Kilala mo ako, napatingin sa akin ang babae, ang lakas ng kabog ng dibdib ko halos hindi na rin ako makahinga sa subrang bilis ng t***k ng puso ko. Napatango na lamang siya sa akin. Madami akung gustong tanungin sa kanya pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Napatingin ako kay James David, nakatulog na siya sa sofa. Dahan dahan akung lumapit sa kanya, nanginginig ang aking kamay. Luhaan akung nakalapit sa kanya, at hinaplos ko ang maamo niyang mukha. Hindi na ako magtatanung sa kanya kung anak ba ni kuya ang bata na to. Kasi alam ko na ang sagot. Sorry hi-hindi ko alam na my anak na pala si kuya, eto ba ang sinabi niya sa akin noon bago siya mawala ang hanapin ko kayu. "Hanapin mo sila, ikaw na bahala sa kanila". Mga salitang hindi ko makakalimutan na sinabi ni kuya sa akin

