Habang nagrerelax si Zhoey sa terrace, dumating si Kyle. "Zhoey, narito ang update tungkol sa iyong ina," sabi ni Kyle, sabay abot ng isang puting folder na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga nangyari habang wala si Zhoey sa kanila. Tinanggap ni Zhoey ang naturang folder. Agad namuo ang luha sa kanyang mga mata habang binabasa ang mga pahina, nanghihina ang kanyang puso sa bawat detalye. Napahawak siya sa kanyang dibdib. "My God, nagkasakit pala si Nanay nang malaman niya ang nangyari sa akin?" bulalas niya, nanginginig ang tinig. "Yes, Zhoey," sagot ni Kyle, mahina ngunit puno ng pag-aalala. "She experienced a severe shock. Buti na lang at tinulungan siya ng mga Cazco para mapagamot agad." Nanginginig ang mga labi ni Zhoey, kinagat niya ang ibabang bahagi upang pigi

