ikalabing pitong kabanata:

2295 Words
Steven pov: Nang di ko sya mahagilap kahit saan agad ko syang tinawagan buti naman at sinagot nya ito, pero nagtaka ako at biglang kinabahan ng nadinig ko syang umiiyak. Putol putol ang pagsasalita nya ramdam ko ang takot nya, Kaya nagmadali akong balikan sya kung saan ko sya iniwanan. Nagtaka ako kasi ng pumasok sya dun walang karatulang nakalagay na u der main9 yun Kaya dun agad ako pumasok. Pagpasok ko nakita ko na may nakaharap sa isa sa pintuan ng cubicle halatang sinadya na harangan para di makalabas yung tao sa loob. Mas lalong lumakas yung kaba ko ng makadinig ako ng mahinang Hikbi. Kaya agad kong tinanggal ang mga nakaharang.Pagkaalis ko agad kong binuksan yung pintuan dun ko nakita si j-lee na umiiyak, agad nya kong niyakap at ramdam ko na nanginginig pa sya sa takot nakaramdam ako ng galit2 sa taong gumawa non. "shhh... ok ka na don't worry" sabi ko habang hinahagod ang likudan nya. "I am sorry dapat di kita iniwan" paghingi ko ng paumanhin feeling ko kasi kasalanan ko din, patuloy lang syang umiiyak. Maya Maya kumalas na ito sa pagkakayakap sakin, pinunasan ko ng daliri yung. mga luhang natira sa mukha nya. "thank you sa pagligtas sakin" sabi nya sakin. "Di ko mapapatawad sarili ko kapag may nangyare sayo" seryosong sabi ko. Di sya umimik "sorry nabasa ko yung suit mo" sabi nya, natawa ako ayun pa talaga naisip nya.. "no problem," nakangiting sabi ko "are you sure ok ka na" nag aalalang tanong ko ulit sa kanya. "oo naman ok na ko, gosh buti non water base ginamit sakin ni Margaret na make up, kung Hindi nako mukha na kong aswang"natatawang sabi nito, napangiti ako ok na nga sya parang walang nangyare sa kanya kasi nakakapagbiro na sya, pero hindi ko mapapatawad yung gumawa nito, kasalukuyan ko ng pinatingin kay Liam yung CCTV camera ng mansion nila ninang. " Tara na baka hinahanap ka na ng ninang mo"yaya nya sakin. "ayaw mo bang umuwe nalang tao" tanong ko sa kanya, pero umiling lang sya. "ano ka ba ok lang ako saka nagtatampo sayo c mrs, Clifford wala na nga yung parents mo tapos aalis ka di agad" sabi naman nya, ako pa talaga inaalala nya eh sya nga tong may nangyareng di maganda. "ok pero kapag gusto mo ng umuwe just tell me huh uuwe agad tayo" sabi ko naman, tumango sya saka sabay na kami lumabas ng CR, pag balik namin nandun na din yung tatlong mokong saka si Lorraine, nandun na din si Louise. "hi Jieun" bati nito at lumapit sakin sabay bulong. "anong nangyare bakit sya umiyak" tanong nito, ganon ba sya kagaling para malaman yun. "cous make up artist din ako Kaya Alam ko" sagot nito sakin siguro nabasa nya ang iniisip ko. "Maya sabihin ko sayo" sagot ko nalang Umupo na kami pinaupo ko na si j-lee saka tumabi ako,sa kabila naman nya naupo si Louise. Tumabi naman sakin si Liam, Kaya napasimangot si Lorraine na akmang lilipat. Tumingin ako kay Liam, nakangiti naman ang loko, napangiti din ako.. Jieun: Nang makausap ko si Steven, kumalma ako at inaantay sya. Sobrang nanginginig na ko sa takot panay tulo ng luha ko kaya laking pasalamat ko ng tumawag ito sakin, di ko na din kasi naisip yung cellphone ko kasi nataranta na ko. Maya Maya nakarinig ako ng ingay kaya kinabahan ako, ng bumukas ang pinto at nakita ko si Steven agad akong yumakap sa kanya at umiyak ng umiyak, nakahinga ako ng maluwag ng mailigtas nya ko. Panay ako pasalamat sa kanya, hinayaan nya lang ako umiiyak tinignan nya ko sa mata at pinunasan ang mga natirang luha ko. "shhh.. ok na stop crying" sabi nya habang pinunasan ang mga mata ko.Nanatili akong nakatingin sa kanya, iba na ang nararamdaman ko sa kanya, ramdam ko ang pagiging komportable, feeling ko lagi akong ligtas sa tabi nya.Tumango lang ako saka ngumiti. "buti naman water base yung ginamit na make up sakin ni Margaret, kung Hindi mukha na kong zombies" nakangiting sabi ko, ok na kasi yung pakiramdam ko. Napangiti na din sya, inaya nya ko na umuwe pero tinanggihan ko kasi nakakahiya sa ninang nya kung uuwe kami agad. Lumabas na kami sinalubong kami ng mga kaibigan nya na mga seryoso ang mga mukha. Binati ako ni Louise nandito din pala sya. Nginitian ko lang ito nakita ko din si Lorraine na nakataas ang kilay na nakatingin sakin.Alam ko sya yung nagkulong sakin dun nakita ko kasi yung suot nyang heels, Kaya lumapit ako kay Steven. "di pa ba kainan" bulong ko sa tenga nito dahilan para matawa ito ng mahina. "ssshhh" sabi ko pa sabay pala sa balikat pasimple kong tinignan c Lorraine, at nakita ko na halos magsalubong ang kilay nito. Natawa ako ng pasimple, nahinto lang ako ng bumulong din si Steven sakin. "sabi ko kasi Uwe na tayo eh" sabi nito yung puso ko ang lakas ng pintig dahil lang sa tumama yung hininga nya sa tenga ko. "I get you some food dito ka lang wag kang aalis" bilin nito sakin, tumango lang ako at ngumiti ng matamis kasi titig na titig samin si Lorraine. Umalis si Steven kinalabit ako ni Louise Kaya napatingin ako sa gawi nya. "what happened? " may pag aalalang tanong nito, mukha naman syang mabait Kaya sinabi ko sa kanya yung nangyare. "some one lacked me in a restroom" sabi ko halata naman sa kanya ang pagkagulat. "what!? who? " tanong nito, "sshhh wag ka muna maingay, tingin ko kasi si Lorraine yung nag lock sakin dun nakita ko kasi yung sandals na suot nya" mahinang paliwanag ko sa kanya, pinagtitinginan tuloy kami ng tatlong kaibigan ni Steven. "hey sali nyo naman kami" sabat ni topher. "Kaya nga daya kayo lang" si Wesley naman, inikutan lang sila ng mata ni Louise, natawa ako kasi mukha talaga syang mataray. "tsk maghanap kayo ng kausap nyo" mataray na sabi ni Louise. Napakamot naman ng ulo yung dalawa. "that's b*tch ipinipilit pa din nya ang gusto nya, eh ayaw nga sa kanya ng tao eh" pigil na galit na sabi nito. "Steven knows? " dugtong nya, agad akong umiling. Kumunot ang noo nya "ayoko kasi na magalit sya eh kina kapatid nya si Lorraine tapos ninang pa nya yung mommy nito, ayoko ng gulo saka ok lang naman ko eh" sabi ko totoo naman kasi ayoko gumawa ng ikakasira ni Steven. Narinig kong bumuntong hininga si Louise, mukhang di sang ayun sa gusto ko. "hmm ang swerte sayo ng mokong na yun" na sabi nalang nito sabay pisil ng mga kamay ko na nasa lap ko. Nginitian ko lang sya, ako nga ang swerte kasi dumating sya eh kung Hindi baka hanggang ngayon stock pa din ako sa loob ng restroom. Maya Maya dumating si Steven na may dalang pagkain agad kuminang ang mga mata ko kanina pa kasi talaga ako nagugutom eh, isa pa naubos atah yung energy ko sa pagkalampog ng pintuan ng restroom Kaya nagutom ako. Paglapag nya umupo lang sya sa tabi ko ulit. "ok lang ba kumain eh di pa tapos yung party? " maang na tanong ko. "oo naman no need na antayin pa matapos bago kumain Kaya kumain ka lang Alam ko naubos na yung energy mo" sabi nito na nakangiti tapos hinimas pa yung ulo ko na para akong aso. "salamat" namumulang sabi ko. At kumain na ko bahala sila gutom talaga ako pasta lang naman ito saka my bread na kasama may juice din syang dala. Siguro paumpisa palang toh Kaya ito lang kinuha nya, kakain nalang ulit ako mamaya pagkainan na,napangiti ako sa naisip ko. Inayaya ko naman sila kumain pero sabi nila mamaya na daw sila Kaya tinuloy ko na yung pag Kain ko ng matapos naramdaman ko na nabusog din naman ako kahit papano. Nadinig ko nalang na may tumutugtog na malamyos na musika at isa isa nagtayuan ang mga bisita at kanya kanyang partner na sumayaw sa gitna. Manghang mangha ako sa nakikita ko para kasing bumalik ako sa high school yung Js from, nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang mga nasa gitna. Maya Maya nakita ko si Steven,niyaya nyang isayaw si Mrs. Clifford nakatingin lang ako sa kanila. Hanggang sa huminto na at isinayaw naman sya ng ibang bisita, samantalang si Steven ay papunta na samin, pero bago sya nakarating hinarangan sya ni Lorraine at hinila sa gitna para sumayaw. Nanatili lang ang tingin ko sa kanila nakita ko na humawak na si Steven sa bewang ni Lorraine at nakaramdam ako ng kirot sa bandang dibdib ko, kaya humarap nalang ako kela Wesley na nagkanya kanya din ng tayo, nangunot ang noo ko ng papunta samin si Wesley at Liam Biglang nag lahad ng kamay ang dalawa. "can we dances with you ladies" tanong ng dalawa samin, kaya nagkatinginan kami ni Louise tumango sya at tinanggap ang kamay ni Wesley, samantalang ako nagdadalawang isip pa kung tatangapin ko ang kamay ni Liam, kapag di ko tinanggap maiiwan ako mag isa, kaya tumango nalang ako wala naman sigurong masama. Humawak ako sa kamay ni Liam saka kami pumunta sa gitna para sumayaw, ng bahagyang humawak si Liam sa bewang ko medyo nagulat ako. "sorry" nahihiyang sabi ko. "it's ok don't worry di ako nangangagat" nakangiting sabi nito, kaya natawa ako sa sinabi nya. "grabe Hindi naman yun ang ibig kong sabihin " natatawa ko pang sabi at sya na kumuha ng kamay ko para ilagay sa balikat nya. "si Lorraine yung nag lock sayo sa restroom di ba" biglang seryosong sabi nito, napatingin ako sa mata nya, gwapo din naman sya manly din same sila ni topher at Wesley kaso ito ay may pagkamoody din di kagaya nun dalawa na happy go lucky. "bakit di mo sabihin kay Steven? " tanong nya ulit sakin, habang mahina kaming gumagalaw. "ayoko kasi ng gulo, ok lang sakin yun kesa naman magkagulo sila di ba" sabi ko sabay yuko. "Hindi ok yun lalong lalo na kay Steven, na ngayon ay parang papatayin na ko sa tingin" sabi nito sabay tawa,nagtaka naman ako sa tinuran nya. "ohh salamat sa pagpayag na maisayaw kita huh, Sana abutin pa ko ng bukang liwayway" sabi ulit nito na nakangiti, ang weird nya ano ba mga sinasabi nito manang mana sa kaibigan nyang bipolar eh, sabi ko sa isipan ko. "huwag mo kong tignan ng ganyan jieun, baka tumumba nalang ako dito" sabi nito sabay nguso sakin sa deriksyon ni Steven na parang ano man oras makakapatay sya ng tao sa Aura nya habang papalapit samin, bakit ang Sama nya nakatingin? 'takang tanong ko bigla akong kinabahan, at ang Liam binitawan ako sabay kindat sakin paglapit ni Steven, ako naman lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko na parang mas malakas pa sya sa sound dito sa party. "I talk to you later" madiing sabi nito kay Liam. Di naman ako makakilos nawala na si Liam sa harapan ko at ang nakaharap ko na ngayon ay si Steven. Naramdaman ko na hinawakan nya ang kamay ko at ipinatong ang isa sa balikat nya habang ang isa naman ay hawak nya,pumulupot din ang isang kamay nya sa may bewang ko at hinila palapit sa kanya konti nalang ang layo namin sa isa't isa. "who told you that you can dance with other men huh j-lee? "madiing tanong nito sakin habang titig na titig sakin. " a-ano kasi"nauutal na sabi ko, tinaasan nya ko ng kilay. "wala kasi akong kasama dun Kaya pumayag ako isa pa kaibigan mo naman si Liam di ba Kaya ok lang naman" paliwanag ko, teka bakit ba ko nagpapaliwanag sa kanya. "that's not ok, ako lang dapat" tiim bangang sabi nito na nagpamaang sakin. 'ano bang nangyayare sa lalake na toh'takang tanong ko sa isipan ko. Di ko nalang sya sinagot at nagpatuloy kami sa pagsasayaw. Liam pov: yes, yes, yes, thank you author *^_^*. Naglakas loob akong yayain si jieun na sumayaw kahit na Alam kong mayayari ako kay Steven nakita ko kasi sya na parang nasaktan ng makita nyang magsayaw si Steven at Lorraine Kaya niyaya ko sya isa pa wala din sya makakasama sa table dahil maiiwan syang mag isa. Nang niyaya namin sila ni Louise na magsayaw akala ko di sya papayag kasi halata sa mukha nya ang pagdadalawang isip, nakahinga ako ng maluwag ng tumango sya at tinanggap ang kamay ko. Papalapit palang kami ramdam ko na ang titig ni Steven napalunok ako, kasi kinakabahan ako gusto ko lang naman kasi syang kausapin kung bakit di nya sinabi kay Steven ang totoo, ramdam ko kasi na kilala nya kung sino yung gumawa sa kanya ng nangyare kanina. Di nga ko nagkamali kilala nya, pero dahil iniisip nya si Steven tinago nalang nya yun. Hindi nya Alam na Alam na din ni Steven kung sino ang may gawa non kasi ng umalis ito para kumuha ng pagkain naka sunod ako sa kanya, dahil Pina check nya sakin yung mga CCTV ng mansion ng mga Clifford. Ramdam ko ang pag aalala ng kaibigang ko sa nangyare Kaya inutusan nya kong tignan. Nang na copy ko na ang buong pangyayare pinasa ko sa kanya yun at napanood nya nakita kong nagtangis ang bagang nya. Alam kong di nya papalampasin yun, pag balikat nya parang wala syang napanood. Habang sinasayaw ko si jieun nakikita ko sa gilid ng mata ko ang nanglilisik nitong mata, masyadong possessive, napangiti ako. Di nakatiis ang loko bumitaw agad kay Lorraine at lumapit samin, samantalang si jieun naman di magets yung sinasabi ko at tinitigan pa ko, talagang patay ako baka di talaga ako abutan ng umaga nito. Nang makalapit ito at nagsalita na dun ko pinagsisihan ang ginawa ko. Kelangan ko na ata umalis ng banda bukas na bukas din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD