Parang nalaglag ata ang panga ko sa ginawa niyang iyon. Tumayo yung balahibo ko sa katawan ng maramdaman yung init ng dila niya at kahit saglit lang ang paglapat nun sa aking pisngi ay matindi pa rin ang epekto nito sa akin lalo ng maramdaman ko ang kiliti sa pagdampi ng dila niya sa pisngi ko.
Tawa naman siya ng tawa sa ginawa niya. At dahil sa kilig ay nahampas ko tuloy yung balikat niya.
"Di mo kasi ako pinapansin eh. Alam mo ang kyuuut mo pala bro kapag ganun yung itsura mo." Tatawa tawang sabi niya habang yung isang braso niya ay ipinatong niya sa aking balikat.
"Napakaadik mo talaga bro. Kadiri ka." Sabi ko at umaktong nandiri nga pero sa kalooban koy para akong lumulutang sa ulap. Hahaha. Malaki nga talaga ang epekto ng lalaking ito sa buhay ko hindi lang dahil bro ko siya kundi dahil mahal na mahal ko ito higit pa sa kaibigan.
"Hahaha. Wag ka na kasing magalit bro. Nalulungkot kasi ako kapag binabalewala mo ako. Siyempre labs na labs kaya kita. Ikaw kaya ang bro ng buhay ko." Napangiti naman ako sa sinabi niyang yun sa kalooban ko. Sinimangutan ko uli siya siyempre pabebe muna ako.
"Uy ngiti ka na diyan oh." Sabay kalabit sa tagiliran ko. Pero tinampal ko lang yung kamay niya.
"Bakit ganyan ka na ngayon? Di mo na talaga ako labs bro eh. Sinasaktan mo na ako oh. Masakit dito oh!" Arte niyang ganun habang hinihimas himas yun dibdib niya. At umakto pa talaga siya na parang nasasaktan. Utuin pa ako ng mokong nato. Ganyan naman kasi yang bro ko na yan. Pag di ko siya kinakausap abay panay pa cute sa aakin na siya na mang kahinaan ko.
"Balaka diyan." Pakeme kong sabi pabalik. Haha haba talaga ng buhok ko pagdating dito sa bro ko na ito.
"Ayaw mo talaga ha?"
Akala ko tatahimik na siya pero napahiyaw nalang ako sa susunod na ginawa niya.
Bigla kasi siyang kumilos at sobrang bilis ng pangyayari ngayoy nakahiga na ako sa kumot na inuupoan namin habang siya namay nakadagan sa akin habang panay ang kiliti niya sa tiyan ko.
"Ayaw mo talaga ha. Pwes dadaanin kita sa Wessley powers ko. Haha!" Sabi niya sa akin habang patuloy parin siya sa pagkiliti sa akin kaya naman di ko mapigilan ang sarili ko na mamilipit dahil sa kiliti habang panay naman yung tawa ko.
"Wag diyan! Ano ba may kiliti ako diyan. Ahahaha ano ba tigilan hahha mo na kasi ahahaha. Bwisit haha wag sabi haha tangina." Sabi ko habang panay naman ng tawa ko dahil sa ginawa niyang iyon. Pero di pa rin kasi siya tumigil. Abay papatayin ata ako nito sa kakatawa.
Huminto siya saglit habang tinitingnan ako ng seryoso saka sumilay na naman yung ngiting aso sa mukha niya.
"Sabihin mo munang ang gwapo ko. Sabihin mong ang gwapo ni Wessley! Sabihin mo munang mahal mo ako bro."
"Ayaw ko nga. Ang pangit mo kaya."
"Ahhh ganun pwes! Magkilitian tayo hanggang bukas!"
"HAAHAHAHA! ANO BA? SIGE NA! OO NA!"
"Oo ng ano?" Tanong niya sa akin.
"Oo na. Gwapo ka na. At aylabyu!" Hingal na hingal ako. Napatawa naman siya saka umalis sa pagkadagan sa akin.
"Bati na tayo ha?" Sabi niya. Ang isip bata talaga.
"Oo na. Matitiis ba naman kita?"
"Ahahaha. Labs na labs mo talaga ako bro no? Wag kang mag alala bro labs na labs din kita." Nakangiting sabi niya sa akin. Bakit kaya ang sweet nito sa akin ngayon? Haha sana pala birthday ko everyday para araw araw sweet ito sa akin.
Wala na kaming kibuan ngayon kapwa nakahiga sa kumot na nakalatag sa damuhan unan ang aming mga bisig habang pinagmasdan ang bilog na buwan sa itaas at mga bituwin.
Nalungkot tuloy ako nang mamasdan ang kagandahan ng buwan. Pakiramdam ko kasi ang lapit lang nito sa akin pero imposible namang maabot. Napatingin din ako kay bro na mariin ding pinagmasdan ang kasinagan ng mga bituin sa langit. Ano kayang nasaisip niya ngayon? Napangiti naman ako ng mapait. Hanggang tingin lang talaga ako sayo bro. Para ka kasing buwan. Ang lapit lapit mo lang sa akin pero imposible ka namang maging akin. Mahal na mahal kita bro pero natatakot ako. Natatakot ako sa katotohanang hindi tayo para sa isat isa at kahit kailan alam kong di mo ko kayang mahalin sa paraang gusto ko. Pero kahit ganoon pa man di ako mapapagod magmamahal sayo kahit malabo at kahit nasasaktan na ako. Andito lang ako umaasa baka sakali kasi na hanggang sa huli ay may nakaabang na kwentong pag ibig para sa ating dalawa. Aylabyu bro.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha bro? Kanina ka pa kasing nakatitig sa akin?" Saka naman ako nagbalik sa aking katinuan nang marinig ko siyang nagsalita. Di ko pala namalayan na nakatitig na pala siya sa akin.
"Ha? Ah wala bro. Masaya lang ako bro." Palusot ko sabay iwas ng tingin ko sa kanya.
Natahimik naman siya at muling itinuon ang tingin sa itaas. Ganun na din ang aking ginawa.
Mahabang katahimikan ang namayani. Hindi ko alam kung natutulog na ba siya o ano. Sobrang tahimik ng paligid at tanging mga huni ng kuliglig lamang ang maririnig kasabay ng pagtibok ng puso ko sa aking dibdib.
Natigilan ako nang tumagilid siya ng bahagya paharap sa akin at saka niya ipinatong ang braso niya sa akin at yumakap sa aking bewang kaya napatingin ako sa kanya.
Seryoso ang kanyang mukha na animoy may mga bagay na bumabagabag doon. Nakita ko ang paglunok niya at ang paggalaw ng kanyang adams apple sa leeg.
"Sana babae ka na lang bro ano? Hahaha. Paano kaya kung naging babae ka bro tapos liligawan kita sasagutin mo ba ako?" Tanong niya dahilan para huminto ng mabilis yung mundo ko kaakibat ng unti unting paglakas ng t***k sa aking dibdib.
"Ewan bro. Di naman ako babae ah. Ano ba yang tanong na yan. Nababakla ka na ata sa akin bro." Sabi ko ng magbalik ako sa aking sarili. Ngumiti ako ng peke para ikubli ang ang lungkot na namayani sa aking dibdib. Ang bigat sa pakiramdam." Bakit bro pag nagkataon ba na naging babae ako liligawan mo ba ako?"
"Oo naman bro siyempre." Sabi niya sabay dantay ng kanyang binti sa aking magkabilang hita. Napalunok ako dahil naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa aking leeg. Sana naging babae nalang talaga ako. Napahiling ako sa aking pisngi.
Umiwas ako ng tingin at ibinalik ang aking tanaw sa mga bituin at hinayaan ko na lamang siya sa pagyakap sa akin. Pero ilang saglit pa ay muli siyang nagsalita.
"Bro?"
Napalingon ako sa kanya na ngayoy titig na titig sa aking mga mata. Parang may maraming bagay ang nais niyang iparating sa titig niyang iyon.
"Ano bro?"
"Huwag kang mahulog sa akin bro ha? Kasi kung may pagkakataong mahulog ka sa akin pasensiya na di kita kayang saluhin."