PANGYAYARI SA PARTY

2121 Words
ALEXIA POV. ILANG beses akong kumawala sa pagkakahawak ni Mr. Hugo Nick sa braso ko, ngunit sa bawat pagbitaw ko, mabilis niyang ibinabalik ang kamay ko sa kanya. Pakiramdam ko noong mga sandaling iyon, para akong naroon sa ibang mundo. Ang malawak na hall ay punô ng mga bisita. Kahit saan ako tumingin, puro karangyaan ang bumungad sa akin. Ang mga babae at lalaki roon ay mistulang mga celebrity, tila hindi uso sa lugar na iyon ang salitang pangit. Ang kanilang mga kasuotan ay mamahalin, at halata sa kilos at pananalita na mula sila sa mga angkan ng mayayaman. Nang saglit na makalingat si Mr. Hugo Nick, agad akong tumalilis. Mabuti na lamang at may babaeng kumausap sa kanya, kaya nakalusot akong makalabas ng hall. Hindi na ako makahinga sa loob; sumasakit ang ilong ko sa iba’t ibang pabango ng mga bisita. Habang naglalakad ako, natanawan ko ang isang bakanteng upuan malapit sa fountain. Agad akong umupo roon, baka may makauna pa. Ayaw ko nang tumayo nang matagal; kanina pa sumasakit ang aking mga binti. Ang taas kasi ng heels na binili ni Mr. Hugo Nick, at ang haba pa ng gown, kaya wala akong nagawa kundi tiisin. Ilang minuto na akong nakaupo at nagsisimula nang mainip nang may lumapit na lalaki. Gwapo… iyon agad ang unang pumasok sa isip ko. Matipuno ang katawan, matangkad, at moreno ang balat. Mas lalo pang lumitaw ang tikas niya sa liwanag ng posteng malapit sa aming pwesto. “Ms. Alexia, bakit nag-iisa ka rito? Nasaan ang kasama mo?” tanong ng lalaki. “Kilala mo ako, Mister?” nagtataka kong tanong habang nakatingin sa kanya. “Oo naman. Sino ba ang hindi makakakilala sa kagaya mong maganda?” aniya, may halong playful na ngiti, na agad ikinataas ng kilay ko. Kung hindi lang siya gwapo, baka tinalikuran ko na siya at iniwan. “Bolero ka rin pala, kagaya ng mga kilala ko,” seryoso kong tugon bago ko ibinaling ang tingin sa fireworks na nagsisimula nang magningning sa kalawakan. “Hindi ako bolero. Totoo ang sinasabi ko,” sagot niya, hindi pa rin nawawala ang ngiti. Napa-rolling eyes na lang ako at muling tumitig sa madilim na kalangitan. So, hindi ka pala kuntento sa isang lalaki lang? Ngayon iba na naman ang kasama mo? Napalingon ako sa paligid nang marinig ang boses ng isang babae. Wala namang ibang tao roon kundi kaming dalawa at ang lalaking kumakausap sa akin. “Ako ba ang pinagsasabihan mo, Miss?” madiin kong tanong. “Bakit? May iba pa bang babae dito maliban sa ating dalawa?” sagot niya, mayabang ang tono. “Sino ka ba? Kilala mo ako? At kung makapagsalita ka, parang ang tagal na nating magkakilala.” “Bakit? Hindi ba obvious ang ginagawa mong pang-aakit sa mga lalaki?” “Hey, woman,” singit ng lalaki, halatang naguguluhan, “bakit ganyan ang pananalita mo? Magkakilala ba kayong dalawa?” “Hindi ko siya kilala,” sagot ng babae, hindi man lang lumambot ang tono, “pero ang ganyang mga galawan, masyadong obvious. Naghahanap ka ng mayayamang lalaking masisiló, hindi ba? Kaya mo iniwan sa loob si Mr. Hugo Nick… dahil alam mong hindi ka niya seseryosohin.” “Aba, magdahan-dahan ka sa pananalita mo. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko,” sabi ko, halos naniningkit na ang mga mata sa gigil. Isang maling salita pa mula sa kanya at baka sapakin ko talaga siya. “Pinagbabantaan mo ba ako?” matapang niyang tanong habang humahakbang palapit. Sa gilid ng paningin ko, napansin kong bahagyang tumabi ang lalaki at para pang binigyan niya ng daan, ang babaeng ito na kung umasta, waring hindi naturuan ng kahit kaunting asal. “Hindi ako nagbabanta,” mariin kong sagot. “Sinasabi ko lang sa’yo kung ano ang maaari kong gawin. Kaya tumigil ka. Hindi naman tayo magkakilala para insultuhin mo ako at sabihan ng kung anu-anong kababuyan.” “B*tch,” bulong niya, sapat para marinig ko bago niya ako tinalikuran. Hindi pa siya nakakalayo, mabilis na kumilos ang katawan ko. Tumayo ako at sinundan siya, at sa isang iglap, malakas ko siyang sinipa sa likuran. Napasubsob siya sa semento. “Bakit ka nananakit?!” sigaw niya agad… sadyang malakas, tila ba sinasadya niyang humingi ng atensyon. At hindi nga nagtagal, may mga taong nagsimulang maglapitan. Nanatili akong tahimik, nakatitig lamang sa kanya. Kung ako lang ang masusunod, sinampal ko na sana siya, pero nagpigil ako. “Anong nangyayari dito?” boses iyon ni Mr. Hugo Nick. Napaatras ako nang kaunti para bigyan siya ng daan. “Ang babaeng ‘yan, basta na lang ako sinipa!” sigaw pa ng babae, sabay turo sa akin. Humarap sa akin si Mr. Hugo Nick, nakakunot ang noo. “Totoo ba na sinaktan mo siya?” “Oo,” diretso kong sagot, hindi man lang nag-iwas ng tingin. “At sa mga kagaya niyang may mabahong bunganga, kulang pa nga ‘yon. Sa susunod, kakalbuhin ko na siya.” Kalmado ang boses ko, pero mariin ang bawat salita. “Palibhasa wala kang breeding!” sigaw ng babae. “Siguro sa squatters ka nakatira, kaya bayolente ka! Hah!” Lumapit ako sa kanya, halos nag-aapoy na ang mga mata ko. “Anong sinabi mo? Wala akong breeding? Ikaw nga itong basta lumapit dito at kung anu-anong masasamang salita ang binabato sa akin, eh hindi naman kita kilala!” “Talagang bayolente ka!” balik niya, taas-baba pa ang kilay. “Ah, ganun pala, huh?” At bago pa ako mapigilan, malakas ko siyang sinampal. Tumunog iyon, malinaw, madiin, at nakabibingi sa katahimikan ng mga taong nakapaligid sa amin. “Alexia, enough!” sigaw ni Mr. Hugo Nick. Sa halip na kumalma, mas lalo pang nagliyab ang galit ko. Hinarap ko siya, umiigting ang aking panga. “Bakit mo ba kasi ako pinilit na isama dito? Akala mo ba gusto kong pumunta sa lugar na ‘to, kung saan karamihan ng tao ay mapagkunwari at plastik?!” Yumuko ako at walang pakundangang hinubad ang heels ko. Sa bwisit na ‘to, nagkaroon pa ako ng paltos. Malakas kong itinapon ang sapatos sa loob ng fountain. Pagkatapos, nililis ko ang gown at tumakbo palayo. “Alexia! Saan ka pupunta?!” sigaw ni Mr. Hugo Nick. Huminto ako, humarap, at buong lakas na sumigaw, “Magsama kayo ng babaeng ‘yon! Bagay na bagay kayong dalawa!” Muli akong tumakbo, diretsong patungo sa nakabukas na malaking gate. Pero napahinto ako nang makita kong napakadilim sa labas, walang ilaw, walang tao, at higit sa lahat… walang kahit anong masasakyan. “Bwiset talaga! Kapag minamalas ka nga naman, wala naman palang masasakyan dito!” sigaw ko sa kawalan. Tumingin ako sa suot kong gown at yumuko, handang kagatin ang laylayan para punitin ito, nang biglang may nagsalita mula sa aking harapan. Saka ko lang napansin may sasakyan na nakahinto doon.. “Ms. Alexia, get in.” Nabitawan ko ang tela at agad na lumingon sa sasakyang huminto sa harap ko. Nakita ko ang lalaking nakausap ko kanina doon malapit sa fountain, nakaupo sa driver's seat, nakabukas ang bintana. “Come on,” aniya, kalmado ang boses. “Wala kang masasakyan dito. Exclusive ang lugar na ‘to.” aniya pa. Wala akong nagawa kundi sumakay. At sa paraan ng tingin niya, seryoso pero may halong pag-aalala, parang mapagkakatiwalaan naman siguro siya. “Salamat, ha?” mahina kong sabi, halos nahihiya pa. “Nakakatuwa ka pala,” sagot niya, nakangiti. “Akala ko kanina hahayaan mo na lang ‘yong babaeng ‘yon na ipagpatuloy ang pang-iinsulto sa’yo.” “Ayaw ko naman talagang gawin ‘yon,” sagot ko habang napapabuntong-hininga. “Kaya lang… napilitan ako. Hindi naman ako gano’n. Ilang buwan na lang, gagraduate na ako, tapos sasabihan niya akong walang breeding? Nakakahiya tuloy sa’yo.” Napayuko ako, pero kita kong parang naiintindihan niya kung bakit ko nagawa ang lahat. “‘Wag mo na ‘yon isipin,” aniya. “Tama lang ang ginawa mo. Ahm… saan pala kita ihahatid?” “Doon na lang sa may parte ng lugar na may masasakyan ako.” “Ihahatid na kita sa bahay niyo. Gabi na, delikado kung magko-commute ka. Isa pa, mahihirapan ka sa suot mo.” “S-Salamat. Ahm… ano pala pangalan mo?” “Emanuel,” sagot niya, bahagyang tumawa. “Dalawampu’t walong taong gulang. Binata. Walang nobya.” Napatawa ako kahit ayaw ko sanang magpahalata. “Imposible naman yata. Hindi ka naman pangit… bakit wala kang nobya?” tanong ko, sabay taas-baba ng kilay. “So… nagugwapuhan ka sa akin?” mayabang niyang tanong, puno ng lambing ang tono. “Aba, hindi ah!” mabilis kong sagot. Mayabang talaga, bulong ko sa isip ko. Medyo may hangin din pala ang utak ng isang ‘to. “Ikaw naman,” siya naman ang nagtanong, “may boyfriend ka na ba?” “Wala,” sagot ko nang walang pag-aalinlangan. “Ayaw ko ng relasyon. Sagabal lang ‘yon sa buhay ko. Marami akong responsibilidad. Ayaw ko nang dagdagan pa ang mga iniisip ko.” “Ano ba ‘yan,” aniya, kunwari’y malungkot ang boses. “Liligawan pa naman sana kita, pero hindi pa man lang ako nagsisimula, basted na agad?” Napasimangot ako at napailing. Akala siguro niya naniniwala ako. Alam ko namang sinasabi lang niya ‘yon para maalis ang isip ko sa mga nangyari kanina. Makalipas ang isang oras, huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. “Maraming salamat, Mr. Emanuel. Ingat ka sa pagmamaneho,” wika ko. “You’re welcome, and thank you. Lagi naman akong nag-iingat… lalo na ngayong nakilala kita,” pabiro niyang tugon. “’Wag mo akong biruin. Hindi talaga kita bibigyan ng kahit anong tsansa. Kagaya ng sinabi ko, marami akong responsibilidad, isa na ang mama ko na may malubhang karamdaman.” “Fine! Pero pwede naman tayong maging magkaibigan, right, Ms. Alexia?” “Oo na, friends.” Kumaway ako sa kanya, at ilang sandali pa ay pinaandar na niya ang sasakyan. Nagsimula na rin akong maglakad papasok sa eskinita. May ilang tambay na bumati sa akin; tinanguan ko sila nang mabilis. Pagdating ko sa loob ng bahay, nagmamadali akong nagbihis bago puntahan si Mama. “Ma, tulog ka na po ba?” Mahina kong tawag habang dahan-dahang lumalapit sa kama niya. “Gising pa ako, anak. Kumusta ang party?” tanong niya, may bahagyang ngiti sa labi. “Ayos lang po. Ikaw, kumusta ang pakiramdam mo at gising ka pa sa ganitong oras?” “Hinihintay kitang umuwi, anak. Ngayon na nandito ka na, pwede na akong matulog,” masaya niyang sabi. Lumapit ako at marahang yumakap sa kanya. “Ilang linggo na lang po, graduation day ko na. Kaya dapat magpalakas ka, Ma. Aakyat ka sa entablado para sabitan ako ng medalya,” naiiyak kong pahayag. Kanina bago kami tumungo sa party, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Senyor. Sabi niya, ihanda ko raw si Mama, pagkatapos ng graduation ko ay tutuloy kami sa America para doon siya ipagamot. “Salamat, anak. Hindi mo kami binigo ng papa mo,” tugon niya habang hinahaplos ang buhok ko. “Kaya ipangako mo pong gagaling ka. Gagaling ka, Ma… at magkakasama pa tayo nang matagal. I love you, Mama.” “I love you too, anak. Sige na, magpahinga na tayo. May pasok ka pa bukas.” “Opo, Ma. Good night.” Mahina kong tugon bago ako bumitaw sa pagkakayakap at halikan siya sa noo. Inayos ko ang kumot niya bago tuluyang lumabas ng silid. Paglabas ko, nagulat ako nang makita si Mr. Hugo Nick. Bakit siya naririto? At paano siya nakapasok? Sigurado akong isinara ko at nilock ang pinto kanina. “Pinapasok ako ng papa mo. Nagkita kami sa harapan ng bahay n’yo,” sabi niya. Pero hindi ako naniniwala. Galit ang papa ko kay Mr. Hugo Nick, kaya imposibleng totoo ang sinabi niya. “Bakit ka naririto? Ano ang kailangan mo?” malamig kong tanong. “Naisip kong tulungan ka sa mga assignment mo. Kung may mga gusto ka pang itanong, mamaya na pagkatapos natin. Halika na, magsimula na tayo, sayang ang oras. Sabi mo, maaga ang exam mo bukas, di ba?” Sinabi ko ba ’yon? Sa pagkakaalam ko, malapit pa lang ang final exam, hindi bukas. Pero hindi na ako nagsalita. Nilampasan ko siya at tumungo sa kwarto ko. Kasunod ko siya at mas nauna pang pumasok sa loob. At sa kama ko pa talaga siya umupo, akmang sasawayin ko nang biglang humiga, dinampot ang unan ko at tinakip sa mukha niya. Anong drama ng lalaking ito… pero teka, sabay lapit ko at kinuha ang aking unan sa mukha niya. Sigurado ako amoy panis na laway ‘yon eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD