Shannel? Where are you? Bakit hindi ka nag-reply sa messages ko? Are you with Haunth? Agad kong pinindot ang silent mode ng phone ko nang makatanggap ako ng message mula kay mommy bago pa man kami makalayo sa sasakyan ko. Nag-reply nalang ako sa kaniya na kasama ko si Haunth para hindi siya mag-alala. “Are we really going in there?” tanong ko ulit sa kanilang dalawa nang magsimula na kaming lumapit doon sa bahay. Nagulat naman ako nang hawakan ni Haunth iyong kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Nginitian niya naman ako nang marahan at pinisil nang kaunti iyong kamay ko. “He won’t hurt us,” sabi ni Haunth na para bang kilala niya si Ghyle samantalang panay ang tanong niya noong nakaraan kung sino si Ghyle. “How can you be so sure?” tanong naman ni Kai

