Chapter 2
Mica’s POV :
Malalim akong napabuntong hininga nang makalabas na kami sa loob ng café. Kumukulo ang dugo ko dulot ng matinding pagka-inis, hindi para kay Minia kung hindi para sa sarili ko. Napagtanto ko kasing hindi ko na nababantayan ng maayos ang mga kilos nila, ako yung pinaka matanda pero parang napapabayaan ko na ata sila. I feel so bad and irresponsible.
“Ate, iiwan na lang ba talaga natin si Minia r'on?” tanong sa akin ni Fiona na nasa gilid ko. Napabalik ang tingin ko sa cafe na pinaggalingan namin at muling sinulyapan ko si Minia na tahimik pa ring nakaupo at nakayuko lang. Nakikita ko na iniitindi naman niya kahit papaano yung mga sinabi namin sa kaniya.
“Hayaan muna natin siya na makapag-isip. Matanda na siya at alam na niya ang mga bagay na hindi dapat niya ginagawa,” seryosong tugon ko sa kaniya. Batid kong nagtataka si Fiona sa sinabi ko, ngayon lang kasi ako nagsalita ng ganito. I care for her too, but I don't think that what she did should be tolerated. Hindi niya dapat kinasisiya ang kamiserablehan ng iba, that's wicked!
“Pero ate, ngayon niya tayo mas kailangan 'di ba? She might be too frustrated kaya siya nagiging ganoon, dahil yung taong matagal na niyang mahal ay iba ang mahal,” pagdadahilan niya sa akin. That's the good and bad thing about her, she's too kind to the point that she ends up tolerating someone's mistake. Hindi niya rin kayang pabayaan yung kaibigan niya and that's what I love about her, pero hindi pag-intindi at magagandang salita ang kailangan ni Minia ngayon, hindi siya magigising sa ganoong paraan. Hindi mo maimumulat ang mata ng isang tao sa realidad gamit ang mga matatamis na salita.
“I know that already, Fiona. Oo, totoong ngayon niya tayo kailangan, pero hindi naman sa lahat ng bagay dapat na kunsintihin natin siya. Hindi na 'yon tama, kung ngayon pa lang ay malaki na yung epekto ng pangungusinti natin sa kaniya noong mga nagdaang araw, paano pa kaya kung ipagpapatuloy pa natin 'di ba?” malumanay na pagpapaliwanag ko sa kaniya nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan.
Hindi na ulit siya nagsalita pa at napabuntong hininga nalang bilang senyales ng pagsuko. Tahimik lang kami habang bumabyahe, kapwa hinihinahon ang sarili. We need to get our shits together, may customer pa kaming dapat harapin at bilang mga propesyonal ay hindi dapat makaapekto ang personal na problema sa trabaho.
Minia’s POV:
Ilang oras na rin ang lumipas simula nang makaalis silang dalawa pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ko ginawa iyon. Pati ako ay hindi na rin makilala ang sarili ko, wala na nga yata talaga yung dating ako. Hindi naman malaking kasalanan iyon pero bakit pakiramdam ko gumawa ako ng isang krimen sa tindi ng guilt na nararamdaman ko?
“Hoyyyyyyyyy!" sigaw ng isang napaka pamilyar na tinig sa tapat mismo ng tenga ko. Mabilis akong napatayo mula sa kinauupuan ko dahil sa pagkagulat, ramdam ko ang pagtama ng ulo ko sa baba ng tao na nakapwesto sa likuran ko.
“Arayyy.” Rinig kong sambit niya dahilan para mapatingin ako sa labi niya na ngayo'y nagdurugo na. Dala ng pagkataranta ay nagmamadali at sapilitan ko siyang iniupo sa inuupuan ko kanina, kasunod no'n ay ang mabilis na pagtakbo ko patungo sa loob ng opisina ko para kumuha ng first aid kit. Damn, how I despise seeing even a bit of blood!
Nang makuha ko na ang kailangan ko ay tumakbo na agad ako pabalik sa kaniya. Napansin ko pa nga na lahat ng mga customer ay nakatingin na naman sa akin kahit pa parang hangin lang na dumadaan ako sa harap nila. Maging lahat ng mga tauhan ko ay nakatingin rin sa akin na tila nakakita ng artista, nakaramdam tuloy ako ng bahagyang pagkapahiya dahil doon.
Nakangiwi at alanganing napa peace sign na lang ako sa kanila na alaganing nginitian lang nila bago bumalik na sa kaniya-kaniya nilang ginagawa. Alam kong medyo OA ang naging reaksyon ko. I'm homophobic so they can't blame me tho!
“Ang lakas talaga ng tama mong lalaki ka. Bakit ba kasi bigla bigla ka na lang sumusulpot? Feeling mushroom ka na naman kasi. Oh ano, manggugulat ka pa? Bagay lang 'yan sayo.” Naiiritang bulyaw ko sa kaniya habang naghahanap ng bulak. Nang makita ng kulugo na binuhusan ko iyon ng alcohol ay bigla nalang siyang namutla at pasimpleng lumayo sa akin.
Para tuloy kaming mag-ina na nagpipilitan, pero ang ending hindi siya nanalo sa akin. Sa huli ay nadisinfect at nalagyan ko pa rin ng gamot yung labi niyang pumutok dahil sa tigas ng bungo ko. Kaya eto parang ewan siya ngayon na ayaw na akong kausapin, ang dahilan ng kupal? hindi na daw kasi siya makapagsalita sa sakit.
“Sakit ba Arvy? 'yan ang napapala ng mga kabute eh. Bigla-bigla na lang kasing susulpot, ayan nasaktan ka tuloy hahahaha. Bawi na ako sa pambubwisit mo sakin.” Ngiting asong pang-aasar ko sa kaniya. At dahil natural na may pagkapikon siya ay mas lalong naging hindi na naman maipinta ang mukha niya. Hobby talaga naming bwisitin ang isa't-isa, minsan talo siya sa akin pero madalas e ako yung natatalo niya, mas pikon kasi ako kumpara sa kaniya.
“HA-HA-HA-HA-HA,” sarkatikong tawa ng loko na mabilis ring nauwi sa isang ngiwi, siguro ay sumakit na naman yung pumutok niyang labi.
Bigla ay nakalimutan ko ang problema ko ng dahil sa presensya niya. Ewan ko ba kung bakit kahit pa lagi akong banas sa pagmumukha niya ay siya lang yung nakakaalis lagi ng mga iniisip at pinoproblema ko, kaya kung wala siguro siya ay laging may kulang sa araw ko. Pero malabo na atang mangyari 'yon dahil araw-araw ba naman niya akong tinatawagan at tinitext pag hindi kami nagkikita. May pa walang sawang good morning at good night text pa kaming dalawa sa isa't isa. Normal lang naman siguro sa mag-bestfriend 'no? 'yung ganito kalapit sa isa't-isa.
Ilang minuto din kaming natahimik at para hindi masayang ang oras ay naglabas nalang ako ng mga papeles na kailagan ng pirma ko. Si Arvy naman ay hinahayaan lang ako sa mga ginagawa ko, nakaupo lang siya sa tapat ko at nakatitig sa akin. Maya-maya pa'y nanghiram siya ng salamin para tignan daw yung sugat niya, baka raw kasi nabawasan na yung nag-uumapaw niyang kagwapuhan. Napapailing na lang nga ako, ang tapang lang kasi talaga ng hiya ng lokong 'to. Madalas talaga ay para siyang naglalakad na ipo-ipo, need mo talagang kumapit sa poste dahil posible kang liparin sa kahanginan niya.
“Uyyyy,” mahinang pagtawag niya sa akin na ikinalingon ko sa kaniya.
“Pogi pa rin ba ako?” tanong niya sa akin habang nagpopose pa na animo'y modelo sa isang men's magazine. Natatawang tinanguan ko nalang siya, kasalanan ko rin naman kasi kaya nabangasan siya edi pinagbigyan ko na, baka mamaya magtampo pa 'to eh.
“Gwapo ka naman talaga. Nga pala, baka may gusto kang inumin? Libre ko na,” tanong ko sa kaniya nang mapansing medyo maayos na yung lagay ng labi niya, medyo nakakapagsalita na rin siya ng maayos kaya ngayon ko lang siya tinanong. Yumuko ako at pinagpatuloy ang pagpirma ng mga papeles na nasa lamesa namin. Nakabusangot na nga ako habang nakatingin sa mga iyon, kailan kaya 'to mauubos?
“Grabe ha? ang tagal sumagot,” reklamo ko nang isang minuto na yata ang lumipas pero hindi pa rin siya tumutugon, naiiritang iniangat ko ang ulo ko para makita ko naman kung ano ba ang pinagkaka-abalahan niya at napaka tagal niyang sumagot sa maikling tanong ko.
Bahagyang napauwang ang labi ko nang makita na tila na seryoso siyang nag-iisip habang hawak-hawak ang menu ng café ko, sa gilid niya ay naghihintay ang isang waitress para kumuha ng order niya. Kaya naman pala hindi na nagsasalita ang ugok!
“Ahh alam ko na kung anong order ko miss beautiful. Ito, ito, ito, ito, ito, ito, ito, ito, ito saka ito." Malanding kinindatan niya pa ang waitress kong nagpapacute sa kaniya dahilan para mapataas ang kilay ko at mabato ko sa kaniya yung kanina ko pang kinaiinisan na sign pen na ang mahal-mahal pero ayaw naman ng sumulat.
Nagulat siyang napatingin sa akin na mukhang walang ideya kung bakit ko ginawa iyon. Napairap nalang ako sa kabobohan niya, matapos niyang makipaglandian sa harap ko mismo ay nagtakha pa siya? Wala man lang kasi siyang pasintabi sa taong hindi minahal pabalik, bastos na nilalang!
“Mawalang galang na po ano, Nasa harapan niyo po kaya ako.” Mataray na sambit ko sa kanila. Halos magkalusawan na kasi sila sa lagkit ng tinginan nila e. Binalingan ko ng seryosong tingin yung waitress kaya bigla ay nagmamadali siyang umalis pabalik sa counter. Tama 'yan, trabaho muna bago landi.
“Selos ka na naman? Hayaan mo ikaw lang naman mahal ko e.” Pagbibiro niya sa akin dahilan para nakasimangot ko siyang inirapan bago bumalik sa ginagawa ko.
Selos daw? Naiinis lang naman ako dahil sa harap ko pa mismo sila naglalandian. Bakit naman ako magseselos? Mas lalo yatang sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi niya. Nang matapos na ako sa ginagawa ko ay sumandal ako sa kinauupuan ko at tinitigan nalang ang best friend kong timawa. Nakita kong busyng-busy talaga siya sa kakakain ng mga kung ano-anong sandamakmak na inorder niya, lamon kung lamon siya. Palibhasa sinabi kong libre, diyan naman magaling 'yang damuho na 'yan, sa pagsulit ng libre. Napakayamang tao pero napaka kuripot naman, kaya siguro hanggang ngayon eh wala pang jowa.
“Sarap 'no?” tanong ko na nakangiwi pa sa dami ng pagkain na nasa harap namin.
“Syempre naman, libre eh." Tatawa-tawa niyang sambit sa akin dahilan para maglabasan 'yong ibang pagkain sa bibig niya, bagay na ikinangiwi ko. Mukhang nagutom yata ang loko dahil naubos niya lahat ng inorder niya.
"Hay grasya ng diyos, nabusog ako ng walang gastos." Hihimas-himas sa tiyan siyang napasandal sa upuan niya dahilan para tumalim ang tingin ko sa kaniya. Malulugi ang negosyo ko sa timawang nilalang na nasa harap ko!
“Di naman halatang natural na patay gutom ka. Promise hindi talaga,” sarkastikong sambit ko sa kaniya habang nakapako ang paningin ko sa mga platong wala ng laman. Ngiting wagi naman ang loko.
“Teka nga bago ko ulit makalimutang itanong, bakit nga pala nanggugulo ka na naman dito?” Nakapangalumbabang tanong ko sa kaniya nang makapagpunas na siya ng bimpo sa kaniyang mukha.
“Wala lang, na miss lang kitang asarin kaso parang ako yung naasar sa sakit.” Nagrereklamong hinimas niya ang labi niyang pumutok na kasalanan din naman niya.
“Bakit parang kasalanan ko? kasalanan ko ba 'yon ha? Ikaw nga tong nanggugulat diyan eh. 'Wag kang mag-alala kasi wala namang nagbago, pangit ka pa rin.” Natatawang pang-uuyam ko sa kaniya. Aba! hindi naman tamang puro siya ang namimikon, dapat makabawi rin ako.
“Oo na lang Minia. Parang kanina lang ang lalim ng inisip mo tapos ngayon tatawa-tawa ka na? Grabe, ako na talaga yung kaligayahan mo 'no? Ayiee umamin ka na kasi sa'kin, crush mo na ako 'no?” Tumatawang pagbawi niya sa akin na ikinatahimik ko.
May pagkaseryoso naman tong si Arvy, madalas nga lang yung pagiging joker niya. Mahilig siyang mag-joke na hindi naman nakakatawa gaya nalang ngayon.
“Pero Minia, eto seryoso na, bakit ka ba kasi nakatulala kanina?” seryoso nang tanong niya sa akin na animo'y ibang tao na ang kaharap ko, real quick!
“Wala lang 'yon, nababaliw lang ako hahahaha.” Pilit ang tawang tugon ko sa kaniya, ewan ko ba kung bakit bigla akong kinabahan sa naging tanong niya.
“Hay naku Minia kilala na kita, alam ko na yung mga ganiyan mo, may problema ka eh.” Pumangalumbaba siya sa harapan ko. It's a statement not a question, bakit ba para akong isang transparent glass pagdating sa lalaking 'to?
“May iniisip lang hahahaha.” Pinanindigan ko nalang yung pagiging masaya, kahit pilit lang. Doon naman ako magaling eh, sa pagpapanggap.
“Ano ba kasi 'yang iniisip mo? pwede mo namang ishare sa akin para mailabas mo 'yang kinikimkim mo, busy pa naman ngayon yung dalawa kaya ako nalang muna pagsabihan mo.’’ Napakaseryoso ng tono niya dahilan para manibago na talaga ako sa kaniya, we rarely talk seriously like this one. Nasanay na akong palagi lang kaming nagtatawanan 'pag magkasama.
“Napakakulit mo talagang lalaki ka, wala nga kasi yun okay? isang maliit na bagay lang na ayoko ng palakihin pa,” paliwanag ko sa kaniya na ikinangisi nalang niya na parang ewan.
“Hay nako, ewan ko sa'yong babae ka! Kung siya na naman 'yan, naku wag mo ng isipin. Masasaktan lang puso mo, mabuti pang ako nalang isipin mo kaysa sa iba. Sa'kin hindi ka masasaktan.” Pabirong pagsuko niya, hindi ako sigurado pero parang may nakita akong sakit at panghihinayang sa mga mata niya. Ayan na naman ang laging pagkibot-kibot ng labi niya na animo'y may nais pang sabihin na sa huli ay ingingiti nalang niya.
Binatukan ko siya para mabawasan ang pagkailang na bigla ko nalang naramdaman sa unang pagkakataon.
Tumayo na ako sa mula sa kinauupuan ko, hinila ko na siya papunta sa pinto ng café at sapilitang itinulak palabas ng glass door. Nakangiting kumaway muna ako sa kaniya bago tumakbo pabalik sa lamesa namin at kinuha ang mga papels na isinama ko sa pagpasok ko sa loob ng sarili kong opisina.
Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang kakaiba at mabilis na t***k nito. What the hell did just happened?