Chapter 3: Next Time

1753 Words
A week had passed when that bar incident happened. Until now, he's still not leaving me at peace. I don't know what's with him dahil hindi rin naman niya sinasabi sa akin kung ano talaga ang pakay niya sa mga ikinikilos niyang iyon. Sa totoo lang, naisip ko na baka nakasanayan niya lang talaga iyon pero bakit naman ganon? It seems like he is so comfortable holding me. My friends won't even do that. They would even say that it sent them cringe feelings or maybe because we're not that clingy with each other. Mga babae pa ang mga iyon. But how about that Justine guy? We're not close and we just met for weeks. Technically, he is not my friend nor an acquaintance but rather a client. Maliban sa magaang paghawak niya sa bewang o siko ko at marahang paghalik sa likod ng palad ko at sa mga papuri niya, ay wala naman na siyang ibang ginagawa. Wala rin naman akong nararamdamang pambabastos pero medyo naiilang ako dahil hindi ako sanay. He is the only person who did that to me. Wala rin naman siyang nababanggit pero sa mga ikinikilos niya ay nagdududa na ako. Does he like me? Should I confront him? Or maybe, I should not just make it a big deal. Because it seems like it's not for him. Baka nagiging OA lang ako dahil first time ko lang makaranas at makasagupa ng ganitong tao. At hindi pa doon nagtatapos nang tumunog ang aking cellphone. Alam ko na agad kung kanino dahil iyon ang ringtone ng phone ko kapag sa kaniya nanggagaling. Don't get me wrong, I don't like him. Yeah, I really don't. I just picked a distinct tone for himself. My family members also have their own ringtone from me so it's not a big deal if I will make one for that guy. Siyempre, para alam ko na sa kaniya iyon galing. That's it. Are you free later? Or are you going to the site and visit the project? I wanna see you Sha. I miss you. Pagkatapos kong basahin ang mensaheng iyon ay agad na bumilis ang t***k ng aking puso. Ano ba itong ginagawa mo sa akin, Justine Zaffron? Nakakapanindig balahibo ang lalaking ito pero hindi sa negatibong paraan. Hindi naman ako namamanyakan sa kaniya kasi hindi naman ganon ang ipinapakita niya. Oo, clingy siya pero hindi niya naman ako hinahawakan sa mga parting ipinagbabawal na dapat ay ako lang ang makakakita at makakahawak. He is a gentleman, if I would describe him. Another thing, he is so thoughtful. So maybe I will just go with the flow. Kung ginagawa niya iyon dahil nakasanayan niya o dahil talagang gusto niya ako, bahala na. I will have a life starting now. Maybe it's time to open my eyes, mind and heart with those persons who wants to enter in my quiet life. Napasandal ako sa headboard ng kama at inisip ang schedule ko today. Ang tanging lakad ko lang naman ngayong umaga ay ang pagbisita sa site kung saan ginagawa ang aming project para sa pamilya Sebastian. I looked at my phone and locked it again. Hindi na ako nagreply dahil sigurado akong pupunta rin siya sa site ngayon. Naginit ang mukha ko ng maisip na makikita ko ulit siya. Agad ko namang inalis sa aking sarili ang pakiramdam na iyon dahil sa isang reyalisasyon. Wala akong gusto sa kaniya, period. Halos naubos ko ang dalawang oras ko sa paghahanda ng aking susuotin at sa pag-aayos sa aking sarili. Nang nasa sasakyan ay saka ko lamang narealize ang nangyari kanina. Seriously Shakira? Wala namang masama kung ako ay magaayos sa sarili diba? This is for me and not for other people. Yeah, it is. Hindi na ako nagisip pa at saka ay pinaandar ko na ang aking sasakyan. Nang marating ang site ay kitang-kita ko ang makabuluhang trabaho ng aming mga manggagawa. Lahat ay may kani-kaniyang ginagawa. Dahan-dahan akong nagpark ng aking sasakyan dahil hindi ko pa talaga ma-perfect ang pagpa-parking kahit ilang taon na akong nagda-drive. Tumingin muna ako sa aking salamin at inayos ang sarili. Bubuksan ko pa lang sana ang pintuan ng aking sasakyan nang bigla na lamang may nagbukas nito. Bumaba na rin ako at handang pasalamatan ang taong iyon na akala ko ay isa sa mga staff na nagbabantay nang bumungad sa akin ang mukha ng isang napakagwapong lalaki. Mukha siyang suplado kahit na may mga ngiti sa kanyang labi at madilim na mga mata. Napahawak ako sa aking dibdib ng mapagtantong hindi na pala ako humihinga. Agad ko rin isinara ang aking bibig na ngayon pala ay nakabukas na dahil sa pagkatunganga sa kaharap. Nakasuot lang siya ng isang longsleeve na katulad ng sa mga trabahador na suot ngunit naiiba ang kulay ng sa kaniya na kulay puti. May suot din siyang hard hat sa ulo at may isa pa siyang bitbit na sigurado na akong para iyon sa akin. Nakasuot na rin siyang hard shoes. Tingin ko ay kanina pa siya rito. Napakagwapo. Oo marami na akong nakakasalamuhang kalalakihan na may itsura talaga pero ni minsan hindi ako ganito ka-hook sa kanila. Hindi, gwapo lang kasi talaga siya kaya naa-appreciate mo. Wala ng ibang dahilan pa. "Hi!" he cheerfully greeted as he offered his cheek for a beso. Takte! Lumunok muna ako at ginantihan ang bantang pagbeso ni Justine sa akin.Bakit kasi kailangan pang may pa-ganito. "Ah-hi! Thanks Mr. Sebastian," marahan kong sagot at sinuklian ang kaniyang ngiti ng isang maliit na ngiti. Ang hirap pantayan ng kasiyahan sa mukha niya lalo na at ang traydor kong puso ay kasing bilis na ng takbo ng kabayo sa pagtibok. Nagtataka pa ako kung bakit buhay pa ako dahil doon. "How's your sleep? I miss you," he said as he puts the hat on me. Habang ginagawa niya iyon ay nakatitig siya sa akin. Halos sa likod niya lang ako nakatingin dahil hindi ko magawang tagalan ang titig niyang iyon. "Yeah, I already ate my breakfast." "Huh?" he confusedly asked. Huh? Ano bang sabi niya? Shit naman Shakirra oh. Nawawala ka sa focus. Nakakahiya. Umubo ako upang mawala ang kaba at unti-unting lumakad nang maisuot na niya ang hat sa ulo ko, upang makalayo sa kaniya at makahinga. Hindi maganda na nalalapit ako sa lalaking ito. "Nevermind. Let's go. I'll discuss to you some of the improvements in this project," sabi ko habang tuloy-tuloy ang lakad ko. "You look different today," he said. Huh? Different? Hindi kaya napaiba ang ayos ko o kaya ay napasobra? Sinasabi ko na nga ba Shakirra eh. Sinagot ko siya ng hindi lumilingon dahil nauna nga ako sa kaniya. "What do you mean different?" Narinig ko ang masarap sa tainga niyang halkhak pero wala akong nadinig na sagot. Tanging ang mga yabag lang ng tumatakbong tao papalapit sa akin. Mas lalaong naginit ang mukha ko nang humawak siya sa bewang ko at bumulong sa tainga ko. "You look hot today." Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko at hindi na ako makalakad pa. Unti-unti ko siyang nilingon at nakita ko ang mukha niyang wari mo ay nakatingin sa isang dyosa dahil sa kaniyang paghanga. Shit na malagkit talaga. Justine, ano ba itong ginagawa mo sa akin? Kung maka-hot akala mo naman. Eh, suot ko lang naman ay isang black na high waist skinny jeans at pinartneran ko ng isang white tube at denim jacket. I'm now wearing the hard shoes na high cut and also the hard hat. My long straight hair is just in place. "You're blushing!" Puna niya na wari mo ay natutuwa sa nangyayari. "I'm not okay! It's just hot in here. Anyway, let's go and let us check the improvements." At umakto pa talaga ako na parang bata sa harap niya. Takte naman talaga. Inilibot ko siya sa buong site at ipinaliwanag ang mga ginagawa ng mga trabahante namin. Tingin ko ay inabot pa kami doon ng mga dalawang oras dahil nakikipag-usap din kami sa mga trabahador at kinakamusta sila sa mga kaganapan at kung may problema silang kinakaharap habang ginagawa ang project. Although we are always updated by the project manager na naka-asign, maganda na rin na ikaw mismo na nagpapagawa ng project ay nakakamusta ang lagay nila. Pagkatapos ay kaniya akong niyaya sa isang restaurant na hindi ko pa naman napupuntahan. He holds me on my back as we walked inside. He is the one who chose our table. Nasa VIP room kami at iilan lang ang tao. Agad niya akong pinaghila ng bangko nang makapili ng maayos na pwesto. "Hi Sir! Welcome back. Do you want the usual?" A man wearing a checkered three-fourth polo tucked in with a maong pants and a white shoes as a covering on his feet. I bet he is the manager. "Oh no. I'm with someone," he politely said as he held my waist. "Oh I thought it's Mam Maxine. My apologies, Miss?" Maxine? His sister? Siguro madalas silang magkapatid na kumain dito. "Shakirra. Shakirra Cheng," I plainly said but with a smile on my face. Inilahad niya ang kamay sa akin at akin naman itong tinanggap upang makipagkamay. Agad niyang tinawag ang isa sa mga waiter at ipinadala ang menu. Naupo na kami habang nagsi-serve sa lamesa ng tubig ang waiter. Pinag-uusapan pa lang namin ang aming kakainin nang may tumawag sa kaniya. He excused himself and I just let him as I scan the menu of the restaurant. Tumutulong naman ang manager para makapili ako dahil hindi ako pamilyar sa mga menu nila. Mga dalawang minuto na akong namimili pero wala akong magustuhan kaya pinagpasyahan ko munang hintayin si Justine. After a few more minutes, he came back with an apologetic smile on his face. Agad akong nakaramdam ng karampot na kirot sa aking puso kahit hindi pa alam kung bakit. "Sorry but I have some important errand to catch. It's an emergency. My sister Maxine called and she told me the news. Can we schedule this next time?" I forced a smile and stand up. "It's okay. No need to apologize. Let's go." Napahinga naman siya ng maluwag dahil doon at saka ako inakay palabas. Hindi na niya ako nahatid sa kompaniya dahil sa pagmamadali niya. I smiled bitterly. I really hate this sudden change of events. I don't want to be disappointed but I can't help it. Do not expect that throughout the day, everything will go according to what you wanted it to be. Even if, that's what you are aiming and doing. ____________❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD