Cheska's Nakumpirma ko nga ang hinala kong ako ang minamatyagan ng mga matang iyon. Dali-dali akong pumunta ng parking lot nang bigla namang sumulpot ang daddy ni Sky? Pangiti-ngiti pa ito habang naglalakad. Nang makita kong kasunod niya yung mga lalaking nag-mamatyag sa akin ay agad ko itong hinila papunta sa pinagtataguan ko. “Hey wh—” Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya at tinakpan ang bibig nito. Tinulak ko pa siya papunta sa mas madilim na parte upang hindi kami makita. Paikot-ikot lang ang dalawang lalaki at mukhang hinahanap kung nasaan ako. Linabas ko ang cellphone ko at palihim silang kinuhaan ng litrato saka ko ito pinadala kay Ashley. “Nasaan na yun dre?” Tanong ng isa sa lalaki. “Nandito lang yun kanina ...sigurado ako!” sagot naman ng isa pa. Mukhang natataranta na ang

