"PASENSYA na po talaga Mamita kung ngayon lang ako nakatawag sa inyo, may nangyari lang pong hindi maganda." tinanaw ni Addison ang malawak na dagat. Nandoon siya sa dalampasigan ng Isla Mabato at tinatawagan si Señora Luisa. "Ayos lang hija. Pinag-alala mo lang ako. Ano bang nangyari sayong bata ka?" ramdam niya sa boses ng babae ang pag-alala. "Mahabang kwento po Mamita, siguro po pagdating ko diyan saka ko na lang iku kwento sa inyo. Pero, may maganda po akong balita sa inyo." "Ano ba iyon hija?" "I found them, your grandchildren, kasama ko sila ngayon." sandaling natahimik ang kabilang linya bago niya narinig ang ginang na humahagulgol ng iyak. "Mamita! Okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong niya, baka kasi may nangyari nang masama dito. "Tell me hija kung nasaan kayo..P

