MAALIWAS ang bukas ng kalangitan. Malamig din ang sariwang hangin na dumadampi sa balat niya. Nakangiting inilipag ni Addison ang pumpon ng bulaklak sa harap ng isang lapida. Ang isa sa mga lalaki na naging parte at importante sa buhay niya. Hinaplos niya ang pangalan nitong nakaukit sa lapida. Maurice Rivera. Oo, may galit siyang nararamdaman para sa lalaki pero hindi naman niya maikakaila na naging mabuting kaibigan ito sa kanya..na nauwi sa obsesyon nito sa kanya. It's been a year nang maganap ang bangungot na iyon sa kanyang buhay. Hindi ito nakaligtas sa mga tama ng baril na natamo nito noong iligtas siya nina Matteo at Ysmael. Si Tessa naman ay nagpakalayo-layo na sa kanila matapos iurong ni Matteo ang kaso laban sa babae. "Mahal." Napangiti si Addsion nang may isang pares n

