Shakirra’s POV
“You b***h!”
Naglalakad ako papasok ng elevator nang may sumigaw mula sa corridor ng first floor ng building ko.
Lumingon ako agad nang makilala kung kanino nanggagaling ang boses na iyon. Havannah is running while she is carrying a hand bag on her right hand and a magazine on her left. Her skin is tanned. Sinulit masyado ang bakasyon niya.
Patakbo siyang lumapit sa akin at yumakap. “I miss you girl!” I smiled at her move. I hugged her also. Mukhang namiss niya talaga ako.
“Oy mga gaga kayo! Pasali!” That’s Joy. Just like Havannah, her skin is also tanned. s**t! Ang iingay nila. Magugulo na naman ang tahimik kong buhay ng dahil sa kanila.
Mabuti na lamang at walang ibang tao rito, kung hindi ay naeskandalo na ang mga iyon sa dumi ng bibig ng mga ito. They don’t usually get clingy around, pero kapag ganito na matagal kaming hindi nagkita ay wagas sila kung makayakap. Akala mo ay isang taon nawala, eh, isang buwan lang naman.
“Umuwi pa kayo?” I sarcastically said and entered the lift. Sumunod naman sila agad.
“Kung makapagsalita naman ito… We are still working while we are away. You know that. Talagang sinulit lang namin ang bakasyon na ibinigay mo. Bakit kasi hindi sumama diba?” nangaalaskang tanong ni Havannah sa akin at inirapan ako. actually, ako talaga ang nagsuggest na magbakasyon sila. Biro lang naman na isang buwan iyon pero tintotoo talaga nila. Kaya, I don’t have a choice but to let them. Kahit naman nasa bakasyon sila, kapag kailangan ay nako-contact agad sila.
Dapat talaga ay kasama nila ako, kaso, kinailangan ako sa kompanya nila Daddy.
“Asus! Girl, kung sumama iyan, I don’t think she will have that yummylicious fafa Justine she has now. s**t! Anong ginawa mo at nabihag mo ang gwapong lalaking iyon?”
“Oo nga ano. Teka, magku-kwento ka pa sa amin.”
“Kailangan pa ba talaga?”
“Tinatanong pa ba yarn?” sabay nilang sagot. Nagtawanan kami matapos iyon. Namiss ko talaga sila.
Nagkulitan lamang kami saglit sa opisina ko nang tawagin ako ni Lanie mula sa speaker.
“Mam! You won’t believe it!”
“What?” kyuryoso kong tanong. Maging ang dalawang kasama ko ay hinihintay ang sasabihin ng sekretarya ko.
“Your magazine is out na po. The manager of Y Magazine contacted me and they wanted to give it personally to you.”
The two persons in my office aside from me gasp with the news. I am not shocked. And I am not really happy with it. But, in the business industry, it is needed. It is a must.
Ang Y Magazine ay isa sa nagfi-feature ng mga sikat na entrepreneurs and the rankings of their annual income. And guess what, I am on top this year. They came here three months ago for the interview and the photoshoot. Pumayag din naman ako.
I am so happy with my achievements but it is so fine for me if I won’t be featured. I wanted to have a quiet life while reaching the top and at the same time, able to help other people through my charities and scholarships that my company is providing to those wise youths that wanted to continue their schooling but don’t have the capability to sustain the financial needs.
Kaya nga lang, nakakahiya rin tumanggi. It is their job.
“Do I have a schedule this afternoon?” tanong ko kay Lanie. I would still be happy to have the magazine.
“Wala na po Mam.”
“That’s good. Thank you, Lanie.”
Naiiyak na lumapit sa akin ang dalawa at niyakap akong pagakahigpit-higpit. “We are so proud of you b***h!”
“Oo nga. Bilyonaryo na, may buo pang pamilya at panghuli…” pambibitin ni Joy sa sasabihin at nilingon si Havannah.
“May gwapong jowa!” sabay nilang sigaw at sinundot-sundot ang tagiliran ko.
“Mga baliw kayo. Ano ba… para kayong mga tanga,” natatawa kong pagpuna sa dalawa. “Parang mga wala kayong jowa ah.”
Ang alam ko ay may serious boyfriend itong si Havannah, si Chris samantalang si Joy ay fling fling lang. Maganda naman si Joy, marami ring nagkakagusto pero trip niya lang makipaglaro sa mga lalaki. Ayaw niya ng seryosohan.
“Eh, basta. Wala pa sa kalahati ang kagwapuhan ni Chris sa bebe mo. Takte! Kahit kaibigan kita ay naiinggit ako sa iyo, alam mo ba ‘yon? Imagine, parang mas gusto ka pa ng parents ko kaysa sa sarili nilang anak. Ikaw na talaga girl,” natatawang ani ni Havannah.
Nahiya naman ako dahil doon. Pero dati pa man talaga ay tuwang-tuwa na sa akin sina Tito at Tita, magulang ni Havannah. They would always praise whenever I will go to their house. Minsan nga ay tinatamad na akong pumunta sa kanila kapag may celebration, dahil imbes na ang anak nila na si Havannah ang ipinagmamalaki ay ako pa talaga. I feel bad for Havannah. I know how bad it feels but I am so glad she still stays to be my friend.
“Sa true lang sis. Kahit ako naman, naiinggit sa babaeng ito. Imagine, loving parents, handsome brother, super duper hot boyfriend at isama na rin ang kayamanang naipundar niya ng sarili niya lamang. But damn! I am so proud to be your friend girl. So proud,” madamdaming ani ni Joy at hinawakan ang kamay ko.
“Ano bang nangyari sa vacation niyo at nagkaganito kayo? Ang da-drama niyo ha,” kunwari ay natatawa kong sabi para mabawasan ang mabigat na hangin.
Ano bang nangyari sa mga ito at ang da-drama? This is the first time that they told me this one.
We are always together, sharing good and bad memories but we never tell these kind of thoughts. They also both came from a rich family but I know, Havannah is still not in good terms with her parents.
Joy on the other hand, her parents are separated na, naghirap na rin siya dahil humiwalay na siya sa magulang niya. Kadalasan nga ay nangungutang pa ito sa akin pero okay lamang naman iyon. And what hurts more is that, her ex fiancé cheated on her. I feel sad for them. I don’t have the control of what is happening, all I can do to help ease their pain is to always be by their side and be a friend and a family.
Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o ano. I guess I am just lucky to have my family and of course Justine. Reaching my dream is not something to brag of, but something to be proud of. Proud in a way that my feet are still glued in the ground and I still consider everyone with the same status as mine.
Niyakap na lamang nila ako. I guess they got emotional because they missed me. Nagpaalam na rin sila at magta-trabaho na.
Lanie went with me as we got the magazine. Kilig na kilig pa si Lanie dahil ang ganda-ganda raw ng mukha ng magazine. Ako iyon. I know my family are so proud of me and will be happy if they will see this. Masaya ko itong tinanggap.
Mabilis lamang naming nakuha dahil talagang inabangan nila ang pagdating ko at hindi nila sinayang ang oras ko.
Saglit lang akong chinika ng manager dahil nabalitaan nito ang pangsu-surprise sa akin ni Justine.
Nasa may lobby na kami at papalabas na ng tumunog ang cellphone ko. It’s Justine.
Sinagot ko agad iyon. Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw. Kahapon ko lamang siya sinagot at sariwang-sariwa pa rin sa akin ang nangyari.
“Hey, baby,” malambing niyang sabi sa kabilang linya. Kumapit ako sa braso ni Lanie dahil baka matumba ako. Nanghihina ako kapag si Justine ang kausap.
Am I that over acting? But it is his effect on me. He makes my knees weak, my breathings became abnormal and the temperature of my body is getting unstable.
“Hi,” ang tanging naisagot ko. I am like a teenager getting shy with her crush. Binuksan ng guard ang entrance door para sa amin. I smiled at him.
“Where are you? I miss you so bad.”
“I am outside Y Magazine. May kinuha lang.”
“My condo is just meters away. Can you wait for me, baby?” malambing niyang sabi at narinig ko na may tumunog. Siguro ay ang susi ng sasakyan niya.
“Okay. I’ll just wait for you here. Drive safely, okay?” pagpapaalala ko. He is now walking based on the steps that I hear.
“Okay, baby. I love you.” My face blushed again. Kahit boses lamang ang naririnig ko ay napakagwapo. Mas lalo akong nahuhulog.
Hindi ko alam kung sasagutin ko iyon dahil kasama ko si Lanie. Parang nahihiya ako. His engine roared.
Hinid niya pa rin pinapatay ang tawag. “Okay,” iyon na lamang ang naisagot ko. s**t na naman. I heard him chuckle.
“I can’t wait to be with you again. I’ll see you later. Please end the call. I am now driving.”
Pinatay ko na ang tawag. I will see him again. Bigla ko siyang namiss. Magki-kiss kaya ulit kami?
Shit! My mind.
I told Lanie that we will be waiting for Justine. Nangaasar naman niya akong binalingan ng tingin. Inirapan ko siya dahil alam ko na uulitin na naman niya ako.
Natatawa na lamang siya at hindi na nagsalita. Inilagay niya sa kotse ang magazine at ang iba ko pang dalang gamit maliban sa hand bag ko.
Mukha ngang malapit lamang nag condo niya dahil wala pang sampung minuto ay narito na siya.
Lumabas siya sa kotse niya. He is wearing his aviators. Simpleng T-shirt na itim lamang ang suot niya, board shorts and a white open shoes. Simple yet his aura is calling for attention. Marami ang nakatingin sa kaniya. At nang alisin niya ang salamin niya, ngumiti ng pamatay at kumaway sa akin ay marami ang napasinghap.
That’s my boyfriend. s**t! Ang gwapo niya talaga.
Nang makalapit siya sa akin ay hinawaan niya agad ako sa bewang at binigyanng mabilis na halik sa labi. PDA ang loko. I blushed with what he did and shyly looked at Lanie.
“Lanie, okay lang ba na ihatid mo sa bahay ang kotse ko? Ipapahatid na lang kita kay kuya Fred sa sasakyan namin papunta sa bahay niyo.” Kuya Fred is our family driver.
“Sige po Mam. Ingat po kayo.” Tumango siya kay Justine at nagpaalam na.
Tinawagan ko muna si manong Fred.
“Let’s go?” baling ko sa kaniya matapos ang tawag. Kinintilan niya ulit ako ng mabili na halik sa labi at inakay patungo sa sasakyan niya.
“Where do you want to go?”
“Ikaw, saan mo gustong pumunta?” balik tanong ko.
Natawa siya dahil doon. He pinched my cheeks and went closer to me. “Ang cute mo talaga.” Ito ang unang beses kong narinig na magsalita siya ng tagalog. May accent pa. Ang gwapo lalo, s**t.
Hinid ko na pinuna ito at napapikit nang mas lalo siyang lumapit. I thought he would kiss me. I heard a click from my side.
“Did you miss my kiss?” he straightforwardly asked. Hindi pa siya lumalayo sa akin kaya nararamdaman ko ang bawat labas ng hangin sa bibig niya habang nagsasalita. Ang bango.
“Hindi noh,” sagot ko pero ang mga mata ko ay nasa labi niya.
Nakita ko na tumaas ang labi niya kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.
“Sure, you do. But I miss your lips,” he lowly said and held my chin. Itinaas niya iyon upang mapatingin ako sa kaniya.
His eyes are telling me that he really miss it. Sinabi ko man na hindi ko ito namiss, alam ko na alam niya na salungat iyon sa totoong nararamdaman ko dahil sa hininga kong hindi na pantay at sa mga mata kong nalalasing sa lapit niya sa akin.
Hindi na niya pinatagal pa at ipinaglapat na niya ang labi naming dalawa.
He drove the car after that long kiss and I just let him kung saan man niya ako dadalhin.
Someone’s POV
“Whose lips do you really want to taste, mine or hers?” tanong ng isang babaeng ngayon ay wala ng saplot pangitaas at hinahalikan ang panga ng lalaking hinahabol ang kaniyang hininga.
____________❤️