Chapter Ten

4244 Words
"RAZZ! Let's talk!" narinig niyang sigaw ni Marvin mula sa labas ng Dental Clinic niya. Naroon siya sa loob niyon, doon siya tumakbo matapos marinig ng sarili niyang tenga ang isang katotohanang tila isang bomba sumabog sa harap niya. She just heard him confess his feelings for Annie. Nakita pa niya nang halikan ito ni Annie sa sobrang tuwa at yakapin ng mahigpit, pati ang pagganti ng yakap ni Marvin ay nakita rin niya. Nagpunta siya sa bahay ni Lolo Badong matapos siyang kausapin ng masinsinan ng mga kaibigan niya. Pinayuhan siya nitong matapang na harapin si Marvin. Ang sabihin ng dapat nitong malaman tungkol sa tunay niyang damdamin para dito. Ang makapantay sana kahit paano kay Annie. Para maging patas ang laban. Pero ano pang laban ang gagawin niya? Nagsisimula pa man din siyang umabante, talo na agad siya. At sa puntong iyon, gusto niyang sisihin ang sarili. Masyado niyang kinulong ang sarili sa lungkot na nararamdaman niya. Nagpatali siya sa sakit na dinulot ng biglang pagdating ni Annie sa buhay nila. Nakalimutan niyang minsan sa pag-ibig, hindi ka magwawagi kung hindi ka lalaban. Ngayon, wala na si Marvin. Si Annie na ang nagma-may-ari sa puso nito. Lumalabas lang na kahit na sinabi nito na mahal din siya nito. Naging mas matimbang pa rin kay Marvin ang matagal na pinagsamahan nila. Sabagay, kasalanan din talaga niya ang lahat. Noong una, inaway niya ito dahil sa ginawa nitong pamamahiya sa kanya noong high school sila. Dinala niya iyon sa mahabang panahon. Pilit niyang itinanggi at tinago ang pagmamahal niya dito. Nang magkaayos naman sila, ni labanan pa rin niya ang nararamdaman para dito. Hinayaan niyang mawala ito, kaya sa huli tuluyan na nga itong napunta sa pagmamahal ng iba. "Umalis ka na!" sigaw niya dito. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo nag-uusap!" sagot naman nito. "Para ano pa? Para maisampal mo sa mukha ko na hindi ako ang mahal mo! Na si Annie ang pinili mo!" "Hindi totoo 'yan!" mabilis na tanggi nito. "Umalis ka na!" pagtataboy niyang muli dito. "Buksan mo kasi ito! Mag-usap tayo ng maayos!" Hindi na siya sumagot. Imbes na pagbuksan ito ng pinto. Naupo siya sa sofa sa receving area at doon niya binuhos ang lahat ng sama ng loob niya. Ang lahat ng sakit na naipon nitong mga nakaraang araw na kinimkim niya. Ngayon wala na si Marvin ng tuluyan sa buhay niya. Hindi niya alam kung paano at saan magsisimula. At sa tuwina, nagre-replay sa utak niya ang tagpong nasaksihan niya kanina. Parang paulit-ulit na nadudurog ang puso niya. Kung sana'y nagkaroon siya ng lakas ng loob para harapin ang damdamin niya para kay Marvin, hindi sana siya nahihirapan ng ganoon. "Razz!" Hindi pa rin siya sumagot. Mayamaya, nagulat na lang siya ng biglang bumukas ang pinto. Puwersahan nitong binuksan iyon. "Bakit mo sinira ang doorknob ng clinic ko? Umalis ka na nga!" pagtataboy na naman niya dito. "Kahit na ilang doorknob ang sirain ko, wala akong pakialam! Ang mahalaga sa akin ang makita kita at makausap kita!" sagot nito. Nilapitan siya agad nito. Lumuhod pa ito sa harapan niya at kinulong siya sa pagitan ng mga bisig nito, sa pamamagitan ng paglapat ng mga palad nito sa pader. "Ano pa ba ang kailangan natin pag-usapan?" "Iyong sa atin, ang pagmamahalan natin." "Pagmamahalan? Natin? You made your choice. At hindi ako 'yon! I saw you! I heard you! Hindi ako tanga para hindi ko malaman ang ibig sabihin ng lahat ng nasaksihan ko!" "Then, hindi mo pinakinggan lahat." "Para ano? Para mas lalo na akong masaktan. Tama