Chapter 31 Minia's POV : "So tell me the reason, bakit kailangan niyong mag-pull out all at once?" Pinagsiklop ko ang mga palad ko bago iyon ipinatong sa mesa, inihahanda ko na ang sarili ko na makinig sa mga fabricated na kasinungalingan nila. "The company already lose million of dollars, dahil sa ginawang pagnanakaw ni Mr. Castro. I don't think na kikita pa ako sa kumpaniyang ito matapos ang nangyari." Dahil sa sinabing iyon ng isang ginang na nasa may bandang dulo ay nagsimula ng umugong ang ingay sa buong conference room dahil sabay-sabay at kaniya-kaniya na sila ng sinasabi. Tanging ako, si Scott at Harvest na lang ang nanatiling tahimik at kalmado rito. "Says who?" Panimulang tanong ko at pinagkrus ang mga braso sa dibdib ko. "Any other reasons?" Inilibot ko ang paningin ko para

