Chapter 20 Minia's POV : Tinabihan ako ni mommy sa kinauupuan ko dahil huminto muna sila ni tita Luisa sa pagkukwentuhan para kumain or more like para pakainin ni tita Luisa ang anak niya. "Oy? Bakit hindi ka pa kumakain? 'Di ba gutom ka na? Ikaw pa nga ang unang nag-ayang kumain kanina." Malakas ang tinig na bulalas ni ate Mica dahilan para mapangiwi ako, medyo nahiya kasi ako sa sinabi niya kahit pa totoo naman iyon. Sinimangutan ko si ate Mica dahil sa panlalaglag na ginawa niya kaya naman napatahimik siya at mukhang nakuha agad ang nais kong iparating. "Oo nga anak, gutom ka na kanina pa ah? Sumabay ka ng kumain sa mga kaibigan mo." Mariin na lang akong napapikit sa sinabing iyon ni mommy, isa pa 'to eh, manong bumalik na lang sa pakikipagkwentuhan kay tita Luisa. "I'm okay mom,

