"I CAN'T believe this! Hindi ko alam na magagawa iyon sa akin ni Raul! He's the only relative that I have. Hindi pa ba sapat ang malaking parte ng halaga na binigay ko sa kanya noon?" sinubukang pakalmahin ni Addison si Señora Luisa habang idine detalye niya dito kung sino ang mastermind sa mga death threats na natatanggap nito. Buti na lang talaga at may mga matibay na ebidensya na ibinigay sa kanya si Maurice tungkol sa kaso na iyon. Ayaw na din naman kasi niyang maglihim dito kaya mas maagang malaman na nito ang totoo. She can't blame her naman kung bakit masyado itong nahihirapan na tanggapin ang katotohanan, maliban sa mga apo, nag-iisa na lamang na kamag-anak ng ginang ang pinsan nito. Sabay silang napatingin sa pinto ng ginang ng bumukas iyon at humahangos na pumasok si Dylan.

