IYA POVS "Honey, may bisita tayo?" untag ni Liam, sa akin. "Sino?" takang tanong ko. "Hay, Iya. Kamusta ka?" saad ng babae. Kung hindi ako nagkakamali ito yung Joy na sinabi ni Liam sa' akin. At ito yung babaeng pinagseselosan ko noong nakaraan araw. "Ha-Hay?" nahihiyang sagot ko. "Sya na ba ang anak mo?" muling tanong nya sa akin. "Oo," tipid na sagot ko. "Honey, iwan ko muna kayo dito," paalam ni Liam. Tumango ako sa kanya. "Maupo, ka. Anong gusto mo inumin juice o kape?" tanong ko kay Joy. "Kahit ano ayos lang sa akin. "Sige, dito ka muna?!. Nagtungo ako sa kusina upang ipagtimpla ng juice ang bisita ko. "Best, anong ginagawa mo. At sino naman babaeng nasa sala," sunod-sunod na tanong ni Ann sa akin. "Asawa ng kaibigan ni Liam." "Ganun, ba, sige ako na dyan bumalik ka

