Cheska's Malakas na tawanan ang nakapagpagising sa akin. Ano bang ginagawa nila at ang aga yata nilang magtawanan? Hindi na tawa iyon e, halakha na parang wala ng bukas. Tamad akong bumangon at saka naghilamos bago bumaba ng sala at doon ko nakita si Chester at Sky na naghahabulan at naghaharutan. Napatingin naman silang dalawa sa akin, ngunit napakunot ang noo ko nang magbulungan sila ats aka tumingin sa akin ng nakakaloko. “What?” Mataray na tanong ko, mali ang gising ko dahil sa ingay nila. Hindi sumagot ang dalawa, ngunit nakangisi ang mga itong lumapit sa akin. “What the---hahahaha hey...hahahaha st--haha stop.” Putol-putol na pag-awat ko sa kanila ngunit hindi naman nakinig ang mga ito. “Hey Tito, let's tickle mommy more hahaha.” Humirit pa si Sky kaya para kaming mga bulinggit

