Chapter 38 Minia's POV : Para akong naglalakad sa ulap at tila may mga anghel na nag-aawitan sa paligid ko habang naglalakad kaming dalawa na magkahawak ang kamay. Parang panag-inip lang lahat, pangarap ko noon nobyo ko na ngayon. Hindi man siya gano'n kasweet na boyfriend, as long as may karapatan ako na angkinin siya at makasama ng madalas ay kuntento na ako. Eto nga at nasa mall kami't naglalakad-lakad, kasalukuyan kasi kaming nasa date raw namin bilang pambawi kasalanan niya sa akin. Inalis ko na sa isip ko ang nangyari kahapon, lalo na ang narinig ko kanina para naman hindi masira ang rare opportunity na makadate siya. Once in a blue moon lang 'to kaya talagang susulitin ko na. Walang mapaglagyan ang saya ko ngayon, kahit pa sabihing mukhang katawan lang ang kasama ko at hindi an

