Lanie’s POV Seryoso ba siya? Kata-tawag pa lamang sa akin ngayon ni Doctor Hope Andres Laurente at sinabi niya na kung pwede raw na sumama ako mamaya sa kaniya pauwi sa bahay niya. Hindi ako makapaniwala. Imagine, ang bagong investor sa kompaniya na pinagta-trabahuhan ko ay bigla na lamang tumawag sa akin tapos pinapapunta pa ako sa bahay nila. Sinong hindi magugulat? Bakit naman kaya kailangan ko pang pumunta sa kanila? Huwag mo itong ipagsasasabi kahit kanino. I am counting on you, Miss Lanie. Pahabol pa niya. Of course, hottie doctor, you can count on me like one, two and three. Napahagikhik ako. Mag-isa lang kaya siya sa bahay nila? Hindi kaya ay may lihim na pagtingin ito sa akin? Baka mamaya, kung anong gawin nito sa akin. Napailing naman ako sa kung ano ang naiisip. Parang sa

