Graduation Day
"Congratulations to us Beshie!"
Bungad saakin ni Helen na best friend ko, same kami ng course.
"Congrats din helen, finally !! " masaya kong bati sa kanya at nagyakapan pa kami.
"Saan ang celebration natin besh!" tanong ni Helen
"sa bahay lang kami besh! may kaunting salo-salo sama ka?"
"ayy naku besh ! wag na, nakakahiya ! nasaan pala si tita?"
napalingon lingon pa kami kung asan si mama
"RESTROOM lang daw 'yun besh ?"
"ah, okay ! sige na besh, una na ako hah!"
"okay besh ingat!" paalam ko kay Helen.
5 months narin mula ng hiwalayan ko si Carl at simula noon, Hindi pa kami nag usap. Nahihiya din ako na tawagan siya. gustong gusto ko na siyang maka usap. miss na miss ko na ang boses niya, kumusta na kaya siya ngayon? Bumuntong hininga pa ako ng dumating si mama.
"Alis na tayo?"
"opo ma" masaya kong sagot sa kanya.
pagkarating namin sa bahay sinalubong kami ng putok ng confetti.
"Congrats ate!"
bungad sa amin ng kapatid kong lalaki.
"Thanks Jeff !! " sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Hali na kayo't maka kain na" tawag sa amin ni papa. simple lang naman ang handaan pero masaya magkakasama kaming pamilya. masaya ako at naka pagtapos ako ng pag aaral. Alam kong dito palang mag sisimula ang buhay.
"pa, ma ..." tawag ko sa kanila habang nasa sala at nanonood ng TV.
"bakit nak?" tanong ni papa.
"ahmmm .. may sasabihin po sana ako."
kinakabahan ako, dahil baka hindi ako payagan.
"Ano ba yon?" tanong ni mama.
"Natanggap po kasi ako sa ena-applyan ko na trabaho kaso po _" putol ko sandali
"kaso po sa Cagayan de Oro po ako ma a-assign." naka yuko lamang ako dahil sa takot at kaba.
natahimik sandali sila mama at papa.
"bakit ang layo naman anak? marami namang trabaho dito." Sabi ni papa.
"opo pa, pero gusto ko rin po ang trabaho don. kasama ko naman si Helen"
"pero -- anak?"
"wag po kayong mag alala pa, ma. mag iingat po ako, aalagaan ko po ang sarili ko, at tsaka po -- mag sisimula na po ako training ko sa susunod na linggo"
paliwanag ko kanila.
"Kung ganun? Wala na kaming magagawa jan?!" Sabi ni mama.
natahimik naman ako kasi pakiramdam ko nagalit si mama.
"sige ! payag na ako .. pero-!" pahabol ni mama.
"aalagaan mo ang sarili mo ! may tiwala namn ako sayo. Kung talagang gusto mo yong trabaho na yun, susupurtahan ka namin."
natuwa naman ako sa bilin ni mama kaya niyakap ko siya ng mahigpit at nagpasalamat.
"wla ba akong hug jan?" singit ni papa
"syempre po pa! meron!!" niyakap ko rin si papa ng mahigpit .. nang biglang sumulpot si Jeff.
"Sali po ako !" singit ni Jeff ang cute kapatid.
----
6 na buwan, simula nang nag trabaho ako dito sa Cagayan de Oro. naging madali naman noong umpisa ko sa trabaho. kahit busy ay nagagawa ko naman nang maayos. parang kaylan lang noong pumayag sila mama at papa na mag trabaho ako kahit malayo ka kanila.
"good morning miss Cruz"
bati ko sa boss ko na mataray.. nasa CRUZ SHIPPING & CORP. ako nag tatrabaho bilang secretary. okay naman ang trabaho ko. kahit minsan nagkakamali pero natuto rin.. busy palagi kung kaya minsan gabi na ako makauwi.
pinasok ako sa office ni miss Cruz at inabot ang mga papeles.
"miss, you have a meeting with Mr. Sandoval this morning at 10 am,
by 12nn you have a lunch meeting with Monreal Company in Lux Hotel. I already reserved a table.
after that miss the Chairman want to talk to you miss."
"okay ! "
pagkatapos ay inabot niya sa akin ang papeles na pina pirmahan ko .
Lunch break, since wala naman ang boss ko ay nag open muna ako ng f*******:.
bigla kong naisip si Carl. Kaya e senearch ko ang name niya. Ang dami naman Carl Joseph Fuentes dito. nag scan ako ng scan nang makita ko ang profile niya. si Carl at isang babae na kayakap niya.