The UNITED KINGDOM is a spectacular place in Europe. It is a unitary parliamentary democracy and constitutional monarchy that Queen Elizabeth II has reigned since 1952. It has many opportunities for foreign and local citizenship that wanted to be part of this progressive country. Yes, and that’s why Maria Riexen Clave chose to be part of this as a Neurosurgeon at her younger age. Isa rin ang UK sa may mga mahuhusay na paaralan sa buong mundo pagdating sa medical expertise.
Pinaghuhusayan ng dalaga ang napiling propesyon mula noong mamatay ang kaniyang ina sa sakit na brain cancer. She promised to herself that she should be the best doctor in the country to treat the other patients that have the same severe illness as her late mother. Ika nga nila, traydor ang sakit na ito at nagagamot lang sa pamamagitan ng chemotherapy. Kaya naman nagsusumikap siyang makahanap pa ng alternative medical treatment para sa sakit na ito na ayaw na rin niyang maranasan pa ng maraming tao sa buong mundo.
“God! Sumasakit na ang ulo ko sa pinag-aaralan ko ngayon.” Napahilot siya sa dalawang sentido niya habang nakaupo sila sa cafeteria ng ospital kung saan siya pansamantalang nagtatrabaho.
“Mag-kape ka muna.”
“Thanks.”
Hindi rin madali ang pagiging isang doktor dahil kailangan nito ng mahabang taon na pag-aaral. Matapos ang apat na taon sa kolehiyo ay sasabak sila sa isang taon na internship. Pagkatapos naman ay kukuha sila ng Neurosurgery residency sa loob naman ng lima hanggang pitong taon. Kaya naman naroon sila sa isang sikat na ospital sa UK at kasama niyang nagtatrabaho ang pinsan niyang si Georgette na isa rin Neurosurgeon. Kumukuha lang sila ng expertise roon bago sila bumalik ng Pilipinas upang mamahala sa limang ospital ng kanilang pamilya. Sa mumurahing edad nila ay kailangan pa nilang mahubog ang kanilang kakayahan bago sila sumalang sa madugong buhay ng pagiging doctor. Buhay ng isang tao ang nakasasalalay sa kanilang mga kamay kaya kailangan nilang paghusayan.
“Do you hear about the medical mission next week?” Georgette asked her while took a slice of strawberry cake.
“No. How about that? Kasali na naman tayo roon? Saan ito?” Noon lang niya pinagtuunan ng pansin ang kapeng inilapag ng pinsan niya kanina. Dinampot niya ang tasa at nagsimulang sumipsip ng kape.
“Sa France. The administration prepared our flights to go there and any moment from now, we will have our meeting. Bakit hindi mo alam iyon?”
“Busy lang ako. At hindi na ako magtataka kung alam mo agad iyon dahil kadikit mo ang anak ng director ng ospital na ito.”
“Of course! I will use my charm para naman magamit ko itong kagandahan ko,” mariing wika nito sa huling sinabi.
Bahagya siyang napailing sa kaniyang pinsan. Alam naman niya na noon pa ay biniyayaan ng kagandahan ang kaharap at alam din niyang biro lang ang pagbubuhat nito ng sariling bangko. Mula pa pagkabata ay sabay na sila lumaki kahit pa matanda ito ng isang taon sa kaniya. Georgette was a kind of woman that has a perfect feature. Marami na ang nanliligaw dito ngunit wala sa mga iyon ang napili ng pinsan niya. May gusto ito sa anak ng director ng ospital na isa rin doctor katulad nila ngunit hindi man lang umubra ang ganda nito. Samantalang siya naman ay ayaw niyang kulayan ang buhay pag-ibig niya. Focus siya sa kaniyang propesyon at mahigpit din ang kaniyang ama.
Magkaiba ang mga gusto nila ng pinsan niya ngunit nagkakasundo naman sila sa ibang bagay. Mahilig si Georgette makipag-socialize samantalang siya ay boring ang buhay niya. Sanay na siyang bahay at ospital lang ang kaniyang mundo kaya nga wala ni isang nagtangkang manligaw. She has a simple feature of a Filipino woman. May kaunting namana lang siya sa kaniyang ama na may halong lahing pranses.
“Ang balita ko pa ay sa Interpol tayo pupunta. Ang main headquarters nito sa Lyon, France. Balita ko rin ay maraming mga oppa ang nagkalat sa paligid,” pagpapatuloy nito.
“Oppa?” kunot-noong tanong niya.
“It’s a Korean word that means to an older brother so-called by the women like us. Hindi mo ba alam iyon?” Pumilantik pa ang daliri nito habang hawak ang kutsarita.
“Hindi. Why should I? Hindi ako mahilig sa oppa na tinutukoy mo.” Mabuti sana kung makatulong iyan sa pag-aaral ko.
“Ang boring talaga ng buhay mo, Riex. Alam mo, paminsan-minsan ay kailangan din nating makipag-communicate sa opposite s*x. Iyon bang kiligin man lang. We are in Europe and there are a lot of men around. Bakit hindi ka man lang tumingin sa kanila?”
“Ayoko ng foreigner.”
“Ayaw mo? Pustahan tayo, foreigner din ang makakatuluyan mo. Sa ganda mong iyan!” Natatawa ito habang tuloy-tuloy lang ang pagsubo sa strawberry cake.
“Wala akong ganda. Pwede ba? Sumasakit lalo ang sentido ko sa iyo.” Napangiwi siya. Hindi niya talaga mapigilan ang kadaldalan ng kaharap ngunit natutuwa na man siyang napagtitiyagaan nito ang ugali niya.
“I will find you a date.”
“No!” biglang tugon niya.
Natawa na lang si Georgette sa tinuran niya.
Muli silang bumalik sa kanilang trabaho pagkatapos nilang magmeryenda. Nasa isipan pa rin niya ang sinabi ng pinsan tungkol sa opposite s*x na tinutukoy nito. Wala pa akong panahon para doon.
MAKALIPAS ang isang linggo, bumiyahe ang grupo nina Riexen kasama ang pinsan niya patungong France. Pagdating sa airport ay may sumundo sa kanila na dalawang puting van na pagmamay-ari ng Interpol. Convoy naman ang dalawang itim na sasakyan sa kanila upang safe ang kanilang pagdating sa headquarters. Taon-taon ginagawa ang medical mission ng libre para sa mga staff at mga pulis upang masiguro ng France government na maayos ang kanilang mga tauhan.
Pagdating naman nila sa headquarters ay maayos naman silang sinalubong ng mga staff doon at ilang mga International Police. Nahuli siyang bumaba sa van habang ang iba naman ay sinamahan na ng mga staff patungo sa tent. Napakamot siya sa ulo nang wala na sa paningin niya ang pinsan. Aba’t nauna pa talaga ang bruhildang iyon! Hindi man lang ako hinintay. Atat na atat makakita ng oppa sa paligid. Napailing na lang siya habang inayos sa balikat niya ang sling ng leather bag niyang dala. Napaangat din ang tingin niya saka nabasa niya ang karatula ng Interpol Headquarters. Wow! This is amazing experience. Ang sikat na organisasyon sa buong mundo kung saan nakalista ang mga most wanted list.
“Bonjour! (Hello!)”
She slowly turned her gaze to the man who greeted her in French. Her forehead wrinkled when the man slowly walks towards her and then a sudden moment when she felt strange to him. He is tall, good looking French features, has steel-grey eyes, and wearing his police uniform. Marami na siyang nakikitang mga pranses mula noong nag-aral siya sa UK ngunit kakaiba ang lalaking kaharap niya.
“Bonjour, (Hello,)” mahina niyang tugon. Pakiwari niya ay umurong ang dila niya na tugunin ito.
“Je suis Capt. Rendell Dela Vega. Je suis le responsable de votre équipe médicale. (I am Captain. Rendell Dela Vega. I am the head in-charge of your medical team.)” Inilahad agad nito ang palad sa kaniya.
“Ravi de vous rencontrer, Capt. Dela Vega. (Nice to meet you, Capt. Dela Vega.)” Tinanggap naman niya agad ang pakikipagkilala nito. Hindi siya nahirapang kasaupin ito sa lengguaheng French dahil bata pa siya ay natutunan na niyang pag-aralan iyon. Agad din siyang nagbitaw ng kamay dito.
“Allons à la tente. Les autres attendent là pour commencer, (Let’s go to the medical tent. The others are waiting there to start,)” he said to her.
“Très bien. (All right.)”