na, Marvin. Noon hanggang ngayon, palagi na lang akong nasasaktan. Inakala ko noon na ako ang mahal mo dahil iyon ang sinabi mo sa akin. Pero nagkamali ako, ng dumating si Annie. Sa isang iglap, nakalimutan mo na agad iyon." "Hindi totoo 'yan. Kung anong sinabi ko sa'yo noon. Iyon pa rin ang sasabihin ko sa'yo ngayon. Ikaw ang mahal ko. Noon pa man, hanggang ngayon. Ikaw lang babaeng minahal ko ng ganito." Tumawa siya ng pagak sa pagitan ng pagluha. Pagkatapos ay umiling siya, inipon niya ang lahat ng lakas para maitulak ito. Nang magtagumpay siya, agad siyang tumakbo palabas ng Clinic niya. Pero agad din siyang naabutan nito pagdating nila sa tapat ng Kid's Corner. "Will you stop running away from me?" "Bakit? Nasasaktan ka sa tuwing tinatalikuran kita at tumatakbo ako palayo sa'yo? Ha Marvin?" "Razz, ayusin natin ito please. Hindi lang ikaw ang nahihirapan dito. Pati ako." Pakiusap pa nito. "Sana noon mo pa sinabi na hindi ako ang pinili mo, baka mas naging madali para sa akin ito. Hindi iyong ganito. Katakot-takot na sakit ang dinala mo sa akin. Dahil sa bawat araw na nagdadaan at nakikita ko kayong halos maghalikan. Parang paulit-ulit na pinapatay ang puso ko. Kung alam ko lang na magiging ganito ang lahat, sana noon pa lang. Tinuruan ko na ang sarili kong kalimutan ka." Buong emosyon niyang paglalahad. "Alam kong nasaktan kita. Pero wala akong magawa, nanguna sa akin ang awa para kay Annie. Buo ang pag-asa niya na siya pa rin ang mahal ko. Nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa'yo. Nagmakaawa siya na bigyan ko siya ng panahon para patunayan ang sarili niya. Hindi na ako makatanggi. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya pumayag ako." Paliwanag nito. Lalo siyang napaiyak sa narinig. "Kaya ako ang napili mong iwan sa ere. Hinayaan mo akong maiwan na parang nangangapa sa dilim, na parang hindi ko alam kung darating ka pa para kunin ako. Hinayaan mong ako ang masaktan kaysa kay Annie. Hindi mo masabi sa kanya ang totoo dahil ayaw mo siyang masaktan? Eh ako, naisip mo ba kahit isang beses na sa ginawa mo. Nagmukha akong tanga na umaasa sa wala? Na higit sa kahit kanino, ako ang unang-una mong nasaktan!" "Masyado mong pinag-ingatan ang puso niyang mawasak. Habang ang puso ko ay halos magkapira-piraso sa sobrang sakit dahil sa pambabalewala mo sa nararandaman ko. Ngayon mo sabihin sa akin na ako ang mahal mo. Kung talagang ako ang mahal mo, hindi ba dapat hindi mo na pinaabot sa ganito?" "Patawarin mo ako, Razz." Naluluha nang wika ni Marvin. Pinagmasdan niya ang itim na mga mata nito. Nababanaag niya doon ang sinseridad nito sa paghingi ng tawad sa kanya, at sa pagsisisi nito. Hinaplos niya ang mga pisngi nito. "Mahal na mahal pa rin kita, Marvin." "Mahal na mahal din naman kita," "Pero ngayon, ako naman ang humihingi sa'yo ng panahon. Para mahilom ang sugat sa puso ko. Gusto ko munang mawala ang sakit na nararamdaman ko. Ang nais ko sana, bigyan mo ako ng panahon para mabawasan ang lahat bigat sa dibdib ko. Gusto munang pulutin muli ang nagkapira-pirasong puso ko, para mabuo ko ulit ito. Nang sa ganoon, kapag dumating ang araw na handa na ulit akong harapin ang pagmamahal mo para sa akin. Kaya na kitang mas mahalin pa ng higit sa buhay ko." "Razz, no..." Hindi na siya sumagot pa, humakbang siya ng isa paatras. Pagkatapos ay malungkot na ngumiti siya dito. Parang gusto niyang bawiin ang lahat ng sinabi niya ng makita niyang tumulo na rin ang luha nito. Nagmamakaawa ang mga mata nito. Pero kailangan niyang tatagan ang loob. Sa loob