Nayanig si Zhoey sa nasaksihan niya—ang brutal na paraan kung paano pinaghablot at walang-awang itinapon na parang basura ni Alguro ang mga lalaking naglakas-loob na humarang upang ipagtanggol siya. Hindi lamang bigat ng kalooban ang bumalot sa kanya, kundi isang matinding kurot sa kanyang konsensya. Sa kabila ng kanyang matibay na determinasyon, isang katotohanang hindi niya matanggap—hindi niya kayang hayaang may iba pang madamay nang dahil sa kanya. "Tabi nga kayong dalawa d'yan! Humaharang kayo eh! Ako ang kailangan niya. Hindi kayo!" mariing wika ni Zhoey habang pilit siyang sumisingit sa pagitan nina Nash at Maxx. "Huwag matigas ang ulo, alam mo ba ang sinasabi mo?" madiing tugon ni Nash kay Zhoey, ang boses nito puno ng babala. "Siyempre alam ko, ako mismo ang nagsabi, hindi ba?

