsabihan sila Oscar dahil matagal na silang nagtatrabaho sa pamilya namin, at higit sa lahat ay matanda sila sa akin, pero kung buhay ang masasaalang-alang ay sino ba ang hindi iinit ang ulo sa kapalpakan nila. "Copy." tugon ni Oscar kaya tumango ako at tumingin kay Lara. "Let's go, babe." aya ko rito at tumingin kay Peter na matagal na rin na tauhan ni Dad, "Dalhin nyo na si Manang sa bahay. At tumawag kayo ng doctor para tignan sya dahil baka nakasama kay Manang ang nangyari." Tumango si Peter at lumuhod kay Manang bago ito binuhat. Inalalayan ko na si Lara pero nagulat ako ng bigla syang mahimatay. "Lara!" agad ko syang inupo sa buhangin habang isinandal ko sya sa balikat ko. Pinalo ko ng mahina ang pisngi nya pero hindi parin sya nagigising. "Oscar, ipatawag mo si Doctor Lopez." Pagkautos ko no'n ay binuhat ko na si Lara at mabilis ang lakad ko paalis doon. Panay ang tingin ko sa mukha ni Lara habang kumakabog ang dibdib ko sa kaba na baka anong mangyari sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD