Nang naihatid na si Zhoey sa kanilang bahay nagpasalamat siya sa driver ni Tito Conrad. Pagbukas pa lang niya sa pinto, bumuhos na kaagad ang kanyang matinding emosyon. Umaasa kasi siya ng kaunti na may patutunguhan ang ano man na meron sila ngayon ni Nimrod. Ngunit ginawa lang pala talaga siya nito na parausan dahil malayo ang fiancee. So ngayon na nandito na ang fiancee, wala na sila ni Nimrod. Matatapos na kung anong meron sila. Umupo sa sofa si Zhoey na feeling helpless. Nakaramdam siya ng matinding kahungkagan sa puso. Pinakawalan niya ang masidhi niyang damdamin dahil hindi niya na talaga kayang pigilan ang bugso ng kalungkutan at sakit ng kanyang dibdib. Nasasaktan siya sa katotohanan tungkol kay Nimrod na may fiancee na pala ito. Tumulo ang masagana niyang mga luha, unlimited. O

