Chapter 6

1779 Words
Kasalukuyan.... "Grabe ka Andrea, kaya pala madalas ka daw hanapin ng lalaking 'yun sa boss ko 'nun"-- saad ni Sarah. "Naku lagot ka talaga pag nagkita kayo. Buti na lang tumigil na sa katatanong dahil wala na din akong balita tungkol sayo noon." Dugtong pa nito habang iiling-iling pa, hindi pa rin makapaniwala sa ikinwento niya rito. "N-nabigla kasi ako noon Sarah, k-kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong tuhurin siya--- Aniya na may apologetic sa tinig. "Pero nakahanda naman akong ibalik sa kanya 'yung pera niya eh." Saad pa niya trying to explain her side of the story na nagawa lamang niya ang bagay na iyon dahil sa labis na panga-ngailan gawa ng operasyon noon ng nanay niya. Bumuntong hininga si Sarah at tinapik siya sa balikat tsaka tipid siyang nginitian. "Oh siya ano pa nga ba ang magagawa natin, nangyari na ang nangyari." Turan naman ng kaibigan sabay tirik ng mata. "By the way kaya nga pala ako napunta dito ay dahil gusto sana kitang alukin ng trabaho." Pag-iiba ni Sarah sa kanilang usapan, na agad naman niyang ikinalingon dito dahil iba ang naisip niya baka kung ano na namang trabaho iyon. She thought and gave her a questioning glare. "Oh ano yang tingin mong yan?--- It's not what you think Andrea noh--- Matinong trabaho ang iaalok ko sayo at malaki ang sweldo, di ka pa mapupuyat dahil sa office ka magta-trabaho." Dugtong na turan ni Sarah na malamang ay nahulaan ang nasa isip niya. Biglang nagliwanag ang mukha niya upon hearing what she said. "A-anong trabaho?" Masiglang tanong niya agad kay sa babae. "Magre-resign na kasi yung pinsan ko sa pinapasukan niyang opisina dahil kukunin na siya ng boyfriend niya sa ibang bansa para pakasalan at ang kondisyon ng boss niya ay dapat makahanap muna siya ng kapalit before siya payagang umalis-- eh wala na kaming iba pang mai-recommend kaya naisip kita tutal naman mas kailangan mo ng malaking income dahil sa nanay at kapatid mo-- Nung isang araw pa ako pabalik-balik dito pero sabi ng tiyahin mo sa call center ka nga daw nagta-trabaho kaya talagang sinadya kitang puntahan ngayong gabi." Mahabang pahayag ni Sarah. Medyo nakaramdam siya ng pagkapahiya dito dahil sa ginawa niyang pag-iwas nang matagal na panahon dito, dahil na rin sa nagawa niya noon. Malaking kahihiyan kasi yun dito lalo pa't maayos siyang lumapit noon kay Sarah at maayos din siya nitong tinulungan. Nahihiya siyang ngumiti ng bahagya kay Sarah. "S-sorry pala sa pag-iwas ko sayo 'nun ha Sarah"--- umpisa niya. "Sobra kasi akong nahihiya dahil maaring pati ikaw ay mapahamak dahil sa kapangahasang nagawa ko dun sa customer." Nahihiya at apologetic na turan niya sa kaibigan. "It's okay--- Naiintindihan naman kita eh, Basta sana pag tinanggap mo ang inaalok kong trabaho ay wag mo na akong ipapahiya pa." She told her smiling genuinely. "Saan ba yan Sarah? At ano ang magiging trabaho ko?" Maya maya ay tanong niya na ngayon ay magaan na ang pakiramdam dahil nagka-ayos na sila ni Sarah. "Sa Makati yung office at magiging personal Assistant ka lang naman ng CEO President ng kumpanya ng isang real-estate business. Medyo may pagka istrikto nga lang daw ang magiging boss mo pero pag nakasundo mo naman ay magiging okay ka sa kanya." Sambit pa nito na talagang naeengganyo para pumayag siya. Saglit siyang nag-isip at nilimi ang magiging desisyon. Masyado siyang nahihirapan sa call center dahil nga sa graveyard shift siya at minsan hirap siyang labanan ang antok dahil sa umaga ay kung ilang oras lang naman ang nagiging tulog niya dahil nga sa pag-aasikaso pa niya sa nanay at kapatid niya, whereas kung pang umaga siya at 8 hours ang trabaho ay magkakaroon siya ng sapat na pahinga at pwede pa siyang rumaket sa pag titinda ng kung ano ano sa office kung saka sakali. Tinitigan niya ng matiim si Sarah bago humugot ng malalim na hininga. "M-Magkano ang magiging sahod ko doon, Sarah?" Lakas loob niyang tanong sa kaibigan. "Well--- Sasahod ka lang naman ng 30 thousand per month plus insentives and bonus at maganda eh pwede ka din sumide line sa pagbebenta ng mga condo unit ng company nila in case ganun ka kasipag." Nakangiting turan pa ni Sarah. Namilog ang mata ni Andrea sa tinuran ng kaibigan at biglang naging interesado siya sa inaalok nitong trabaho. "Totoo ba yan Sarah?" Excited ang tinig na tanong pa niya dito at agad ng naka buo ng desisyon. "Yes Andrea--- You heard me right, Ano payag ka na ba at magre-resign ka na sa call center?" Tanong nitong inaarok ang magiging reaksyon niya. "Sige payag na ako--- I will make a resignation letter right away at magpapasa na ng resume sa company ng pinsan mo." Pagpayag niya at tsaka sila nagpalitan ng contact number bago sila nagpaalaman sa isa't isa. Kinaumagahan ay agad na siyang gumawa ng resignation letter at ipinasa sa HR ng araw ding yun effective one week ang resignation niya kaya agad na din siyang nagpasa ng Resume sa pinsan ni Sarah at sinabihan siyang maghintay ng tawag galing sa office nito for the interview daw. At habang nag-aantay ay inatupag muna niya ang pag-aasikaso sa nanay at kapatid niya at pati narin sa pag-oonline selling niya. kahit wala siyang trabaho ng ilang araw ay lagi naman siyang abala sa kung ano anong raket kaya hindi din siya nababakante. Hanggang paglipas ng tatlong araw ay makatanggap na si Andrea ng tawag mula sa NAB Real Estate Development Corp. Pinapapunta siya roon para sa interview at agad na niyang inihanda ang sarili para maging presentable sa mag-iinterview sa kanya. Araw ng lunes..... Aligaga si Andrea sa pagbibihis, kanina maaga siyang nagising para iprepare ang pagkain ng nanay niya at ni Kiro bago siya aalis para magtungo sa interview. Naihabilin na niya sa tiyahin ang mga ito at nagsabi naman na maaga siyang pupunta sa kanilang bahay para may makasama ang kapatid at nanay niya. She made sure na very presentable ang itsura niya para di siya mapahiya sa mag-iinterview sa kanya. Napag-alaman kasi niya na malaking kumpanya ang papasukan niya kaya naman labis siyang sinasalakay ng matinding kaba dahil baka ma-reject pa siya ng mga ito. Andrea is putting a light make-up on her face at suot na niya ang isang office outfit na binili pa niya sa on-line shop. She wore a pencil cut above the knee skirt at white polo na may manggas, itinuck-in pa niya iyon para mas magmukha siyang kagalang-galang sa harap ng interviewer. Busy siya sa pagsusuklay ng lapitan siya ng kapatid niyang si Kiro. Nakangiti ito habang parang manghang-mangha na nakatingin sa kanya. "Ate---danda danda mo." Saad nitong ngiting ngiti at yumakap pa sa kanya. She was so touch by her brother's sweetness, hindi kasi ito kailanman nagbago para pa din itong bata kaya naman labis niyang mahal ang kapatid. "Hmmnn----ikaw talaga Kiro, binibiro mo lagi si ate." Tugon ko sabay gulo sa buhok nito at ngiti din para sa kapatid. Ang mga ito ng nanay niya ang source of strength ni Andrea, sila ang dahilan kung bakit puspusan ang pag kayod niya sa kahit na ano pa mang legal na paraan. "Saan ikaw punta ate? Sama si Kiro." Lambing pa ng nakababatang kapatid whike looking at her tenderly na mistulang nag-papaawa para isama niya ito. "Kiro--- Hindi pwede ang bata sa pupuntahan ni ate kaya maiwan ka dito kasama ni nanay okay?" Masuyong saad niya sa kapatid at hinalikan ito sa noo bago naman niya pinuntahan ang nanay niya para magpapaalam. "Nay, aalis muna ako ha--- Ngayon ang interview ko sa bagong papasukan ko." Pag iimporma niya sa ina sabay lapit at halik sa noo nito. "Mag-iingat ka anak ha, at salamat dahil sa pagiging mabuti mo sa amin ng kapatid mo." Tugon ng nanay niya na nangingilid na naman ang luha sa mga mata. "Ayan na naman po kayo nay eh----Wag nyo na pong iisipin ang mga ganyan dahil hindi po ako mapapagod na alagaan kayo ni Kiro. Aalis na po ako." Maalumanay na sambit niya bago lumabas na ng bahay para magtungo sa papasukan niyang bagong kumpanya. Nasa tapat na si Andrea ng NAB Real Estate Corp. na naka base sa Makati. Isa itong 25th storey building na kung saan ay pag-aari ng naturang kumpanya. Nag-inquire si Andrea sa lobby at sinabing may appointment interview siya sa HR office na agad namang itinawag ng staff sa mag-iinterview sa kanya at nang ma-confirm ay pinaakyat na siya sa 10th floor kung nasaan daw ang office ng HR. Sumakay si Andrea sa elevator na saktong paalis na noon, kaya madali siyang pumasok para iwas na sa paghihintay. May isang lalaki ang sakay niyon at naka-suot ito ng business suit at mayroong shades sa mata, pero hindi na niya iyon pinag-tuunan pa ng atensyon at pinindot na lamang ang button para pumunta sa floor kung saan siya may interview. Tahimik lang siya habang nakatuon ang mata sa mga numero sa elevator. Pero maya-maya lang ay nagulat siya ng biglang tumikhim ng malakas ang lalaking nakasakay niya kaya awtomatikong napalingon siya agad sa gawi nito para lamang mas magulat ng tanggalin nito ang suot na shades sa mata at makita ang mukha nito. Para siyang natuklaw ng ahas at hindi nakakilos, lalo na ng magsalubong ang mga tingin nila. Habang ang lalaki naman ay matiim ding nakatitig sa kanya na para bang sinasabing, 'Ano naalala mo ba ako?' Napalunok ng laway si Andrea at halos pagpawisan ang singit niya dahil sa alaalang pilit na niyang inaalis sa kanyang isip. Naging uncomfortable ang pakiramdam niya bigla at para ba siyang biglang nabalisa. "Why are you looking at me like that hmnnn?---- Bigla ay tanong nito habang nakangisi pa. "Na- amuse ka ba sa ka-gwapuhan ko miss?" Nakangising tugon pa ng lalaki habang titig na titig ng sobrang tiim sa kanya. 'Bakit hindi niya ako sinusumbatan?' Nagtatakang tanong niya sa sarili dahil parang hindi siya nito naalala. Andrea tried to calm herself at nagpanggap din na hindi niya ito natatandaan. "A-ang kapal mo ha!" Mataray na sikmat niya to cover up ang pagkapahiyang naramdaman niya sa pag react ng pagkagulat ng masilayan niya ito kanina. "Really?--- hahaha" At nakakaloko pa itong tumawa, babarahin pa sana niya ito nang magbukas ang elevator sa 6th floor and she saw him na naglakad na palabas but he stops at muli siyang nginisian sabay nag-flying kiss pa ito sa kanya at nanatiling naka-ngisi. Napamaang siya bigla sa inakto ng lalaki at biglang napa-isip. Hindi na talaga siya nito naalala na ang ibig sabihin nakalimutan na din nito ang atraso niya dito 3 years ago?. Sa isip niya na sobrang nagtataka pa rin talaga. *to be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD