Chapter 4

2190 Words
Chapter 4 Fiona's POV : Higit na mas mabilis pa sa pag-andar ng Ferrari akong nabad mood nang dumating si Minia sa opisina namin. Puro kasi pang-lalaiit sa suot ko at pambubwisit na lang ang laging binubungad niya sa akin. Sa totoo lang ay sanay naman na sana ako, pero ewan ko ba, hindi ko pa rin talaga maiwasan ang mairita sa kaniya minsan. Kung bakit ba naman kasi napakabait sa ibang tao nitong si Minia, pero pagdating sa'ming mga kaibigan niya ay mas malabo pa ata sa mata ni lolo na magiging mabait din siya sa'min. "Oyy, sorry na." Nakangusong kinalabit niya pa ako kaya agad akong napabaling sa kaniya. Halos gusto ko ng lamukusin ang mukha niya nang makitang pinalobo niya ang matambok na niyang pisngi na siyang isa sa mga kahinaan ko. "Huwag mo nalang pansinin 'yong sinabi ko. Kilala mo naman ako 'di ba? Kahit pa gaano kaganda, 'di pa rin makita ng malabo kong mata. Wala eh, kagandahan ko lang talaga ang bukod tanging nakikita ko." Bumubungisngis na ani niya. Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin at nagsimula na namang mag-pacute, bagay na siyang ikinairap ko. As if naman kaya ko siyang tiisin, I sighed as a sign of defeat. "Oo nalang Minia, pero lumayo-layo ka nga muna sa'kin please? Lagi na lang nanakit ang ulo ko sa'yo." Naiiritang singhal ko sa kaniya, "shooo, distansya po please." Mataray na sambit ko sa kaniya na may kasama pang pagmuestra ng kamay ko. "Wow! Masyado ka magpalayas ha? Grabe siya, parang 'di kaibigan. Alam ko namang cute ako, pero 'di naman ako aso," nakangusong ani niya at nang-aasar na tinignan na naman ako mula ulo hanggang paa. Kahit kailan talaga 'tong babae na 'to, parang walang kasawaan sa pang-iinis! "Aangal pa kasi, manong lumayo na lang agad, hindi yung ang dami mo pang sinasabi diya'n. Do'n ka muna nga kasi." Itinuro ko sa kaniya iyong bakanteng sofa sa may sulok, mas mainam na umupo na lang siya doon kaysa naman tumayo lang siya at buwisitin lang ako maghapon. Sumunod din naman siya sa akin kaya nga lang ay mas nairita lang ako sa kaniya nang makitang para siyang kiti-kiting nakaupo do'n at hindi mapakali. Hindi na 'ko nakatiis pa at nilapitan na siya dahil 'di ako makapagfocus sa ginagawa, maging ako'y nagiging aligaga rin tuloy. Nang tuluyan na 'kong makalapit sa kaniya ay kinailangan ko pa nga siyang tapikin sa balikat para mapansin niya ako. "Ano na naman ba ang problema mong babaita ka? Para kang bulateng inasinan diyan." Nakangiwing pang-uusisa ko sa kaniya. "Kasi naman, 'di ko alam kung paano ako magsosorry kay ate Mica na hindi nabubugahan ng apoy." Nakangusong pag-amin niya at as usual, nagpacute na naman sa'kin ang gaga! Alam ko na agad kung bakit siya gumagan'on kahit wala pa siyang sinasabi, panigurado kasing magpapatulong sa'kin 'to para mag-kaayos na sila ni ate Mica. Kilalang-kilala ko silang dalawa at alam kong pareho nilang ayaw patagalin ang away at samaan ng loob sa pagitan nila, kahit pa madalas naman na mangyari iyon. Kung masiyadong masungit si ate Mica, si Minia naman ay masiyadong isip bata kaya imposibleng hindi sila mag-bangayan. Pero no hard feelings naman, alam naman naming iyon ang paraan ng pag-lalambing niya sa'min. "Oo na! I'll help you on