Two weeks later. "Good morning, mommy!" Bumukas ang pinto ng opisina ni Heaven at pumasok ang mag-ama. Ugh! Hindi siya tinantanan nito magmula noong nag-usap sila ni Alfonso mas lumala pa ata. Hawak sa kabilang kamay, pumasok ang mag-ama na nakangiti. May dala pang paper bag si Alfonso na sa tingin niya ay pagkain. Damn! Mas nakaka-stress pa 'to kaysa sa trabaho niya. "Hi, mommy," Winona said cheekly. "Inaraw-araw niyo na ang pagpunta dito, ah?" Ibinaba niya ang ballpen na hawak at pinag-krus ang kamay habang nakataas ang kilay na nakatingin sa dalawa. "Dinalhan ka namin ng pagkain." Hindi pinansin ni Alfonso ang sinabi ni Heaven at inilapag ang paper bag sa mesa. He lifts Winona onto the couch and starts to take the food outside the bag. Heaven rolled her eyes. May magagawa pa ba si

