Nawala lang ang atensyon ko sa masaya niyang mukha nang makita ko ang sunod niyang inilabas mula sa bag niyang ikinasinghap ko sa gulat. May inilabas siyang anim na container na may iba't ibang putahe ng ulam, kanin at dessert. Tapos may inilabas din siyang mineral water. Huli niyang inilabas ang dalawang malalaking mansanas at saging. Itinabi niya ang bag saka siya bumuntong-hininga, "Let's eat." Binuksan niya 'yung isang container na naglalaman ng kanin at ibinigay saakin. Nag-aalangan pa akong kunin iyon dahil nagugulat pa rin talaga ako sa nangyayari. Inabutan niya rin ako ng kutsara at tinidor. "T-thank you." He smiled. Binuksan niya rin ang ibang container na may iba't ibang putahe ng ulam. Nagulat pa ako nang lagyan ng ulam ang container na hawak ko. "That's enough. Ang dami

