Fought with the Queen Bee

2683 Words
Nagising ako dahil sa paulit ulit na pagkatok, ngunit binalewala ko lang at hindi nag-abalang pagbuksan ang sino mang pangit na kumakatok. I'm tired—galing ako sa isang gang fight kagabi dahil ang boring dito sa mansion. Napagdesisyunan namin ni Chester na dito muna kami para may magbantay kay Sky kapag may pasok kami. Hindi naman maaring iwan naming siya sa aking condo mag-isa baka kung ano pang mangyari sa kanya. “Ma'am Cheska pinapagising po kayo ni Sir Chester dahil may pasok pa po kayo.” Si manang Rosseta pala ang kumakatok, I mentally apologized for what I mentally said to someone knocking earlier. “Manang pakisabi 5 minutes po,” Tamad kong sabi at binalot ang sarili ko sa kumot. “Pero maam—“ Aangal pa ito ngunit inunahan ko na. “Please...ako na bahala kay kambal.” “Sige po ma'am,” Pagsuko niya. “And manang wait...I told you drop that ma'am thing.” Pahabol ko, she’s here since I don’t know when. Siya na ang tumayong ina simula nang mawala si mommy. Apart from dad, she’s one that we respect most. “Okay ma—Cheska baba na ako.” Narinig ko ang papalayong yabag niya. Gumulong ako sa higaan kaya lalong bumalot sa akin ang kumot.  Gusto ko lang matulog, Friday naman kaya wala sigurong gaanong gagawin sa school. Pikit ang mata nang marinig ko ang pagtunog ng door knob na para bang in-i-unlock ito. Isinawalang bahala ko lang ito at muling nagpatawag kay antok. Napamulagat ako nang may sapilitang humihila sa kumot ko. Aba’t wlangyang tsonggong nilalang ‘to a! “Ano ba?!” Bulyaw ko kay Chester, wala namang ibang nanggugulo ng buhay dito sa bahay kung hindi lamang siya. “Bumangon ka na, we're getting late!” Pagsagot niya. “I'm not going. I'm tired, I need a rest,” sagot ko at hinila ko ang kumot sa kanya. Ngunit hinila niya ulit ito kaya sa huli naghilaan na kami. “Ang kulit mo naman e, sabi ko naman ayaw ko munang pumasok,” Pinutol niya ang sasabihin ko. “Kasi pagod ka. Akala mo ba ‘di ko alam na umalis ka kagabi huh? And I'm sure isa lang pinuntahan mo. How many times do I have to tell you okay lang sakin yang gang mo pero—” Ako naman ang pumutol sa sasabihin niya. “Pero kailangan ko munang magpaalam sayo para di ka nag-aalala. Psh... Hindi ba nga kasasabi mo lang na alam mong umalis ako kagabi. So hindi ko na kailangan magpaalam dahil alam mo na can you please...iwan mo muna ako.” Pagtataray ko sa kanya at malakas na inagaw ang kumot at muling nagtalukbong. Pero pinaglihi yata sa manggang pilit na pinahinog ang kakambal ko at sobrang mapilit. “No! Bumangon ka riyan at may pasok pa tayo,” Salubong na ang klay nito, at lumalim na ang boses. “That's an order and don't you dare disobey it Ms. Moone Cheska Ford.” Pagkatapos niyang sabihin lumabas na siya ng kuwarto, he's serious at ayaw ko nang palalain pa dahil iba magalit ang tsonggo. Pinaikot ko ang bilog ng mata ko, naku nakapanggigil ang lalaking iyon. Magagantihan din kita. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa aking kwarto at saka bumaba sa hagdan na parang prisesa. Habang bumababa nakita ko ang magaling kong kambal na napakabusy sa pagkukulikot sa kanyang phone. Si Sky naman ay nasa tabi niya habang pinapanood ng paborito niyang Spongebob. Nang mapalingon siya sa direksyon ko agad siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. “Good morning mommy!” Bati niya sabay halik sa 'king pisngi ganon din ang ginawa ko. “Good morning baby, how's your sleep?” Tanong ko habang kinakarga siya. “Its fine mommy.” Sagot nito. Liningon ko naman si Chester na ngayo’y nakamasid sa 'ming dalawa. “Good morning.” Labag sa loob kong bati rito. “Good morning, mabuti at napagtanto mo na tama ako kaya sinunod mo ako.” He, as if naman. “Oo nga eh? Kaya nga gusto kong magpasalamat sayo, and because of that I have a present for you my twin brother.” Malambing kong wika, binaba ko naman si Sky na dumiretso agad sa harap ng TV upang ituloy ang pinapa nood. “Really twin sissy what is it?” Kuryoso niyang tanong, nginisihan ko naman siya. Mukhang napagtanto niya ang binabalak ko ngunit huli na ang lahat. Mablis kong siyang sinuntok at ngayon ay kahalikan niya na ang aking kamao. “What the fu…” Hindi niya tinuloy ang tangkang pagmumura dahil sa presensya ni Sky. Muli ko namang ibinuwelo ang aking kamao ngunit mabilis na niya itong naiwasan. Dinilaan niya ang dugo sa pumutok niyang labi. Pagkatapos ay siya naman ang sumugod patuloy lang kami sa pagbibigay at pag iwas ng suntok sa bawat isa nang biglang dumating si manang Rosetta. “Naku magsitigil kayong dalawa!” Sigaw nito habang hawak ang dibdib dahil sa nerbyos. Lagi kaming ganito, pero hindi siya masanay sanay.           “Hindi niyo ba alam na nasa harapan kayo ng bata? Bakit niyo hinahayaang panoorin niya yang pagbubugbugan niyo? Gusto niyo bang gayahin niya kayo ha? Talaga kayong kambal kayo nakakastress kayo.” Ngayon ay sa ulo naman niya ito humawak na tila sobrang problemado sa aming dalawa. “Pasensya na po manang di na po mauulit.” Paumanhin ng kakambal ko.  Tsk, lagi namang ganyan ang sinasabi niya e. “Naku, huwag niyo akong pangakuan, gawin niyo.” Kita mo? Mahina na lang akong natawa saka binelatan si Chester. “Oh siya sige na halina kayo at bang makapag-almusal na kayo.” Anyaya ni manag saka nauna nang nagtngo sa kusina. Binuhat ko si Sky at sumunod na sa kusina. Nakasunod naman sa akin si Chester. Nagsimula na kaming kumain nang biglang magsalita si Sky, kaya napatingin kami sa kan’ya. “Mommy?” Pagsisimula niya. “Yes baby, what is it?” Tanong ko naman. “Can I come with you?” Nagtinginan kami ni Chester, ngunit sa huli ay nagkibit balikat lang ito. “To our school?” Paniniguro ko, at tumango naman ito. “But baby we're not in the same school, lumipat kami ni Tito Chester mo kaya wala kang pupuntahan dun.” Pagkasabi ko noon ay nakita ko namang lumungkot ang mukha niya. Napabuntonghinga naman ako.  “But… if you really want to come pwede namang sumama ka kay manong berto sa pagsundo sa 'kin mamayang hapon.”Pagbawi ko. Bigla namang nagliwanag ang mukha niya. “Really mommy?!” Tumango ako bilang sagot. “Thank you mommy, I love you.” Bumaba siya sa kinauupuan at nagtungo sa puwesto ko upang humalik sa aking pisngi. “Okay, eat your food,” Masaya naman itong sumunod at magiliw na kumain. Ngiti ko lang siya tinititigan, parang nawala ang bad vibes ko sa katawan dahil sa kanya. “Okay cut the sweetness let's go tombs male-late na tayo.” Tumayo na ito at nagpaalam kay Sky bago lumabas. Susunod na rin sana ako ngunit may nakalimutan pa pala ako. “Manang? Nasaan nga po pala yung first aid kit?” Nasa kusina ito at nagsisimula nang magligpit ng pinagkainan. “Saglit lang iha at kukunin ko.” Umalis siya saglit at pagbalik niya ay may hawak na siyang maliit na puting box na may tatak na pulang cross. “Thank you po manang at pakisabi po kay manong Berto isama niya si Sky mamaya kapag sinundo niya ako.” Bilin ko pa bago umalis. Pagkalabas ko dumiretso ako sa garahe at nadatnan ko doon si Chester na nakasandal sa hood ng kanyang kotse. Nang makita niya na akong paparating ay tahimik itong nagtungo sa passenger seat kaya madali rin akong pumasok sa kotse.             Sa loob ng halos kalahating oras patungong eskwelahan ay walang ni isa ang nag-imikan sa amin. Halatang masama ang loob ng aking kakambal. Nang makarating kami ay direretso lang ulit ito. “Chester!” Sigaw ko habang hinahabol siya ngunit wala pa rin. Grabe ba ang inis niya sa 'kin?  “Uyy Kambal, galit ka ba sa akin?”Tanong ko ngunit masamamang tingin lang ang kanyang isinagot. “Uy sorry na di ko naman sinasadya–kasalanan mo naman kasi eh?” Paninisi ko pa sa rito. “Hoy! Chester ano na?” Nagsisimula na akong mainis sa tsonggong ‘to e. Kakapilit ko sa kanya ay hindi ko napansing nasa classroom na pala kami. Dumiretso siya sa upuan niya kaya tumabi naman ako. Linabas ko ang first aid kit na kinuha ko at nilagyan ng alcohol ang bulak. “Sorry na kase pansinin mo na ako.” Idadampi ko na sana sa pumutok na labi niya ang bulak ngunit halos mapatalon ako sa gulat ang may bigla na lang sumulpot. “Omo! What happen to you?” Tanong ni Mc kay baks pero sorry na lang siya siguradong ‘di niya papansinin ito. At saka kalian pa ganyan magsalita ang Mary Chloe na ito? “Someone stupid did this.” Nagulat ako nang sinagot siya ni Chester. And wait did he say  stupid? Ako ba ang tinutukoy niya? “Huh? Sino naman?” Singit naman ni Ashley. “Someone who do not want to wake up because she said, she's tired. Stupid right?” Sumusobra na ‘to katatawag sa akin ng stupid. “Well I think he deserve that.” Ganti kong sagot, aba kailangan kong ipaglaban ang sarili ko. “What/ Bakit naman?” Sabay namang tanong ng dalawa. Hinarap ko muna si Chester bago ko sila sinagot. “May kasabihan kasi ako,”Seryoso ang mga ito, maging si Chester ay kumunot ang noo habang hinihintay ag sagot ko.  “Biruin mo na ang lasing huwag lang ang ayaw gumising.” Sabay malakas na idinampi ang bulak sa bibig ni Chester. “Aray! Hindi mo ba alam na masakit yan?” Pagdaing niya kaya ngumiti ako nang napakatamis. “Edi pinansin mo rin ako.” Ayokong magsosorry, kwits na kami dahil tinawag niya akong stupid.  Aba! Dapat fairness is a must. “Wait lang Cheska hindi ba dapat 'bagong gising ang dugtong non?” Singit ni Ashley na sineryoso ang sinabi kong kasabihan. “Psh. Bakit kasabihan mob a ‘yon?” Mataray kong tanong, na inilingan naman niya. “O, edi wala ka na don, kasabihan ko ‘yon e.” Mangangatwiran pa sana ito ngunit dumating na ang teacher naming. Alas kuwatro na ng hapon,  kaya nagsisiuwian na ang mga estudyante. Hindi ko kasama si Chester dahil magtra-tryout daw siya sa basketball. Si Chloe at Ashley naman ay nauna nang umuwi dahil dumating na ang mga sundo nila. Pasipol sipol akong naglalakad sa hallway na halos wala nang tao, maliban na lamang sa mga estudyanteng masyadong masipag mag-aral at committed sa kung ano-anong kaganapan rito sa campus. Patungo ako ngayon sa malapit na park, doon kase maghihintay sila Sky. Patuloy lang ako sa paglalakad nang biglang may nagtakip ng panyo sa ilong ko. Sinubukan ko pang maglaban ngunit huli na. Nalanghap ko na ang pampatulog na chemical na nasa panyo. Unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata, hanggang sa tuluyan na nga akong nawalan ng malay.             Nagising ako nang maramdaman ko ang may kalakasang pagtapik sa aking pisngi. Unti-unti kong minulat ang aking mata ilang beses pa akong kumurap ngunit malabo talaga ang nakikita ko. Linibot ko ang paningin ko ngunit hindi ako makakilos saka ko lang napagtanto na nakatali ang mga kamay at paa ko. Habang nakaupo sa isang upuang kahoy. “Are you looking for this?” May nagsuot sa akin ng salamin. Nang makita ko ng malinaw kung sino ito ay masamang tingin agad ang ibinigay ko sa kanya. “O? Tinulungan na nga kita para may makita ka tapos ganyan lang igaganti mo?” sabi nito sabay ngiti ng nakakaasar. “Ano bang trip mong psybi ka? Naghihirap ka ba kaya pinadukot mo ako? Tapos hihingi ka ng ransom? Pwede ka namang lumapit sa akin nagbibigay naman ako sa nangangailangan.” Kalmado kong sabi. Humalakhak naman siya and that annoys me. Alam niyo iyong halakhak na maarte? Nakakabwisit! “Ha...hahaha...ako maghihirap hindi mo ba ako kilala huh?” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukhang na conscious naman ang loka. Dapat lang no! “Mellisha Villafuerte,18 years old, Daughter of governor Romell Villafuerte and Mayor Ellisha Villafuerte am I right?” Mukhang proud pa siya, ano kayang nakakaproud sa political dynasty? “So you researched about my identity. That's good to hear, so alam mo na kung sino ang reyna?” Tanong niya. Nginisihan ko naman siya. “Queen Elizabeth.” Sagot ko. “W-what?” Kumunot ang kanyang noo. “Tinatanong mo kung sino ang reyna, kaya sinagot kita siya palang kasi ang alam kong reyna.” Ha, hindi naman ako masadong bobo no. “What are—“ “May itatanong ka pa ba? Sorry pero wala akong masyadong alam sa history.” Pagpuputol ko sa kanya. “At saka, wala tayo sa history class huwag kang pabida. Bubuyog ka pero hindi ikaw si Jollibee.” “No. I just w—” Muli ko siyang piutol. “Oh sa math si Kambal ang maga—” naputol ang sasabihin ko nang tapalan niya ng duct tape sang bibig ko. Gago ‘to ah! “You know what...you're so annoying. Mabuti pa at ibibigay ko na ang regalo ko sayo naiirita ako sa pagmumuka mo eh. GIRLS!” Sigaw nito at lumabas naman ‘yong mga kasamahan niya. Nasabi ko namang ang papangit nila? Nasobrahan yata ng pulbo ang mukha nila at nakalimutan nilang lagyan ang kanilang mga leeg. Are they not aware na nagmumukha silang stripes?             Habang nagmimeeting sila ay unti-unti kong inalis ang pagkakatali ng kamay ko.Masyadong magulo at mahigpit ang pagkaknot kaya nahihirapan akong kalagan. I don’t have any sharp things with me. Lumapit na sa 'kin ang mga kaibigan niya na may taglay na demonyitang ngiti. Tatlo sila unang lumapit sa'kin yung kulot na espasol sa at sinapak ako. Talagang? Sige lang, hinayaan ko muna sila pero sa isip ko duguan na sila. “Uggghh!” Napaungol ako sa sakit nang pinalo ng isa sa kanila ang binti ko. Sumunod ang braso ko. Hianayaan ko lang sila habang pilit inaalis ang pagkakatatali ng kamay ko, kaunti na lang. Nabalik lang ulit ang atensyon ko sa kanila nang may sumapak ulit sa'kin. Naradaman ko pa ang medyo paghapdi ng labi ko. Hindi nagtagal ay nakalagan ko na ang kamay ko. Hindi naman na ako nagpatumpik tumpik pa at sinapak ko na agad ang isa sa kanila. Ayun tulog, isang sapak pa lang e! “Oh my gaassh! What did you do?!”  Inis nitong tanong ni Psybi. Tiningnan ko lang siya ng blangko. “I punched her.” Isaid as a matter of fact. Tiangggal ko ang pagkakatali ng paa ko. Parang ‘di naman sila makapaniwala sa ginawa ko, kaya naman hanggang ngayon at nakanganga pa rin silang nakatingin sakin. Bagamat gusto ko silang bugbugin ay pinigila ko ang sarili ko. They don’t deserve my time. “Where do you think you're going?” Pahabol nilang tanong. Ay mukhang gusto yata nilang malumpo. “It’s none of your f*****g business okay? Kaya pwede ba wala na ngang Malay yang kasama nyo uunahin niyo pa talagang tanongin kung saan ako pupunta. Tsk! Kayo rin di ko na kasalanan kapag nachugi yan.” Ngumisi ako. “O baka gusto niyong matulad sa kanya?” Umisang habkbang ako papalapit sa kanila na ikinaatras naman nila. Nakunot ang sunod-sunod na pagvibrate ng cellphone ko. Tiningnan ko agad ‘yon at puro text lang ni kambal bigla naman akong nataranta sa huling text niya. CHESTERtheTsonggo (5:45pm) Nasaan ka na ba? Umiiyak na si Sky. Magdadalawang oras na siyang naghihintay. Iuuwi ko na siya. Pagkabasa ko noon ay nagiwan muna ako ng mapagbantang tingin sa mga bubuyog. Halata ang takot ng mga ito, dapat lang. Mga buwisit sila. Matapos iyon ay  patakbo na akong umalis sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD