Chapter 42 Minia's POV : Nang matapos na namin ang pinapanood namin kagabi ay lumipat na siya sa kwarto niya para matulog at magpahinga raw. Gano'n din naman sana originally ang plano ko kaya lang ay mas malupit pa sa sampung tasa ng kape ang mga salitang binitawan ni Harvest kahapon kaya naman hindi ako nakatulog kahit anong pag-ikot, pagbaluktot at pagpikit ang gawin ko. Hindi rin nadaan sa pagpapatugtog ng malumanay na musika. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay humithit ako ng droga magdamag. Napakagaan ng ulo ko at parang hangin lang ang laman, ngayon ko lang napagtanto na posible pala ang antukin pero hindi makatulog. Kung hindi lang dahil sa sinag na tumatagos mula sa kurtina ng bintana ko ay hindi ko pa mapagtatantong umaga na pala. Nag-aalangan man ay dumitetso na ako sa banyo para

