"Ha?" "My Nanay Myrna. Do you want to meet her? Puwede kang pumunta sa bahay." Natawa ako nang alanganin sa sinabi niya saka umiling, "H-hindi na. At saka kapag pumunta ako sa bahay niyo, ano naman ang ipakilala ko? I'm not your girlfriend." He smirked, "Bakit? Kailangan bang maging girlfriend muna kita bago kita madala sa bahay?" Napalunok ako sa tanong niya. Girlfriend? Oh my God. Hindi ko napigilang isipin kung anong pakiramdam kung naging boyfriend ko siya. Napakurap lang ako nang humalakhak siya, "Miss feeling maganda, hindi lahat ng dinadala sa bahay, girlfriend. Puwedeng kaklase o kaibigan. Pero kung gusto mo talaga. Kapag pumunta ka sa bahay, sabihin mo girlfriend kita. Ayaw mo 'yon? Hindi ka na lugi saakin." he said and winked. Naramdaman ko ang agarang pamumula ng pisngi ko

