“Hmmm” Ungol ni Cheska habang unti-unting minulat ang mga mata. Nilibot niya ang tingin at nasisiguro niyang wala siya sa kanilang bahay. Medyo bangag pa siya at hindi pa napoproseso ang mga nangyayari. Ngunit maya-maya lang ay unti-unti na itong bumabalik. Ang mga sasakyang sumusunod sa kaniya, ang pagkahulog niya sa bangin at ang pagdating ni Tyler. Tyler. “Dumating siya.” Masaya niyang ani sa sarili. Hindi niya mawari kung gaano siya kasaya. Basta ang alam niya may nagbago sa nararamdaman niya kay Tyler, at kung ano man iyon? Hindi niya pa sigurado, pero alam niyang maganda iyon. “Hey.” Napatingin siya sa may pinto. Naroon ang papsok na si Tyler na may dalang bag. “Hey...” Bati ni Cheska. “How are you feelin'?” Tanong ng lalaki habang nilalabas ang laman ng paper bag. Those ar fo