“Nice French.” Sabay nagpakawala ito ng charming nitong ngiti sa kaniya saka tumalikod.
Oh, boy! Kibit-balikat siyang sinundan ang binata habang deadma siya sa preskong dating nito.
NAGING abala ang lahat sa araw na iyon ngunit paminsan-minsan ay sumasagi sa isipan niya ang binatang kapitan. Laman din ng usapan-usapan ang binata sa mga kasamahan nilang nurses at sa pinsan niya ngunit deadma pa rin siya rito. Naroon siya para sa medical mission nila at tulad nga ng sinabi niya noon na wala siyang panahon sa mga ganoong bagay.
“Riex…” Sabay inilapag ni Georgette ang clipboard na may papel sa table malapit sa kaniya. “Capt. Dela Vega requested you to check his vital signs.”
Napaangat ang tingin niya sa nakasimangot niyang pinsan. “Bakit ako? Madami pa ang nasa list ko. Ikaw ang naka-assign sa kaniya, right?” Bahagya rin siyang nakadama ng inis dahil may mga request pa siyang natatanggap mula sa ibang staff. Halos sa kaniya na rin nakalista ang mga ito.
“She needs the miracle doctor.” Hindi pa rin mailarawan ang mukha nito.
Napatayo siya. “Hindi ako nagmimilagrong doctor, okay? Hindi ba sila makaintindi na nagkataon lang na naroon ako nang mga panahong may hindi magandang nangyari sa Berlin?”
“Well, it seems that you are the miracle doctor for them. I will help you here to finish checking their health. Mukhang ipapaubaya ko na ang isang iyon sa iyo dahil pakiramdam ko ay may gusto sa iyo.”
“Sira! Ayan ka na naman sa pagiging kupido mo!”
“Hmp! Tinutulungan ka na nga. Choosy ka pa!”
Napakamot siya sa ulo saka muling bumalik sa pagkakaupo habang ipinagpatuloy ang check-up sa iba. Mabuti na lang at silang dalawa lang ang pinoy na naroon sa tent dahil kung hindi ay nakakahiya sa mga nakarinig.
Sa huli, nasunod pa rin ang assigned doctor para ma-check ang vital signs ni Capt. Rendell. Tuwang-tuwa naman ang pinsan niya habang panay ang pagpapakyot nito sa binatang kapitan. Dahil tapos na rin siya ay lumabas muna siya sa tent at lumanghap muna ng sariwang hangin sa paligid. The winter has just started in Europe and it seems that the weather was different from the country she came from. Nanunuot sa balat niya ang lamig kahit pa suot niya ang doctor’s suit niya. Napayakap siya sa sarili.
“It’s cold here.”
Muli na naman siyang napasulyap sa likuran niya at naroon na ang binatang kapitan. Hindi niya maintindihan kung bakit naroon na naman ito sa kinaroroonan niya o sadyang nagkataon lang. Marami namang itong dapat kausapin dahil may mga senior doctors silang kasama. Anong trip naman ng isang ito?
“I requested you to be my doctor today. Why did you refuse?”
Seryosong hinarap niya ito. “You know the protocol, Captain Dela Vega. I will check those in my list and you’re not one of them. There’s a doctor that assigned to you and that’s my cousin.”
“Oh, she’s your cousin. Makulit at masarap siyang kausap.”
Napakunot-noo siya. “Marunong kang mag-Tagalog?” Makulit talaga at mukhang nag-enjoy ka nga sa presensiya niya.
He smiled. “Yeah. My mother is pure Filipina and my father is a French national.”
“I see.” She looked at her wristwatch. “I need to go. Bonne journée, captain. Have a good day ahead, captain.)” Nilagpasan niya lang ito.
“Can we meet again?”
Napatigil siya sa paghakbang. She turned to him while looking at his serious face. Dama niyang sinseridad sa sinabi nito ngunit matigas pa rin ang kalooban niya. “I’m sorry, captain. Masyadong malayo ang France sa UK at I’m sure hindi na tayo magkikita.”
“I can travel to see you there, doc.”
“Bahala ka.” Tuluyan na siyang tumalikod at iniwan ito roon. Bakit gusto mo akong makita? Hindi naman tayo magkaano-ano or else, may sakit ka. Napapailing na lang siyang tinungo ang iba upang maghanda na para umalis.