“How was it?” Kagagaling lang ni Ryan mula sa pakikipag-usap sa taong inutusan niya para mag-imbestiga tungkol sa katauhan ni Francis Jose. It has been a week pagkatapos ng Welcome Party. “Wala siyang authentic record kung saan siya nag-HS.” Napatingin ako sa kaniya mula sa panunuod ko kay Francis mula sa tab. “Imposible.” Napapantistikuhan kong sabi sa kaniya. “Paano siya makakapagpre-med kung wala siyang high school records?” “May ibingay silang hs transcript mula sa isang school pero noong pumunta iyong investigator doon para magtanong, the records show na walang nag-aral doong Francis Sandoval Jose. Na-trace namin mula sa pinanggalingan niyang ospital where his parents used to work na five months lang siya nag-stay doon as a coma patient. His parents did a brain operation on him an

