NAIILANG na si Addison dahil kanina pa siya hindi nilulubayan ng tingin nina Ysmael at Matteo. Pagkatapos kasi niyang sabihin sa mga ito na anak ng mga ito sina Yael at Matt ay tahimik lang ang mga ito. Na dissapoint tuloy siya. Parang gusto rin niyang umiyak. Bakit pa kasi umasa ako na matatanggap nila ang mga anak ko? "Look, kung ayaw niyong maniwala na anak niyo sila pwede tayong magpa-DNA test o kung hindi niyo sila tanggap, that's fine with me. Kaya ko nang buhayin ang mga anak ko ng mag-isa, ang importante lang naman sakin ay makilala nila ang mga ama nila." Tumayo si Ysmael mula sa pagkakaupo sa couch saka lumapit sa kanya. Sa library kasi sila nag-uusap habang inaalagaan muna ni Mamita ang mga anak niya. Nahiya pa nga siya kay Mamita ng malaman niyang alam na nito na may rel