this one. But once na gumawa ka na naman ni ikakagalit ni ate Mica, naku! bahala ka na kung paanong pakikipag-ayos ang gagawin mo." Seryosong banta ko sa kaniya na mabilis naman niyang tinanguan. Ngumiti pa nga siya ng napakalapad na akala mo eh solved na agad ang problema niya sa sinabi ko. "Yes! Promise, I'm a good kid at hindi na ako gagawa ng ikagagalit ni ate Mica." Nakataas pa ang kanang kamay niya habang sinasabi iyon na animo'y nanunumpa. Nangingiting napailing nalang ako sa kaniya, childish as always. Kapwa naghintay muna kami ng tamang tyempo para maka-usap ng maayos si ate Mica, for her time is gold. Ayaw na ayaw niyang naiistorbo sa mga ginagawa niya, para sa kaniya ay may oras para sa lahat ng bagay at dapat gamitin ito ng tama. Mahirap na, baka kasi sa halip na mag-kaayos ang dalawa ay mas mag-away pa pag inistorbo namin siya. Nang mag-break time ay dahan-dahan kaming lumapit ni Minia sa kaniya, "ate Mica," mahinang pagtawag ko sa kaniya, iyong sapat lang para marinig niya. Humigpit ang pagkakakapit ni Minia sa palad ko nang humarap sa'min si ate na nakataas ang isang kilay pagkatapos niyang makakuha ng maiinom niya sa fridge. "Oh, bakit?" Masungit na tanong niya, dahil doon ay parang tanga na mas napatago pa si Minia sa likod ko na para namang hindi siya sanay do'n. As if! Eh lagi nga silang nag-aaway nito ni ate, walang kasawaan. "Sorry daw, bati na raw kayo ni Minia," labag sa loob na bulalas ko. Paano, sobrang nakakainis naman kasi 'tong si Minia na parang bata lang kung makakapit, halos mahubaran na kasi ako sa tindi ng pagkakapit niya sa polo shirt ko na suot ko. "Eh bakit ikaw ang nag-sasabi? Wala bang sariling bibig 'yan? Presidente na ba siya at ikaw ang spokesperson?" Mas tumaas pa ang kilay ni ate Mica na mas lalong ikinastrikta ng itsura niya. Napangiwi ako nang mas humigpit pa ang pagkakapit sa akin ni Minia, halos maputol na ang gahiblang pasensiya ko para sa kaniya, kaunti na lang at masasapak ko na 'tong babaeng 'to eh. Bigla ay parang timang na humalakhak si ate Mica dahilan para mapasilip sa kaniya si Minia. Grabe, 'di ako informed na contagious pala ang kabaliwan ni Minia! "Baliw, wala na sa'kin 'yon. 'Di pa ba halata? Pinansin at kinausap na nga kita kanina 'di ba?" Tawang-tawa pa rin si ate Mica habang sinasabi iyon. Napailing nalang ako at hinila ang polo shirt ko mula sa pagkakahawak ni Minia. Umalis na ako sa harapan nila para bumalik na sa ginagawa ko, bahala na silang dalawa ro'n. Sa muling pagsilip ko sa gawi nila ay napangiti na lang ako sa nakita. Tatawa-tawa na silang nagkukwentuhan ngayon habang ang sandamakmak na snacks ang nasa harapan nila ay paubos na. Iyong dalawang iyon talaga, magkasundong-magkasundo pag may pagkain sa harapan nila. Kaya ayan, mukhang sira na naman ang tinatawag nilang diet na naiisip lang naman nila kapag busog na sila. "Guyssssss!" mahabang pagsigaw ni Minia na ikinagulat ko, muntik ko pang maistapler ang daliri ko! "Oy, Minia ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ni ate Mica na mukhang gaya ko ay nagulat rin. "Haysss." Problemadong napabuntong hininga pa siya nang mag-angat siya ng tingin mula sa pagkakayuko. Dahil do'n ay itinigil ko muna ang ginagawa ko at lumapit sa kanila para maki-usiyoso. "Para kang tanga, bakit ka ba bigla-bigla na lang sumisigaw?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya na hindi na naitago pa ang iritasyon sa tinig ko. "Wala namang masakit sa akin physically, pero emotionally drained na ako sa nakalipas na mga araw. Ang bigat-bigat ng dibdib ko." Malungkot na pag-amin ni Minia sa'min. Mukha na nga siyang maiiyak sa itsura niya ngayon eh. "Talagang mabigat dahil malaki masyado 'yang pakwan mo." Natatawang pagbibiro ko para pagaanin sana ang loob niya kahit paano pero napanguso na lang ako nang hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Si Harvest na naman ba ang dahilan?" Nakataas ang isang kilay na tanong sa kaniya ni ate Mica na para bang iyon lang ang pinakaposibleng dahilan. Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Minia na pareho naming ikinakunot-noo ni ate Mica, strange. "Si Arvy kasi, Hindi na nagpaparamdam sa'kin simula nung huling pag-uusap namin which happens kung kailan niyo rin ako huling pinansin." Nakabusangot ang mukha niya nang sabihin 'yon pero halata pa rin naman ang pag-aalala sa mga mata niya. Kung may mga lalaki mang mahalaga para sa kaniya bukod kay tito Michael na sarili niyang ama, iyon ay si Harvest at Arvy na sanggang dikit niya. Alam kong hindi nabubuo ang araw ni Minia kapag hindi nagpaparamdam o nagpapakita man lang ang lokong iyon sa kaniya. Ganoon sila kalapit sa isa't-isa, naalala ko pa nga no'n na madalas na napagkakamalan silang magjowa. Kahit pa kasi sabihing para silang manok na nagsasabong lagi ay hindi pa rin maikakaila yung sweetness nila sa isa't-isa. "Kahit isang text man lang ay wala akong natanggap sa kaniya and we all know that it is very unusual. 'Di ko tuloy alam kung napapano na 'yon eh, baka mamaya nagtatampo na rin pala sa'kin 'yon. Ayoko naman ng itext ulit kasi 'di naman na siya nag-rereply sa'kin." Pumangalumbaba siya sa lamesa, mukhang problemado at tila nag-iisip. "Oh talaga?" Tila napapantastikuhang bulalas ni ate Mica, "baka nga ba? may nagawa ka sigurong kasalanan kaya gano'n?" Kibit-balikat na sambit pa niya na ngayon ay nagsisimula nang pumirma sa mga sandamakmak na papeles sa harap niya. "I don't know, alam ko sa sarili kong wala kaya nga nagtataka ako eh," tugon niya na napabuntong hininga pa, "bahala siya sa buhay niya! Kung ayaw niya akong kausapin, edi hindi ko rin siya kakausapin. Magmatigasan na lang kami." May pinalidad niya iyong sinabi pero halata naman sa mukha niya na na-mimiss na niya ang loko. Sus! sigurado naman akong hindi niya rin matitiis iyong ugok na 'yon, ipupusta ko pa ang bahay namin ni ate. "Jusme! Tigilan mo kami sa kakaganiyan mo Minia at hindi naman totoo." Medyo natatawang pang-aasar sa kaniya ni ate Mica na ang buong atensyon ay nasa mga papeles pa rin na kailangan ng pirma niya. Napatawa na lang din ako habang patuloy pa rin sa pag-rerepack bilang pagsang-ayon. Masyado kaming natambakan ng gawain ni ate Mica kahit pa halos dito na kami tumira sa opisina namin sa may factory, ewan ko ba kung paanong nangyari na kung ano pa yung mga kailangang-kailangan na matapos ay 'yun pa 'yung mga naiwang hindi pa namin nagagawa. Ewan! Puro trabaho na lang ata ang ginagawa namin sa mga nagdaang araw pero eto at parang hindi naman nababawasan. Minsan nga ay napapaisip ako kung bakit pa kami gumastos sa pagpapagawa ng bahay ni ate eh, halos bibihara lang naman kaming mapirme ro'n, kaunti na lang nga siguro at magiging hunted house na iyon eh. "So, hindi ka na marupok ng lagay na 'yan? Stop pretending na nga, I know naman na alalang-ala ka na ro'n." Binato sa kaniya ni ate Mica ang sign pen niya na paniguradong wala na namang tinta. "Oo na, nag-aalala na ako. Sino ba naman kasi ang hindi diba? Malay ko ba kung nasaang lupalop na 'yung kulugo na 'yon. Limang araw nang hindi nagpaparamdam, hindi ko tuloy alam kung napahamak na ba 'yon o sadyang nagpapamiss lang." Nakangusong pag-amin niya. I knew it! Halata naman na kasi sa mukha niya kahit pa hindi niya sabihin. "Oh, 'wag kang iiyak." Pang-aalaska sa kaniya ni ate Mica na ikinalukot ng mukha ni Minia. Nakakahalata na ko ha, mukhang nasa mood mambuwisit 'to ah? "Subukan mo kayang tawagan yung pinsan niya para malaman mo kung ano nangyayari 'di ba?" Sumabat na ako sa usapan nila bago pa sila magsabong dito, baka mas lalo kaming walang matapos na trabaho ni ate. "Naisip ko na rin 'yan Fiona, kaya lang ay wala akong number ni kuya Ian. Alangan namang hulaan ko nalang 'di ba?" Maarteng tugon niya sa'kin. Kanina ko pa talaga gustong hambalusin 'tong babae na 'to eh. "Wala kang bibig girl? Bakit 'di ka kasi nagtatanong sa'min?" Mataray na tanong sa kaniya ni ate Mica, "kay Fiona lang ay meron." Dagdag pa nito. Napatango-tango naman ako sa sinabi ni ate kahit pa 'di naman nila ako nakikita dito sa sulok. "Minia," pagtawag ko sa pangalan niya na mabilis naman niyang ikinalingon sa'kin. "Catch!" Sigaw ko at inihagis ang cellphone ko na sa kabutihang palad ay nasalo naman niya, naks! Akala ko ay bibili na ako ng bago eh. "Thanks." Inihagis niya pabalik ang cellphone ko sa akin matapos makuha ang kailangan niya. Kawawang cellphone, matapos gamitin ay aayawan at pagpapasa-pasahan na lang. "Oh, eh bakit paupo-upo ka pa rin diyaan? Ba't 'di mo pa tawagan. Ano pang hinihintay mo, pasko?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya nang mapansing pachill-chill na lang siyang nakaupo ngayon. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Kanina namomroblema tapos ngayong nakahanap na ng solusyon ay tutunganga lang pala. Kahit kailan talaga ay hindi ko maintindihan ang takbo ng utak niya. "Mamaya na lang siguro," ani niya. "Baka kasi bad news ang bumungad sa'kin, 'di pa ko ready. Happy pa naman ako na nagka-ayos na uli tayong tatlo." She smiled genuinely. Sa totoo lang, napaka sweet na tao ni Minia sa kabila ng pagiging mapang-asar niya. Medyo binabawasan lang niya kapag kasama kami ni ate Mica dahil alam niyang ayaw namin at hindi kami kumportable sa gan'on. Nasanay na kasi kami sa mga magulang namin na laging seryoso at pormal ang paraan ng pag-kausap sa amin na akala mo'y business client din nila kami. "Ewan ko sa'yo, ang lakas talaga ng trip mo. Ichecheck mo nga minsan kung tamang gamot pa ba 'yung naiinom mo. Hindi ata pampalinaw ng mata 'yon eh, nagiging abnormal ka na eh." Pagbibiro ko sa kaniya na tinawanan lang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD