Hapon na ngunit hindi pa rin lumalabas ng kuwarto si Cheska. Matapos niyang umalis sa condo nila Tyler ay dumiretso siya sa kanilang mansyon. Hindi pa dumarating ang kaniyang ama kaya nilulubos niya na ang pagdarama. Ang magaling niya namang kamabal at hinahayaan naman siya. “Hindi man lang ako hinatiran ng pagkain!” maktol niya. Habang tinatadyakan ang ibang unan niya. “Aaaaarrrrggh!” pigil na sigaw pa nito at saka binalot ang sarili ng makapal na kumot. Natitigil lamang siya nang makarinig ang mahinang katok. Tumitig lamang siya sa pinto na tila walang balak siputin ang sinomang nasa likod ng pintuan. Ngunit dahil may angking kakulitan na hindi tumil sa pagkatok na lalong kinainis ng dalaga.. “Bukas iyan! Pumasok ka na lang buwiset!” Inis niyang sigaw. “Whoa! Twin sis? You're back t

