Chapter 27 Minia's POV : Halos limang minuto na ata akong nakatulala sa kaniya at walang maisagot. Sa rami ng tanong niya ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong unahin, parang nag-iinit ang pwet ko at gusto ko na lang tumayo at walk-outan na lang siya. Iyong unang tanong nga lang niya ang hirap ng sagutin. "Bakit hindi ka makasagot? I heard the whole story, talaga bang hindi mo sinadya? Umpisa pa lang ay hindi mo na dapat sila kinuhaan ng litrato kung wala kang motibo. Isa na naman ba 'to sa mga plano mo para siraiin kami?" Natahimik ako sa sinabi niya at hindi na nagawang ipagtanggol ang sarili ko, kung tutuusin ay may tama naman siya. Bakit ko nga ba iyon kinuhaan ng litrato? Ano nga ba talaga ang gusto kong mangyari? Wala naman na sana akong planong ganoon pero nakatatak na nga

