Should I send over Mang Eduardo? Napakunot naman ang noo ko nang makatanggap ng text mula kay daddy. Narito na kami sa dalampasigan at nagpapaaraw rito sa may picnic blanket. Actually, ako lang ang nandito sa picnic blanket. Tumingin naman ako kila Sett at Haunth na gumagawa ng kaniya-kaniyang sand castle. Ako raw pumili kung sino ang mananalo sa kanilang dalawa. Akala ko ay mag-picnic lang talaga kami rito. Hindi ako aware na may contest na naman pala silang gagawin. Alas-9 na ng umaga kaya naman napaka-init narin. Mabuti nalang at nagsuot ako ng romper shorts na kulay baby blue na pinaresan ko lang ng puting tsinelas kaya hindi ako ganoong init na init. Sina Sett at Haunth ay takaw tingin lang sa mga taong nagdaraan sa dagat dahil sa bangayan nilang dalawa. Nilantakan

