Chapter 45 Minia's POV : Makalipas ang ilang minutong pagupo at pagmumuni-muni lang sa Cafe ay naisipan kong lumabas numa para naman makapag-unwind at marelax ang utak ko kahit papaano. Pinili ko na mamasyal na lang muna ngayon sa mall at magshopping na rin dahil isa iyon sa mga bagay na ginagawa kong stress reliever. Ilang oras na akong nag-iikot ikot sa loob simula nang makapasok ako pero ni isa ay wala pa rin nakakakuha ng atensyon ko kaya naupo na lang muna ako sa isang malapit na bench sa pwesto ko dahil nakakangalay ang palakad-lakad sa lugar na ganito kalaki at kalawak. Hindi ko alam kung bakit parang kahit na nandito ako para magrelax ay mas lalo lang akong na-iistress dahil wala talaga ako sa mood ngaying araw, masiyadong marami ang iniisip ko kaya hindi ko magawang mag-enjoy.

