Chapter 30: Kyle's Intensity

1619 Words

"Hay nako, atakihin yata ako nito sa puso sa kakatawa ko sayo, Zhoey!" ani Kyle, habang umaalingawngaw ang kanyang tawa, hindi mapigil mula sa kaibuturan ng kanyang dibdib. "Ewan ko nga ba sayo, Kyle, kung bakit natatawa ka diyan. Seryoso ako sa ipinagawa mo sa akin, ha!" sagot ni Zhoey, ngunit hindi rin napigilan ang sarili na matawa kay Kyle, hawak nito ang sariling tiyan. Ang kanyang tawa'y umalingawngaw din, kasabay ng kay Kyle—malaya at totoo. Habang unti-unting lumulubog ang araw sa may hangganan ng kalangitan, pininta nito ang langit at dagat ng mga kahanga-hangang kulay—pula, kahel, dilaw, at ginto. Magkatabi silang nakatayo, ang kanilang mga mukha'y hinaplos ng mainit na liwanag ng dapithapon, habang ang tawanan nila'y nanatiling musika na nakabibighani. "Alright!" sigaw ni Kyl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD