Irish POV
DINALA ako ni Bianca sa isang mahabang upuan kung saan naglalagi yung mga mayayaman na ayaw mag-avail ng VIP room.
"Hala nakakahiya naman Bes, Dito mo pa ako dinala." bulong ko dito.
"Okay lang yun, buti nga may nagtip sa akin na nandito ka daw and thank you Bes." biglang yakap nito sa akin.
"Ha? Bakit naman?" takang tanong ko dito.
"Syempre may pacake ka sa akin. Ikaw ha. Love mo ako." sabay tap nito sa ilong ko.
"Alam mo Bianca, tipsy ka na. Tsaka dapat kapag birthday mo. Hindi ka na nagpapakalasing." sermon ko sa kanya.
"Ihhh, Ano ka ba Bes, alarm mo naman na ito ang trabaho ko, Syempre hindi ako makakaiwas. Ito na ako Bes. Tanggapin mo nalang." lambing nito sa akin.
"Hay nako, Oh siya. Wala naman akong magagawa. Anyway. Happy Birthday Bianca." yakap ko ng mahigpit sa kanya.
Niyakap niya din ako.
"Hoy, total birthday ko. Shot tayo Bes." layo into sa akin.
"Hindi pwede, alarm mo naman na hahanap ako ng trabaho bukas. Sa susunod na lang." sabi ko dito.
"Si Bes naman, birthday ko nga tapos di mo ako pagbibigyan." lungkot na sabi nito.
"Sige na, sige na. Isang bote lang. Kainis ka." hampas ko sa braso nito.
"Yiee, thank you Bes." kapit nito sa braso ko.
"Ikaw talaga, si Kuya nga kanina tinanggihan ko tapos ikaw napa oo mo ako. Hahaha."
"Syempre, Bes kita eh hahaha." Natatawa din nitong sabi.
Nagpaalam si Bianca sa akin na kukuha ito ng alak. Hindi nagtagal ito ay nakabalik din ito.
"Oh, ito Bes, hindi matapang yan. Alam ko naman ang alcohol tolerance mo. Hindi ka pa nga nakakalahati bangenge ka na hahaha." lapag nito sa bote.
"Kapal mo. haha." angal kodito.
Tinignan ko lang ginagawa niya hanggang inabot na talaga nito ang alak. Sa una ay tumikim muna ako kaso naduwal na ako.
"Pangit mo este ng lasa." tingin ko kay Biance.
"Ikaw ha, ginaganyan mo ako." hampas nito sa akin.
"Sorry na, pangit kasi ng lasa. Kainis."
"Tunggain mo kasi para isang lagukan lang." subsob niya ng alak sa akin.
"Kalma ka Bes." sabi ko dito.
Tinungga ko na yung alak at gumuhit sa lalamunan ko ang pait ng lasa sabay dighay. Natuwa naman itong bruha na ito sa kagagawan niya sa akin.
"Ubos na ba?" tanong ko dito kasi nahihilo na ako.
"Sira, hindi pa ubos. Wala ka pa ngang kalahati. " batok nito sa akin.
"Aray ah, ikaw kaya saktan ko dyan." tulak ko sa kanya.
"Alam mo ubusin mo na yan para makakuha na ako. Tagal mong uminom. Promise."
Nakita ko naman ang hawak niyang bote na wala ng laman samantalang yung akin ay may laman pa. Kaya ang ginawa ko ay tinungga ko na talaga para maubos na at makauwi na ako.
"Oh, okay na yan. uuwi na ako. nahihilo na ako." subsob ko sa kanya ng alak.
"Anu ba yan. Hindi pa tayo nagtatagal. Dito ka lang, kukuha pa ako." paalam nito.
"Naku, kung hindi lang kita bestfriend dapat nasabahay na ako."reklamo ko.
Tinawanan lang niya ako. Samantalang ako gusto kong matulog. Dumating din siya agad na may dala na naman.
"Oh, last na yan. Uuwi ka na. Ihahatid kita sa labasan mamaya. " muling abot niya ng panibago.
"Last na ito ha. Naku ka Bianca kapag may nangyari sa akin, susumbong talaga kita kay Nanay." duro ko sa kanya.
"Oo na, tsaka takot ako sa nanay mo no. Oh inumin mo na yan. Last na yan promise." taas kamay pa nga ang ginawa.
"Sige."
Sinabayan niya akong uminom pero this time yung alak, Napakainit sa lalamunan. Tila maduwal-duwal na ako sa kinlalagyan ko samantalang ang Bestfriend ko ay tinatawanan lang ako.
"Bianca, VIP 4 daw." sabi ng isang staff na pumasok sa room namin.
"Sige, sunod na kamo ako."
"Huy, san ka pupunta, iiwan mo ko dito?" agad kong tanong.
What if kung may pumasok edi narape pa ako. No, ayoko.
"Punta lang ako sa kabila. Tsaka walang papasok dito atin lang ito." paliwanag nito.
"Sige bilisan mo. Uuwi na ako kapag nagtaggal ka. Bahala ka diyan." maktol ko dito.
"Oo babalik ako, Sige babush, ubusin mo yan ha." bilin nito bago mawala sa pintuan.
Tahimik lang akong nakatitig sa alak, feeling ko bangenge na ako. Tama ata si Bianca, mababa ang tolerance ko pagdating sa alak. Haysss.
Nang hindi ko na makaya ay ininum ko ulit ang alak, siguro na katatlong lagok ako. Nahihilo na ako. gusto ko na talagang matulog kaso ayoko dito.
"Ang tagal naman ni Bianca." maktol kong sabi.
"Uuwi na ako, bahala siya dyan."
Tatayo na ako ng biglang matumba ako.
"Anu ba yan, napakahina naman ng tuhod na yan." sabay palo ko sa tuhod ko.
Dumiretso ako sa pintuan at sumalubong sa akin ang napakaingay na tunog ng Bar.
Napalingon-lingon naman ako. Madaming taong sumasayaw, yung iba puro mga naka suit, kabataan at kung ano-ano pang nilalang. Hindi ko na kasi sila makita dahil inaantok na ako. Panay hikab na rin ako.
"Hayyyy," muling hikab ko.
Nang malapit na ako sa pinto ay nagpaalam na ako kay Kuya Jeric.
"Kuya Jeric, uuwi na ako. inaantok na ako eh." paalam ko dito pero feeling ko babagsak na ang katawan ko sa lupa.
"Mukhang hindi ka na hinatid ni Bianca ah?" tingin nito sa likod ko.
"Oo nga eh, tagal kasi sa loob." muling hikab ko ulit.
"Oh Sige, Ingat ka na lang sa pag-uwi. Mukhang nakainom ka pa."
"Ganun na nga po. Sige po Babye po." paalam ko dito.
Naglalakad na ako palabas ng parking area ng biglang may humila sa akin.
"Kuy-"
Hindi ko na natuloy ang pagsigaw dahil hinalikan niya ako.
'shockssssss, yung first kiss ko'
Tinulak ko siya pero mas malakas niyang hinawakan ang ulo ko at ginuide ako sa paghalik niya.
Ang lambot ng labi niya hanggang sa lumalim ang halik niya.
Nang hindi na kami makahinga ay tsaka niya lang ako binitawan.
"Sorry Miss." tingin nito sa akin.
Hindi naman ako makapagsalita dahil nakita ko ang mata niya. Ang ganda ng mata niya ng may dumaang sasakyan sa likuran namin. Kulay hazelnut ang mata niya.
"Sorry miss if I kissed you." sabi nito.
Pasalita na sana ako ng biglang nagmura ito at hinalikan ako pero this time tumalikod kami sa isang sasakyan na dumaan.
Kaso nakaramdam ako ng pagtawag ni uwak.
Malakas ko siyang tinulak at saka sumuka sa damit niya. Nakakahiya naman.
"Eww, F*ck, seriously miss. Alam mo ba kung gano kamahal ito. My goodness." tila naduduwal na sabi nito.
"Sorry, ikaw kasi." reklamo ko sa kanya.
"What? Ako pa? Ikaw na nga ang nahalikan ikaw pa may ganang sumuka. Yuck. Tss."
"Kapal ng mukha nito kung makayuck ka. Ewan ko sa iyo. Bahala ka sa buhay mo! Tulog ang kailangan ko hindi ang halik mo. Letcheng ito kinuha pa first kiss ko." reklamo ko habang umalis sa harapan niya.
Nagising ang diwa ko sa ginawa niya. Buong byahe akong yamot na antok at pinipigilang sumuka. Saktong pagbaba ko ng tricycle ay sumuka ulit ako.
Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong sinalubong ni Nanay.
"Oh, bakit lasing ka Kin? Anong nangyari sa iyo at namumugto yang mata mo?" bungad ni Nanay.
"Sensya na Nay, Napadaan lang ako kay Bianca. Birthday kasi. Nagkayayaan lang mag-inuman." paliwanag ko dito
"Oh siya, maglinis ka na dun at bumalik ka dito. Ipagtitimpla lang kita ng kape para mahimasmasan ka." tulak nito sa akin papuntang banyo.
"Sige po Nay. Pasensya na ha." lambing ko dito.
"Ay sus na batang ire, sige na at maligo ka na. Kabantot mo na eh." reklamo ni Nanay.
"Sensya naman Nay, Sumuka kasi ako sa labasan. hehe." ngiti ko dito.
"Oo na, basta maglinis ka na dyan at magtitimpla na ako ng kape mo para mahimasmasan ka bago ka makatulog."
"Salamat Nay."
Laking pasalamat ko talaga na si Nanay ang Mama ko. Sobrang maalalahanin at mapagmahal na ina.
Napahawak na lang ako sa noo ko ng pumiltik ito.
"Langya, sinusumpa na kitang alak ka. Hindi na talaga ako iinom." reklamo ko habang pumapasok sa banyo.
Patulog na ako ng maisip ko ang nangyari kanina. Napaisip tuloy ako kung tama ba na uminom pa ako ng kape. Lalo lang tuloy akong hindi nakatulog kakaisip sa lalaking yon. Gwapo naman at mabango siya. Tsaka yung halik, hmm, Good kis--, hindi pala. Napakaarte niya.
Higitin ba naman ang natutulog kong puso este diwa. Sino ba namang hindi magigising dun kung ganun ang ginawa niya sa babaeng tulad ko. Yun tuloy ang napala niya. Sana huwag na lang kaming magkita. Hindi ko na alam kung anong mukha ihaharap ko pag nagkita pa kaming muli.