RENDELL never had left them ever since the day he knew about his son from Riexen. Nasa tabi lang nila ito palagi lalo na noong nakalabas na si Izen sa Hospital. Tuwang-tuwa rin naman ang bata na makasama nito ang tunay nitong ama na matagal na rin nitong inaasam-asam na makita. Sa ngayon, kasalukuyan pa rin silang nasa Switzerland kasama ang tiyahin niya. "Riex?" “Yes? Uhm, may kailangan ka?” Nasa kusina sila at nag-prepare siya ng meryenda ni Izen. "Nothing." “Nothing?” Noon lang niya ito sinulyapan habang hawak niya ang kutsara dahil naglalagay siya ng palaman sa sandwich ng anak niya. Lumapit ito sa kaniya. “I am glad that you really take care of our son.” "And then?" "He's seven years old, and I think we should need to have our second child." “Huh? Second child?” Nagulat siya s

