"S-Shannel..." Turan niya at tinitigan ako sa mata nang diretso at nakakunot ang noo. Napatingin naman ako sa hallway at wala nang ibang tao. Sarado na iyong pinto at ilaw noong room ng iba sa kabilang side ng hallway. "Bakit, Haunth? May problema ba?" tanong ko sa kaniya at inangat ang kamay ko para sana abutin iyong noo niya at kapain pero pinigilan niya ako at hinawakan sa wrist. "B-bakit?" nauutal kong tanong sa kaniya dahil sa kakaiba niyang kinikilos. Humakbang naman siya papasok sa kwarto ko kaya naman napahakbang ako paatras sa kaniya. "M-may nahuli ka bang may d-dala ng alak?" "Meron," turan niya at binitawan na ang kamay ko saka napahawak sa ulo niya. "O-okay ka lang ba? Masakit ulo mo? Uminom kana ba ng gamot? Magpahinga ka rin kasi. A-ano pang masaki

