HUGO POV.
HINDI ko palalampasin ang pagkakaton na ito, total ang babaeng ito ang kusang lumapit sa akin. Siya ang gagamitin ko upang makaganti sa ama niya, at ipamukha sa aking asawa na hindi siya kawalan sa buhay ko.
Harap-harapan na ang ginagawang pagtataksil ni Cindy sa harapan ko, tila proud pa na ipakita sa mga tao na masaya siya sa lalaking ‘di hamak na mas matanda kaysa sa akin.
“Sign it, upang pareho na tayong maging malaya sa papel na ‘yan!” sabay baba ko ng annulment paper, sa harap niya.
“Bakit ko naman ‘yan pipirmahan para maging malaya kayo ng babaeng yon?”
“Oo,” walang paligoy ligoy kong sagot sa kanya. “At para din maging malaya kayo ng lalaki mo.” Sabay de kwatro ko sa harap niya.
“Pwes! Hindi ko yan pipirmahan!” Singhal niya sa akin, ganun pa man hindi ako nagpakita ng kahit anong reaskyon.
“Ikaw ang bahala, kung ayaw mong maging malaya sa pakikiapid sa taong may asawa.” Tumayo na ako at iniwan na ang annulment paper. Ngunit nang nasa pintuan na ako ay muli kong narinig ang boses niya.
“Kung gusto mong pirmahan ko ito, ibigay mo sa akin ang kalahati ng Karapatan ko!”
“Sayo na ang bahay na ito, hindi naman ako interesado, lalo at labas masok dito ang lalaki mo.”
“Hindi ito ang kalingan ko!” malakas na sabi niya.
“Ano pala ang gusto mo?” malamig kong tanong sa kanya.
“Kalahati ng mana mo, pag ibinigay mo sa akin iyon, pipirmahan ko ang annulment paper.”
Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa paglalakad, pagdating ko sa nakaparada kong pick up ay agad akong sumakay. Ngunit bago ako umalis, binuksan ko ang bintana at minsan pang sinuyod ng tingin ang kabuuan ng malaking bahay.
Ang bahay na ito ay nagmula sa pawis ko, dahil dito dinanas ko ang alipustahin, sigawan, at gawing utusan.
Simula ng pinakasalan ko si Cindy at tinakwil ako ni Papa, dinanas ko lahat ng hirap. Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking asawa, lahat tiniis ko maipatayo ko lang ito.
Ngayon, tuluyan nang nawasak ang binuo kong pangarap para sa aming dalawa, at para sana sa magiging mga anak namin.
Sinara ko ng bintana at dahan dahang pinausad ang sasakyan. At habang palayo sa bahay na naging tahanan ko ng ilang taon. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha.
Sunod-sunod akong umiling, hindi ko dapat iniiyakan o pinaghihinayangan ang bahay na nagbigay sa akin ng puro hirap at sakit. Pinahid ko ang aking luha at inayos ang sarili, saka pinasibad palayo ang pick up ko.
Huminto ako sa parking lot ng coffee shop na aking pagmamay-ari. Ilang weeks na rin itong open. At sa tulong ng mga dati kong kaibigan ay unti-unting bumalik ang dating mga costumer.
Ganun din ang mga kapatid ko, sina Argus Emanuel at Rufus Nathan, bumalik ang dating sigla ng coffee shop na ito.
“Brother, payag ka ba, ang bakanting lupa sa tabi nito ay patayuan ko ng RestoBar?” tanong ng nakangiting si Argus Emanuel.
“Ikaw ang bahala, basta wag mo lang akong kalabanin.” Biro ko sa kanya.
“Tapos ako naman, doon sa kabilang side, patatayuan ko ng Bowling & Billiards.” Wika naman ni Rufus Nathan.
“Aba, maganda yon, walang kawala ang mga costumer, pag napagod silang maglaro at gustong magkape, hindi na sila lalayo pa.” sagot ko na may bahagyang ngiti.
“Tama, at sa gabi naman pag gusto nilang maglibang o uminom, nariyan ang RestoBar.” Masayang sagot ni Argus Emanuel.
“Anong ingay dito?” malakas na tanong ni Monaliza Margarett, ang kapatid naming babae.
“Bakit, join ka sa amin?” tanong ko sa kanya.
“Oo ba, basta ba babalik ka na sa mansion Del Fierro?” wika niya sabay yakap sa braso ko. “Please, Kuya Hugo?”
“Pag-iisipan ko…”
“Wag mo na pag-isipan, kilala ko yung girl na ipapalit mo sa malanding Cindy na yon, huh!” pangba-blackmailed ni Monaliza Margarett sa akin.
“Humm… sino naman ang babaeng sinasabi mo?” kaila ko sa kanya.
“Yung anak ng kabit ni Cindy, ang ganda niya, bagay kayo, Kuya Hugo.” Pakindat kindat na pahayag niya habang nakatingin sa akin.
“Aba, Magandang balita yon, patingin ng picture niya, gagawin ko siyang manager ng RestoBar ko.” malapad ang ngiti ni Argus Emanuel.
“Magtigil nga kayo, hindi siya pwedeng ma-involve sa pamilya natin.” pagtutol ko sa kanila.
“Bakit naman, brother, ano ang problema, ayaw mo non magagamit natin siya at saka kung nais mong gumanti sa kanyang ama, madali mong magagawa.” Sulsol ni Rufus Nathan.
Hindi ako sumagot, pero naglalaro sa isipan ko ang sinabi ng kapatid ko. Bakit nga ba hindi ko samantalahin ang pagkakataon?
Lihim akong napangiti sa idea na pumapasok sa aking isipan. Tama na ang pagiging tanga ko sa babae. Panahon na upang ipamukha ko sa lahat kung sino talaga si Hugo Nick Del Fierro, ang taong; minamaliit, inaalispusta, inuutos-utusan at ipinagpalit sa lalaking ‘di hamak na mas matanda pa sa akin.
“Magkita tayo mamaya, diner sa mansion Del Fierro,” nakangiti kong pahayag sa tatlong kapatid ko.
“So, ipapaalam ko na ba kay Papa ang pagdating mo, Kuya Hugo Nick?” masayang tanong sa akin ni Monaliza Margarett.
“Ikaw ang bahala, sabihin mo na rin ihanda na rin niya ang mga card ko, buksan ang account ko, susi ng mga sasakyan at penthouse ko.”
“Okay!” malakas na sagot niya, sabay yakap sa akin. “Thank you, Kuya Hugo Nick, alam ko magiging masaya na si Papa.” Aniya pa.
“Bakit habang wala ako hindi ba siya masaya sa dalawang ‘yan?” turo ko kay Argus Emanuel at Rufus Nathan.
“Masaya naman, kaya lang iba pa rin yung panganay eh, ikaw lagi ang bukang bibig ni Papa.” May lungkot sa pananalita ni Monaliza Margarett.
Hindi na ako sumagot, nakaramdam ako ang kirot sa aking dibdib, lalo ng maalala ko ang disappointed sa mukha ni Papa, noong malaman niyang kasal na kami ni Cindy. Kaya ngayon babawi ako sa mga panahon na wala ako sa tabi niya, hihingi ng tawad dahil sa mga maling naging desisyon ko. Alam ko nasaktan ko siya ng lubos, ako pa naman ang panganay sa aming lahat. Ang inaasahan niyang makakatuwang sa pagpapatakbo ng mga negosyo.
HAPON, sakay ako ng aking pick up, hindi na ako hinarang sa main gate, kilala naman ng mga gwardiya ang sasakyan ko. Sapagkat maraming beses akong nagtungo sa mansion ngunit hindi ako tumuloy sa loob. Naroon lang ako sa labas at nakatanaw, ilang minuto na at aalis din agad.
Pero ngayon, babalik na ako, sa mansion kung saan ako isinilang at lumaki. Sa piling ng tunay na pamilyang tanging nagmamahal sa akin ng walang hinihintay na kapalit. Sa lugar na ito, tinuruan ako ng aking ama at ina upang maging mabuting tao.
Ipinarada ko ang aking sasakyan sa harap ng main door, pagkatapos inabot ko ang susi sa isang tauhan, paki-park mo sa basement.”
“Welcome back po, Master Hugo.” Sabi ng nakangiting tauhan ni Papa.
“Salamat, Emil, akala ko nakalimutan mo na ako, pagbibiro ko sa kanya.
“Hindi po, Master, lagi ka nga namin hinihintay, ang pinaka mabait sa buong pamilya, Del Fierro.”
“Marinig ka ng dalawang kapatid ko,” wika ko habang natatawa.
“Nasa loob na po sila kanina pa.”
Napahalakhak na ako, bago nagpaalam sa kanya at naglakad papasok sa loob ng malawak na living room. Nakakapanibago, ilang taon din akong nawala dito pero marami na ang magbago. Ganun pa man naroon pa rin ang malaki kong painting katabi ng painting ni Papa at Mama.
Saglit akong huminto at nanatiling nakatingala, hindi ko napigilan ang maluha, naalala ko na naman si Mama, kung paano niya ako minahal ng higit pa sa lahat, siya lagi ang tagapagtanggol ko, kahit noong itinakwil ako ni Papa, nakita ko kung gaano siya nasaktan.
“Hugo Nick, welcome back, Son.” Narinig ko ang noses ng aking ama.
Dahan dahan akong lumingon at nakita ko si Papa, nakabuka ang magkabila niyang braso para salubungin ako ng yakap. Habang ang mga kapatid ko ay nasa tabi niya kahit mga nakangiti ay luhaan ang mga ito na nakatingin sa akin.
Tumakbo ako at walang pagdadalawang isip na yumakap sa aking ama, pagkatapos ay agad na lumuhod sa harapan niya. “Papa, patawarin mo po ako, sinuway kita at binigyan kita ng maraming alalahanin…”
“Anak, tumayo ka riyan, hindi mo kailangan gawin ang bagay na ‘yan, ang pagbabalik mo dito sa mansion ay sapat na.” Saka ako hinila patayo ni Papa.
Luminga ako sa paligid at hinanap si Mama, ngunit hindi ko siya nakita. Kaya bumaling ako sa kanilang lahat, ngunit umiling si Papa, at napakunot noo ako. Hindi ko sila maintindihan, kaya muli akong nagtanong. Pero walang may gusto na magsalita, kaya tinawag ko si Papa, direkta ko siyang tinanong. “Papa, nasaan po si Mama?”
“Son, matagal na siyang pumanaw…”
“No!” Sunod sunod kong iling habang pumapatak ang aking luha.
“Noong pinalayas kita, hindi siya masyadong nakakatulog, ayaw din niya akong kausapin pagkatapos lagi na siyang umaalis kasama ang kanyang PA… hanggang isang araw, kasalukuyan akong nasa meeting nang may tumawag; ang sabi nasa oepital ang Mama nyo, iniwan ko ang meeting kahit mahalaga iyon at pinuntahan ko siya.” Sandaling huminto si Papa, huminga siya ng malalim bago nagpatuloy.
“Doon ko nalaman na stage 4 ang cancer niya. Noong kinausap ko siya saka lang niya inamin na noong araw na pinalayas kita dito sa mansion, malala na ang sakit niya. Ayaw daw sana niyang sabihin sa akin ang totoo pero baka sisihin ko ang aking sarili sa maaga niyang pagkamatay.”
Napaluhod ako at hindi malaman ang gagawin, hindi ako galit sa aking ama o kahit sino sa mga kapatid ko. Pero hindi ko mapigilan sisihin ang aking sarili. Bakit hindi ko man lang nalaman na may sakit pala ang pinakamamahal naming ina?