ng ilang linggo. Wala na siyang ginawa kung hindi ang intindihin at tanggapin ang sitwasyon nito kay Annie, kahit na ang sariling damdamin ang nasasakripisyo. Ang maghintay kahit na aminado siya na wala naman kasiguraduhan ang magiging desisyon nito. Ayos na sana ang lahat sa pagitan nila. Kaya sana niyang tanggapin ang pag-ibig nito, ang kaso ay naunahan na ng napakaraming masasakit na pangyayari ang lahat. Ang higit na hindi niya matanggap ay ang damdamin niya ang pinili nitong isakripisyo sa kabila ng katotohanan na siya ang mahal nito. "Please, Razz. Pag-usapan natin 'to. I'm sorry!" pagmamakaawa nito. Mabilis siyang tumalikod. Hindi niya kayang makita itong lumuluha. Nasasaktan siya lalo. Kung hindi lang niya kailangan ng sapat na panahon para matanggap ang lahat. Baka kanina pa niya tinanggap ang pag-ibig nito. Sa bawat hakbang niya palayo dito, mas doble ang sakit na dulot niyon. Mas higit na parusa ang dala sa kanya. Pero gaya nito, wala siyang magawa. Iyon ang alam niyang tamang gawin. "Razz!" sigaw nito. Mahal na mahal kita, Marvin. Pero nasasaktan na ako ng sobra... "HI Doktora!" Napalingon si Razz, pero agad din naman siyang napangiti ng makita si Marisse at ang iba pa niyang mga kaibigan. Kumakaway pa ito habang nakasungaw ang mga ulo nito sa pinto ng Dental Clinic niya. "Hi Girls! Pasok!" anyaya niya sa mga ito. Pagpasok ng mga ito. Agad siyang sinalubong ng mga ito ng mahigpit na yakap. "Na-miss ka namin, bruha!" sabi ni Jhanine. "Oo nga, ikaw naman kasi. Ang tagal mong nawala." Sabi naman ni Sumi. "In fairness, ang tagal mong mag-drama." Ani Kim. "Ganoon talaga siguro. I needed time to heal everything." Sagot naman niya. "Grabe no? Imagine, two weeks ka rin pala sa America." Komento naman ni Sam. Napabuntong-hininga siya. Ilang araw matapos ang komprontasyon nila ni Marvin. Nagdesisyon siyang lumipad sa America, para doon makapag-isip. At the same time, visit her parents there. Kahit na labag sa loob niyang gawin, kinailangan niyang tikisin ito. Bigyan ng panahon ang puso niya para muling mabuo iyon. Maraming beses siyang nakatanggap ng text message at private message sa f*******: niya galing kay Marvin. Paulit-ulit itong humihingi ng tawad at humihingi ng isa pang pagkakataon. Maging ang pagsunod nito sa kanya sa America ang nais nitong gawin para lang mapatunayan nito ang pagmamahal sa kanya. Mabuti na lang at napigilan niya ito. Tila napanatag ang loob nito ng sumagot siya sa isa sa mga mensahe nito at sabihin niyang, uuwi din siya at mag-uusap sila. Ilang oras pa lang ang nakakalipas simula ng makauwi siya. At sa kanyang muling pagtuntong sa pinakamamahal na Tanangco. Tangan pa rin niya ang pusong nagmamahal, ang pusong handang tumanggap at magpatawad. Hindi pa ganoon naghihilom ng isang daang porsiyento ang sugat. Sa palagay niya, maghihilom lang ng tuluyan iyon kung makikita niyang muli ang lalaking pinakamamahal niya. Dahil sa kabila ng nangyari, she still loves him so much. "Tara, bonding naman tayo! Two weeks kang nawala eh!" yaya sa kanya ni Marisse. "May ginagawa pa ako dito. Mamaya na lang." tanggi niya. "Ay! I won't take "No" for an answer." Sagot naman ni Marisse. "Oo nga, besides, magpahinga ka muna. Bukas ka na magbutingting dito sa clinic mo." Sang-ayon naman ni Sam. Napabuntong-hininga siya. "Sige na nga," pagpayag niya. Tutal naman mag-aalas sais na rin iyon ng gabi. Besides, na-miss din niya ang mga kaibigan niya. "Yehey! Let's go!" sabay-sabay na wika ng mga ito. Pagakatapos ay agad siyang hinila palabas ng Dental Clinic. PAGDATING sa tapat ng tindahan ni Kim. Agad na lumingon si Razz sa bahay na nasa likod niya. Sarado ang malaking gate niyon, ang mansiyon ng mga Mondejar. Ano kayang ginagawa ni Marvin ngayon? Alam kaya nito na nakauwi na ako? Tanong niya ng magkasunod sa kanyang sarili. And how she missed him. Sa paglayo niya ng dalawang linggo. Napatunayan niyang sa kabila ng naging problema sa pagitan nila. Hindi nagbago ang nararamdaman niya para dito. At kung may nagbago man, iyon ay mas lalo itong napamahal sa kanya. At ngayon nga, handa na siyang muling harapin ito. Hilumin ng tuluyan ang mga sugat. Nakalipas na ang mga araw na puno ng pagluha. Ngayon na ang oras para malaman nitong, wala siyang minahal sa buong buhay niya kung hindi ito lamang. "Here, mag-softdrinks ka muna." Alok sa kanya ni Kim. Inabutan siya nito ng isang maliit na bote ng softdrinks. "Thanks," Ilang sandali pa ang nakakalipas, napapitlag siya ng biglang pumailanlang ang malakas na musika sa buong paligid. Tila isang banda ang tumutugtog niyon, nabaling ang atensiyon niya ng biglang bumukas ang malaking gate ng mga Mondejar. At laking gulat niya ng makitang sa loob niyon ay nagmistulang isang grupo ng banda ang magpipinsan. Si Jefti sa gitara, si Wesley sa bass guitar, si Kevin sa piano organ, si Jester sa drums. Umahon ang kaba sa dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung para saan ang kabang iyon. Isang tao lang ang agad na rumehistro sa isip niya, si Marvin. "Ano na naman ang trip n'yong magpi-pinsan?" tanong niya kay Marisse. "Basta Girl! Manood ka! At siguraduhin mong nasa mabuting kondisyon ang puso mo, dahil ako na ang nagsasabi sa'yo! Kikiligin ka ng bonggang bongga!" excited na sagot ni Marisse. Matapos marinig ang lahat ng sinabi nito, mas lalong kumabog ang puso ni Razz. At sa bawat segundong dumadaan, katumbas niyon ang sampung doble ang lakas ng kaba niya. At gustong tumalon ng puso ni Razz nang sa wakas ay lumabas na sa mula sa loob ng bahay ang kanina pa hinahanap ng mata niya, maging ng puso niya. Si Marvin at may hawak itong mikropono, saka nilagay sa mic stand ang hawak nito. Hindi napigilan ni Razz na humugot ng malalim na hininga. Gusto niyang kalmahin ang puso niyang nagwawala sa mga sandaling iyon. Agad na nakilala nito ang lalaking pinaglaanan niya ng pag-ibig. Hindi niya magawang alisin ang paningin sa guwapong mukha nito. He looks so hot and gorgeous on his simple white t-shirt and faded maong pants and white sneakers. May suot din itong dog tag necklace. Napansin din niyang umigsi ang buhok nito, at mas bumagay ito dito. All in all, he is a total hotness. Kaya hindi na rin siya nagtataka kung bakit halos hindi pakawalan ni Annie ito. Sino nga ba ang mag-aakala na ang ganito ka-guwapong lalaki ay iniibig siya? Halos natunaw ang puso niya sa sobrang kilig ng magsimula itong kumanta. Hindi niya akalain na maganda pala ang boses nito. Mas lalo itong gumwapo sa paningin niya. Mas lalo siyang na-in love dito. "For all this time, I've been loving you Girl. Oh yes, I have. And ever since the day you left me here alone. I've been here trying to find oh the reason why... And I swear, if you come back in my life. I'll be there till the end of time. And I swear, I'll keep you right by my side coz baby, you're the one I want. Oh yes you are..." Napuno ng saya ang puso niya, kinikilig siya hanggang sa mga sandaling iyon. At sa bawat lyrics ng kinakanta nito ay humahaplos sa damdamin niya. Mas lalo itong napapamahal sa kanya. Hanggang sa namalayan na lang niya ang sarili na tila panatag ang kalooban. Nang matapos ang kanta ay tinitigan siya nito mula sa malayo, then he smiled at her. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya. "Akala ko hindi na kita makikita," anito. "I told you I'm coming back." Sagot niya. "Pero natakot pa rin ako." "Why? Hindi ka nagtitiwala sa akin kung ganoon?" "No, I trust you. But, I was scared that you might leave me, because of the pain that I caused you." "Marvin," "I missed you," anito. "I missed you too," sagot niya. "This time, hayaan mong ako naman ang magsasalita. Hayaan mong sabihin ko sa'yo ang lahat." Anito. "Okay." "Alam kong ilang beses na kitang nasaktan. And I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko ginustong makitang umiiyak ka. And God knows how much I hated myself for hurting you so bad. I was so careful to hurt somebody else's heart, ang hindi ko namamalayan. Ikaw ang dapat ang pino-protektahan ko, ang siyang sinaktan ko. At kung kinakailangan kong humingi ng tawad sa'yo ng paulit-ulit. Gagawin ko. Huwag ka lang mawala sa buhay ko." Hindi alam ni Razz kung paano niya nagawang lumayo sa piling nito ng dalawang linggo. Sa isang iglap ay gusto niyang pagsisihan ang desisyon niyang iyon. Pero nangyari na ang lahat, ang importante, magkasama na sila ngayon at narito ito sa harap niya at humihingi ng kapatawaran niya. "Hindi ko alam kung paano ako naka-survive sa buhay ko ng wala ka. I've been miserable those days. And I don't want to feel that emptiness again. Hindi ko na matandaan kung kailan eksakto ko naramdaman ito. Basta ang natatandaan ko lang, high school pa lang tayo nang makuha mo ang atensiyon ko. Yes, magkakilala na tayo mga bata pa lang dahil dito tayo sa lugar na ito nakatira. Pero nang araw na iyon ng makita kita sa loob ng gymnasium ng school natin. You caught me off guard. For the first time, I saw you as a full-bloom fine young lady. Sa bawat ngiti mo, sa bawat paggalaw ng buhok mo. Hindi ko na maialis ang paningin ko sa bawat kilos mo. I knew then, it's love. And from that moment, I knew it was you. The love of my life. Ang babaeng mamahalin ko hangga't nabubuhay ako." "Simula noon, hindi na ako tumigil ng pagmamahal sa'yo. And I've kept that feelings for you since then, wala akong pinagsabihan sa mga pinsan ko bukod kay Marisse. Kaya naging mahirap para sa akin ng magalit ka at hindi ako pansinin ng ilang taon. Kaya nagkasya na lang ako noon sa pagtanaw sa'yo sa malayo." Hindi na niya napigilan ang sarili, siya na ang mismong yumakap ng mahigpit dito. Sa loob ng maraming taon na lumipas, inakala niyang siya lang ang nagmamahal. Hindi niya akalain na may gusto din pala ito sa kanya noon pa man. "Mahal na mahal na mahal kita, Razz. At wala akong pinangarap na babaeng mamahalin ko kung hindi ikaw lang." bulong nito sa kanya, habang mahigpit din itong nakayakap sa kanya. "Mahal na mahal din kita, Marvin. I'm sorry, kung umalis ako. I just have to do what I thought the best back then." Sagot niya. "Ang mahalaga, nandito ka na kasama ko. At hindi na ako papayag na muli pa tayong magkahiwalay. At hindi na rin ako papayag na may taong mamamagitan muli sa atin. I lost you twice, and I don't want to try to live another day without you. Because the hardest part of in my life, is not being by your side when the days I wanted to tell you how much I love you." Buong pagmamahal na wika ni Marvin sa kanya. Naramdaman pa niya ng halikan siya nito sa buhok. "Kaytagal kong hinintay na maiparamdam sa'yo na mahal kita. Na sa buong buhay ko, wala akong ibang minahal kung hindi ikaw lang. Kahit na ilang Annie pa ang dumating, hindi na ako papayag na maagaw ka nila sa akin." nakangiting sagot niya dito. "I'm in love with you from the start, Razz. And I'll be loving you 'till the end." Lalong napuno ng saya ang puso niya. Sa kabila ng matinding pagsubok na dinaanan nila. Sa bandang huli, God gave them His promise of being with the love of her life. Ngayon nga, narito na siya sa loob ng bisig ng lalaking pinakamamahal niya. Maaari na niyang sabihin ang "home at last". Bahagya siya nitong nilayo, saka tinitigan siya nitong mabuti. Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya. "God, you're so beautiful." Paanas nitong sabi. Ngumiti siya. "I love you so much, Marvin." Sabi niya. "I love you so much too," sagot naman nito. Pagkatapos ay tinawid na nito ang pagitan nila, saka sinakop nito ang mga labi niya. Napapikit siya saka yumapos sa leeg nito. Gumanti siya sa mga halik nito. Siya na yata ang pinakamasayang babae sa buong Tanangco sa gabing iyon. Wala na siyang mahihiling pa. Dininig na ng Diyos ang matagal niyang panalangin. Ang mahalin ng lalaking pinapangarap niya. Pagkatapos ay narinig nila ang malakas na palakpak ng mga tao sa paligid nila. Nang maghiwalay sila ay muli silang nagyakap. "Promise me, you'll never leave me again." Bulong nito sa kanya. "I promise." Sagot niya. "Yehey! Bati na sila! Happy ending na naman!" malakas na sigaw ni Marisse. "Oy teka Marisse! Penge naman ako n'yang bulate!" sabad naman ni Wayne, ang tinutukoy nitong bulate ay ang panindang candy na Gummi Squiggles. "Ang sarap pala ng Pating ano?" sabi pa ni Glenn. Ito naman ang candy na kulay blue at korteng pating. "Mas masarap kaya itong paru-paro," komento naman ni Mark, ang kinakain naman nito ang candy na korteng butterfly. "Hoy! Bayaran n'yong lahat ng kinuha n'yo!" singhal ni Marvin sa mga pinsan. "Mommy! Bili tayo nung kinakain nung Ate na matakaw!" narinig nilang sabi ng batang lalaki. Napangiti si Razz, kilala niya ito. Si RR Jr., ang anak ng kaibigan at kapitbahay din nilang si Panyang. "Sino diyan, anak?" tanong ni Panyang. "Ayun po oh! Iyong may hawak na parang bulate!" sagot naman ng bata, sabay turo kay Marisse. "Ate Panyang! Grabe naman 'yang anak mo! Kung makaturo ng matakaw, wagas!" reklamo ni Marisse. "Mamigay ka kasi, bawal ang madamot dito sa Tanangco lalo na sa mga bata! Matakot ka nga sa bangs ko!" sagot pa ni Panyang. "Mamaya na, may eksena pa dito." "Uy Oo nga! Anak, mamaya na ang bulate mo. Nood muna tayo dito, ay ayun ang Ninong mong may edad na't napapanot. Olay!" Napailing si Marvin. "Walang kupas ang bunganga ng babaeng 'yon," komento nito. Natawa na lang siya. "Oh ano, apo? Tapos na ba ang concert mo dito?" tanong pa ng Lolo Badong niya. "Opo, 'Lo. Sa wakas! Natupad na isa sa pangarap ko." Sagot ni Marvin. "Mabuti naman kung ganoon. Para kami naman ang magra-rock en roll ng mga pinsan mo." Sabi naman ni Lolo. "Ano pong kakantahin n'yo Lolo?" tanong ni Razz. "Eh 'di yung kay Bon Jovi. Bed of Roses." Sagot naman nito. Nagtawanan sila sa sagot ng makulit na matanda. Mayamaya ay lumabas naman si Lola Dadang, laking gulat nila ng makita nilang may hawak itong iPad. "Ay Darling, nag-comment si Pareng Ramon sa post mo sa facebook." Anito. "Ni-like ba 'yung post ko?" tanong ni Lolo Badong. "Oo," "Si Pareng Manny ba nai-follow back mo sa twitter?" tanong ulit ni Lolo Badong. "Oo, tapos na. Ay teka, may nag-tweet sa akin." "Dadang, bilisan mo diyan. Maglalaro pa ako ng tetris." Napuno ng malakas na tawanan ang buong Tanangco. Kaya siguro nananahimik ang dalawang matanda nitong mga nakaraang araw, mukhang nag-aral mag-internet. "Pambihira si Lolo! May twitter, tinalo pa ako." Reklamo ni Marisse. "Oh game na! Taguan na!" sigaw ni Marvin. "Okay sino taya?" tanong naman ni Gogoy. "Jester, ikaw na lang." sagot niya sabay turo sa binanggit. "Sam!" Napalingon silang lahat sa tumawag sa kaibigan nila. Nagulat pa sila ng tumili ng malakas si Sam at sinugod ng yakap ang bagong dating na maganda at singkit din na babae. Base sa itsura nito, mukhang chinese ito. "Kamille! Mabuti naman at dumating ka na! Sayang, hindi mo na-witness ang true love experience kanina." Sabi pa ni Sam. "Mukhang nagkakasayahan kayo ng mga kaibigan mo. Ano bang meron?" tanong pa nito. "Magtataguan kami, dalawa dapat ang taya. At since na bagong dating ka, kayo na lang ni Jester ang taya." Sabi pa ni Sam. Kumunot ng noo ang babaeng tinawag na "Kamille" ni Sam ng makita si Jester. "Puwede bang iba na lang? Ayoko sa kanya!" nakasimangot na wika nito. "Ang arte mo naman! Ayaw mo sa akin, ako lang ang pogi dito!" "Hambog!" "Oh mamaya na kayo magbangayan, taguan na muna!" malakas na sigaw ni Miguel. "Kayong dalawa ang taya," "Halika na, tago na tayo!" yaya ni Razz kay Marvin. Saka niya hinila ito. Pero agad din naman nito siyang pinigilan. "Oh bakit? May problema ba?" tanong niya. "Oo," malungkot nitong sagot. "Ano? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ulit niya, sinalat niya ang noo nito gamit ang palad niya. "Hindi ka naman mainit ah." "Gusto ko kasing magpasama sa'yo," anito. Kumunot ang noo niya. "Saan naman?" tanong niya. "Have you ever thinking of being with me forever?" balik-tanong ni Marvin sa kanya. Napangiti siya. "Nagpo-propose ka ba n'yan?" Umiling ito. "Hindi. May gusto lang ako baguhin sa'yo." Sagot naman ni Marvin. "Ano?" "I want to change your last name." sagot ulit nito. "Puwede mo ba akong samahan sa habang buhay, Miss Magalpok?" Nag-umapaw ang saya sa puso niya. Kanina lang, pinatunayan nito kung gaano siya kamahal nito. Ngayon naman, gusto nitong patunayan na handa itong mabuhay kasama niya. "I've been praying for this moment. I ask God to gave me another chance and I'll correct all my mistakes. And I won't let this chance pass by without saying this to you." Tinaas nito ang suot nitong dog tag necklace, saka lang niya napansin ang singsing na kasamang nakasabit doon. It's an engagement ring. "Marry me, Razz." Umagos ang luha niya na dala ay pang habang buhay na kaligayahan. Kung ito ang kapalit ng lahat ng paghihirap niya. Masasabi niyang wala siyang pinagsisisihan. Isang napakalaking regalo galing sa langit ang muling ibalik ng Diyos ang lalaking dati'y tila isang pangarap lang. And God is so good to give her a bonus. Mahal din siya ng lalaking naging laman ng panaginip niya. Tumango siya, kasabay ng pag-apaw ng kaligayahan sa puso niya. "Yes, I will marry you." Lumuluhang sagot niya. Muli siyang niyakap nito ng mahigpit. Wala ng makakapantay sa sayang nararamdaman nilang dalawa sa mga sandaling ito. Ano pa nga ba ang hihilingin niya? Sa pagkakataon na iyon, kuntento na siya sa buhay niya. She found a man who's worth loving for. A man who love and feared God. A man that can make her happy for the rest of her life. Ang lalaking makakasama niya sa hirap at ginhawa. Si Marvin. "I love you," bulong nito. "I love you too." Sagot naman niya. Then, they kissed again. Thank you po! Ang bait n'yo talaga Lord! **THE END/WAKAS**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD