Subra akung nasaktan sa mga sinabi ni kuya Ace sa akin. Akala ko gusto rin niya ako, ginawa pala niya iyon para makuha ko ang mana ko sa kuya ko.
Sa subrang talino mo kuya, naging instant asawa ko na si Ace pero kuya hindi ko naman siya pwede angkinin, kasal nga kami pero hindi bilang mag asawa kundi bilang nakakabatang kapatid lang niya.
Kasal lang tayo sa papel, darating din ang panahon na mapapawalang bisa ang kasal natin.
Ohh diba kuya hindi naman po masakit, hehehe. Napabuntong hininga na lamang ako.
Sa layo ng nilakbay ng aking isipan,hindi ko na namalayan nasa tabi ko na pala ang asawa ko, este kuya Ace pala.
Hey are you okey?. Kinalma ko muna ang aking sarili ayaw ko magkandautal utal, dapat cool lang Grace ganun.
Yeah ok lang ako, bakit?.
Malapit na enrollment niyo?. Yeah sagot ko.
Saan ka mag aaral?. Wala pa po kuya, pero bago ako mag enrolled kailangan ko muna makahanap ng malilipat.
What?, why?. Pag nasa condo unit lang ako ni kuya palagi ko na lamang siya naaalala, kaya napag pasyahan ko na lang na lilipat muna ako hanggang sa matanggap ko na wala na si kuya na hindi na po siya babalik, napabuntong hininga na lamang ako.
Ayaw ko ng umiyak kaya tumingala na lamang ako .
Naiintindihan kita, ako na bahala sa pag aaral mo sa college, i-enrolled na lang kita sa Delgado's University.
Napanganga na lamang ako sa sinabi niya.
Po?. sabi ko papasok ka sa University namin doon kana lang mag aral.
Edi ikaw na ang mayaman.
Pero baka hindi po kaya ng budget ko ang mag aral doon kuya.
Sino ba nagsabi sayo na sagot mo ang pag aaral mo.
Dahil asawa kita responsibilidad na kita.
Wow sarap sa ear's pero sa papel lang naman. Magpapaparty pa sana ako kung mag asawa talaga tayo, hahalikan pa kita ng bunggang bungga.
My condo unit ako na malapit lang sa University, ikaw na ang gagamit doon.
Napatingin na lamang ako sa kanya.
Ibibigay mo sa akin lahat ng requirements mo ako na bahala mag pasa sa University.
Make it sure walang makakaalam na mag asawa na tayo, napatango na lamang ako.
Ohh diba saklap, secret is real.
Ano pa kaya ang sasabihin niya na hindi ako masasaktan. Tsskk namanhid na ata ang puso ko sa mga sinasabi niya.
Kung ayaw mo ako maging asawa, edi don't ayaw ko rin sayo. Sana hindi na lang ikaw ang naging crush ko, edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito.
Napancin ko may kinuha siya sa kanyang wallet. Here!, nilapag niya ang black card.
Napakunot noo na lamang ako na nakatingin sa kanya. Porket kasal na kami sa papel ipapamukha pa ata niya sa akin na pera lang ang habol ko sa kapre na to.
Gagamitin mo iyan sa pag araw araw mo at mga pangangailangan mo.
Hoy!! kapre my pera ako remember. Hindi ko kailangan ng pera mo!!. Hindi ko na napigilan na huwag siyang talakan bwisit siya.
Napangisi na lamang siya. Unano gaya nga ng sabi mo kasal tayo remember, kaya my karapatan ka sa pera ko, Mrs Delgado.
Takti bilis ng kabog ng bidbid ko. Sarap sa ears Mrs Delgado oh my gulay.
Hoy bruha huwag kang papalinlang sa kapre na iyan.
Oo na akin na iyan, pwede ba lumayo ka sa akin.
Pagkakuha ko ng black card, tumayo na ako. Oh saan ka pupunta?, inirapan ko na lamang siya.
Malamang kakain na nagugutom na po ako Mr Delgado. Wala ka man lang maibigay na pagkain sa akin tskkk.
Shit, Napahilamos na lamang ako ng aking mukha, oo nga pala nakalimutan kung mag order ng pagkain namin.
Agad naman ako tumayo, let's go.
Saan ka pupunta?, napatingin na lamang ako sa kanya, kakain tayo, pasensya na nakalimutan kung umorder ng pagkain natin.
Ok lang po iyon kuya, tara na po nagugutom na po talaga ako. Ok tara na.
Saan mo gusto kumain?. Tara sa Jollibee kuya. Napasimangot na lamang ako ng wala siyang imik.
Edi hindi tsskk napasimangot na lamang ako kakabwisit ayy, nagtanung pa talaga kung saan ko gusto kumain, tapos ng sabihin ko ayon na mute na.
Instead na sa fast-food chain kami pupunta. Sa italian restaurant kami pumunta napasimangot na lamang ako.
Palagi na lang kasi fast-food kinakain mo, napatingin na lamang ako sa kanya. Pagkain naman iyon ahh at isa pa mura pa.
Hindi na lamang ako umimik sigurado hindi matatapos ang bangayan namin dalawa.
Hinila ko na lamang siya papasok ng restaurant.
Good afternoon sir!, any reservation sir?. No .
This way sir, pagkaupo namin nag order na ako ng pagkain ko. Nag napatingin ako kay Grace, halos napangiti ako sa itchura niya, hahaha nakabusangot kasi.
Ano gusto mo kainin?, napatingin na lamang siya sa akin, edi pasta yan naman ang pagkain dito diba. Napapailing na lamang ako sa babae na to.
Sinabi ko na rin sa waiter ang order namin. Mayat maya dumating na ang order namin.
Napangalum baba lamang siya, pinagmasdan ko siya. Maganda siya wala ako mapupuna sa kagandahan niya.
I can't believe na asawa ko na siya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, my saya akung nararamdaman pag sinasabi kung asawa ko siya.
Here's your order sir. Thank you.
Here kumain kana, para magkalaman ka naman ang payat payat mo. Hoy kapre!!, hindi ako payat no!!, sexy lang ako sexy kuha mo.
Napakataray talaga niya, napapailing na lamang ako.
Halatang gutom na gutom ka ahh. Paki mo ba kumain kana nga diyan.
Here binigay ko sa kanya ang pagkain ko.Seryoso ka sa akin na ang pagkain mo.
Yes my little wife, hahaha ang cute niya pag namumula ang kanyang pisngi.
Thank you.
Agad ko naman nilantakan ang pagkain na binigay ni kuya Ace sa akin. Alam kung nakatingin lang siya sa akin pero wala na ako pakialam ehh gutom ako ehh paki ba niya kung matakaw ako.
Burrpp!! excuse hahaha, napairap na lamang ako sa kanya.
Excuse punta lang ako comfortroom. Napatango na lamang siya.
Dali dali akung pumunta ng comfortroom naiihi na talaga ako kanina ko pa kasi pinipigilan.
Pag pasok ko agad akung umihi, huhh success.
Naghugas muna ako ng kamay at nag ayos na din ako, naglagay lang ako ng kunteng powder.
Pagkalabas ko nakita ko si kapre na may kasamang babae sa table namin.
Bakit ako nasasaktan ng ganito.
Eto ba ang gusto niya, iyong malaya siya makipaglandian sa ibang babae.
Oo kasal nga kami pero wala naman lavel sa amin. Dahil sa pagmamadali ko na makalabas sa restaurant, may nabangga ako.
Ayyy!!, muntik na akung masubsub sa sahig buti na lang nasalo niya ako.
Hey miss are you ok?. Ohh my gosh ang swabe ng bosses, napa angat ako ng tingin halos umawang ang aking labi, oh my gosh.
Tao ba to grabe ang gwapo niya ang ganda ng mata niya grey eyes siya. Ang bango pa.
A-ahh o-oo ok lang po ako sorry po,hindi ko po kayu napancin sorry po.
Napahalakhak na lamang siya, gwapo nga sira ulo naman.
Bakit ang tagal naman ng babae na iyon.
Napatingin ako sa lalakeng tumatawa. Napakonot noo na lamang ako ng makita kung hawak hawak niya ang bewang ni Grace.
Halos magdilim ang aking paningin, iniwanan ko na ang babae na kausap ko kanina, wala ako paki sa babae na iyon kahit tinatawag pa niya ako.
Agad akung lumapit kay Grace, at hinila ko na siya palabas ng restaurant.
Aray ano ba nasasaktan ako. Wala ako paki kahit nasasaktan na siya. Shitt !!, walang kahit na sinuman ang hahawak sa pag mamay ari ko. Ang akin ay akin lang punyeta s**t.
Bro wait nasasaktan na siya bitawan mo siya. Sabi ng lalake, agad naman akung humarap sa lalake at hinapit ko si Grace sa akin, gusto ko siyang suntokin.
Wala kana pakialam kung ano gagawin ko sa asawa ko!!! idiniin pa niya ang salitang asawa para malaman niya na asawa ko ang nilalandi niya.
Sorry bro, akala ko wala pa asawa ang kasama mo. Anyway pasensya kana kanina, tumango na lamang ako.
let's go. Ramdam ko ang galit ni kuya Ace. Wala naman ako kasalanan ahh bakit siya nagagalit sa akin.